Chapter 9- Kasama ang Palad

278 7 0
                                    

"Teresita!"

"Teresita!"

"Teresita, Bumalik ka rito!" Ito mga sigaw ni Helen habang hinahabol ang noo'y bata pa lamang na si Teresita.

Hindi ito nakikinig sa kanya at panay tawa lamang ito habang hinahabol ng kanyang ina. Hinihingal na si Helen dahil sa kakatakbo nito—na siyang hindi niya mahabol-habol. Dahil parang kahit anong pilit niyang humabol ay hindi niya ito magawa dahil nanatili lamang siya sa isang puwesto habang palayo nang palayo na si Teresita.

At habang palayo nang palayo si Teresita ay patangkad ito nang patangkad na parang kada hakbang ay nagkakaedad ito. Takbo lamang ito nang takbo patungo sa direksyon kung saan ay padilim rin nang padilim.

"Te--Teresita, anak, bumalik ka rito. Wag mo kaming iwan, Teresita! TERESITA!"

Napabaligkwas ng bangon si Helen at hingal na hingal. Sa muling pagkakataon ay naluluha siya nang naalimpungatan. Isang masamang panaginip lang pala. Ngunit hindi nito matutumbasan ang totoong bangungot na nangyayari sa kanilang pamilya—sa isip-isip niya pa. Tumingin siya sa kanilang orasan at nakita niyang ala-una na pala ng madaling araw. Nagulat siya nang makitang wala na sa kanyang tabi ang asawa. 

Umalis siya ng kwarto para hanapin si Macario, at narinig niyang nasa sala ito at tila may kinakausap sa telepono.

"Hello, Senior Inspector Lim. Pasensya na po kung napatawag ako sa inyo sa ganitong oras. May nahanap po ako na baka pwedeng makatulong sa imbestigasyon niyo sa aking anak...ganun po ba? Sige, sige. Dadalhin ko ito bukas pagpunta ko diyan. Maraming salamat, bye." Sabi pa ni Macario sa kabilang linya.

"Mac, ano pa ang ginagawa mo diyan eh magmamadaling-araw na? Tanong pa ni Helen sa asawa.

"O, bakit gising ka pa?" Anito.

"Nagising ako dahil sa masamang panaginip..." 

"Nga pala, ano ang nahanap mo?" Pagpapatuloy ni Helen matapos marinig ang usapan ni Macario at ng Pulis na nag-iimbestiga sa pagkawala ng kanilang anak. 

"Ipagpabukas ko na lang ang pagpapaliwanag. Sige, matulog ka na ulet. Susunod lang ako sayo dahil papatayin ko pa ang mga ilaw." Sabi pa ni Macario sa asawa.

Matapos nito ay bumalik na si Helen sa kanilang kwarto para matulog habang dumiretso muna si Macario sa kusina upang uminom ng tubig. Pagtaas niya ay napatingin muli siya sa kwarto ni na nananatiling bakante pa rin. Muli ay napabuntong-hininga na naman siya kakatingin rito, at kalauna'y isinarado niya rin.

Noong pumasok na siya sa kanilang kwarto ay humiga na lamang siya diretso at natulog habang gising pa si Helen at nagmu-muni-muni gawa ng panaginip niyang yun.

---------

Kinaumagahan ay mag-isa muli si Helen noong nagising. Tinignan niya ang orasan at 8:15 na pala ng umaga. Bumangon na siya at lumabas ng kanilang silid nang madatnan niyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Teresita. Pumasok siya roon at nakita niyang nakakalat na ang mga papeles at gamit ni Teresita. Palagay niya ay si Macario ang humalughog nito kagabi at iniwan lamang nakakalat.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now