Chapter 7- Balik

282 7 0
                                    

Perspektibo ni Andre
_______________

"Ma, di muna pala ako uuwi mamaya. Mag-oovernight po ako kina Bryan." Ito pa ang paalam ko kay Mama. Syempre inasahan ko nang magagalit na naman siya sa akin dahil may problema pa kaming kinakaharap. Pero may problema rin ako na kailangang ayusin.

"Ikaw bata ka! Nakikita mo na ngang nawawala ang Ate mo, nakuha mo pang mag-overnight ngayon!" At gaya ng inasahan ko, ay nakatanggap na naman ako ng nakakabinging sigaw mula kay Mama. Pero may plano na ako para diyan.

"Eh wala kaming magagawa. May project kami, eh. Kailangan namin yun matapos ngayong gabi dahil ipapasa na rin agad-agad kinabukasan." Ito ang naisip kong dahilan para payagan ako. At hindi naman ako nabigo. Matapos yun marinig ay pumayag din si mama.

"Osiya. Sino-sino naman ang mga kasama mo?"

"Sina Lawrence at Eric lang. Wag ka na mag-alala, Ma. Doon naman kami sa bahay ni Bryan mag-oovernight eh."

Matapos ang mahabang pangungumbinsi ay napapayag ko rin si Mama. At hindi lang yun, binigyan pa niya ako ng ekstrang pera. At dahil doon ay kampante na  ako na makakaraos kami sa aming gagawin.

Hindi pa nagtagal ay tumuloy na nga ang plano naming overnight. Kumpleto na kami sa bahay ni Bryan nung pag-sapit pa lang ng alas sais. Halos sabay-sabay rin naman kaming umuwi mula school kaya wala namang naging problema sa first part ng paghahanda namin.

"Ilan ba ang nambugbog sayo?" Tanong pa ni Lawrence sa akin.

"Mga anim o lima. Hindi na rin ako sigurado dahil medyo madilim-dilim na nung ginulpi nila ako. Pero tantya ko, ganun sila ka-rami." Sagot ko sa kanya.

"Sige, sige. Mabuti dahil makakaya pa natin sila." Sabi naman ni Eric.

Tatlo lamang kami sa kwarto ni Bryan. Ang swerte namin nitong oras dahil saktong nasa business trip ang parents niya kaya masasabi kong amin na amin talaga ang bahay nila sa mga oras na ito. 

"So ano ang plano, aabangan ba natin sila sa labas?" Tanong pa ni Eric.

"Dipende sa kung saan natin sila maabutan." Sagot ko sa kanya.

Maya't maya pa ay pumasok na si Bryan sa kwarto dala-dala ang mga baseball bat niya mula sa bodega. Inilapag niya ang mga ito sa sahig at dumiretso na sa kama—kung saan kami nakaupo. 

"O, Ayan, may props na tayo para bukas. Pero sigurado ka ba talagang makakaya mo tong gawin? I mean...pwede mo itong ika-expel." Ani Bryan.

"Nangako ako na babalikan ko ang hayop na yun. Kaya kung ano man ang mangyayari, bahala na basta makakaganti ako sa kanya." Buo na ang loob ko para gawin ito. Sa oras na maisip ko kung ano ang ginawa nila sa akin ay nanggigigil lamang ako.

Matapos yon ay inistalk na namin yung Oliver sa social media.  Dahil sa hindi namin alam kung ano ang kanyang apelyido, ay tanging 'Oliver' na lamang ang nilagay namin sa search bar. Matapos ang ilang minuto ng pag-scroll at sa tulong ng paghalungkat sa mga mutuals ay nahanap rin namin  siya.

Ang Pagkawala Ni Teresita Gomezحيث تعيش القصص. اكتشف الآن