Chapter 55- Ang Kasaysayang Pinagmulan

100 6 0
                                    

"Mac, pare. May sasabihin sana ako sayong napaka-importante. Pwede ka bang pumunta rito ngayon din?" Ang tugon ni Jonathan sa kabilang linya ng telepono.

Walang ano-ano ay pinuntahan ito agad ni Macario. Hindi na siya nagtanong kung ano ang kanilang pag-uusapan at basta na lamang siyang dumeretso roon nang walang bahid ng pagtataka at pag-aalinlangan.

Ilang sandali pa ay dumating na siya sa bahay nito.
At doon niya narinig ang mga katagang lalamon sakanyang isipan sa mga susunod na oras...o araw.

"Malamang ito na ang huli nating pagkikita. Kaya makinig ka sa akin nang maigi. Tungkol ito kay Teresita..."

Pinatay ni Ton-Ton ang Pulis na nakaduty nung oras na yun para bantayan siya. Habang si Sameer naman ay misteryosong nakatakas at tila bula nung naglaho sa kanyang selda, ngunit merong karumal-dumal na nangyare sa preso. Sa banyo, natagpuang nakahandusay at naliligo sa sarili nilang dugo na si Denzel Oliveros at Alfred Suarez. Ang mga taong nagtangkang patayin si Sameer kung saan ay muntik pang madawit si Tamayo.

Hindi sila makapag-isip nang mapayapa matapos marinig ang mga balitang ibinahagi sa kanila lalo't halos magkasabayan lamang silang nakatakas sa magkaibang kinaroroonan.

"Paano ba yan...nakawala na ang mga suspek sa imbestigasyon natin. Ngayon, ano ang gagawin natin?" Wika pa ni Lopez sa dalawa na nakatulala.

Hindi kumibo ang dalawa sa kanyang sinabi. Nanatili lamang silang tulala dala ng nangyari sa kani-kanilang pagliban.

"Sige, pag-isipan niyo na muna yan at nang hindi tayo magkakanda-letse sa mga susunod na hakbang natin." Pagpapatuloy ng matandang pulis ngunit katahimikan parin ang naging sagot sa kanya.

"Pero hindi ako pwedeng magkamali. Yan na yan ang simbolo nila. Isa pa, hindi yan ang tattoo ng isang ordinaryong miyembro."

Nung sinabi niya yun ay nakuha na niya ang atensyon ng dalawa. Inilipat nila ang kanilang tingin kay Mr. Gomez na medyo nahimasmasan na matapos magwala.

Nilapitan ito ni Lim para tanungin.

"Sir...bakit may ganyang tattoo po kayo?" Tanong niya kay Mr. Gomez.

"Hi--hindi ko nga rin alam...kaya ako pumunta rito para maghanap ng kasagutan." Sagot nito sakanya.

"Sir. Posible kayang...may kinalaman siya mismo sa pagkawala ni Teresita?" Tanong ni Tamayo kay Lim.

"Di tayo nakakasigurado diyan." Sagot pa Lin rito.

"ANO?! PATI AKO PAGDUDUDAHAN NIYO NA RIN? PATI AKO SUSPEK NA RIN? SA TINGIN NIYO BA KAYA KONG IPAHAMAK ANG SARILI KONG ANAK?!" Pagsisisigaw ni Mr. Gomez sa tatlong pulis.

Hindi na lamang sila umimik para na ring makaiwas sa walang saysay na pagtatalo.

Napaupo na lamang si Lim sa sahig at napatalukbong ang kanyang ulo sa kanyang mga braso.

"Putangina".
Pabulong na sambit nito dala ng pagkabigo.

"Tungkol kay Teresita? Ano ang ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Macario sa kaibigan.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now