Chapter 28- Kasalanang Hindi Sinasadya

154 8 5
                                    

Perspektibo ni Andre
___________________

"Aalis ka na naman?" Tanong pa ni Xandra sa akin habang naghahanda ng mga dadalhin.

"Sandali lang ako, wag kang mag-alala." Sagot ko naman sa kanya.

"Ala una na ng madaling araw, saan ka pupunta?"

"Para kang si Mama..."

Umalis na na ako ng bahay. Pumunta ako sa plaza. Medyo kinikilabutan ako, dahil ako lang mag-isa ta's hating gabi pa. Hinukay ko ang lupa sa may swing, malapit sa poste ng ilaw para ibaon doon ang isang envelope. Wala nang tao sa mga oras na yun, maliban na lamang sa mga pulubi, mga pumaparty at mga sekyu na nasa nightshift. Pagkatapos kong ibinaon ang envelope na yun sa lupa, ay agad na rin akong tumayo para umalis. 

"Hindi ka ba natatakot sa dilim?"

Nagulat ako no'ng biglang may nagsalita. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at may nakita akong isang matandang babae na nakaitim. Nakangiti siya sa akin. Base sa itsura nitong ale ay masasabi ko na isa siyang palaboy.

"Pasensya na po kung naistorbo ko ang tulog niyo." Yun lamang ang sinagot ko sakanya habang paunting humahakbang papalayo.

"Hindi ako natutulog. Kaya tanaw ko ang dilim tuwing gabi." Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, at di ko na rin sinubukan pang intindihin ito.

Binigyan ko siya ng bente pesos bago akong umalis. Hinding hindi na talaga ako aalis ng bahay tuwing ala-una. Anu-anong weirdong nilalang na lang ang nakakasalamuha ko sa daan sa ganitong mga oras.

Habang tumatakbo pauwi, binibilisan ko na ang pagmamaneho ng motor. Masyado nang madilim, ta's sasabayan pa 'to ng napakalamig na hangin, eh hindi ka ba kikilabutan?

Papalapit na ako sa bahay nang biglang ko na namang nakita ang parehong matandang babae na nakausap ko kanina. Pero this time ay nakatayo na siya sa gitna ng kalsada—na tila sinasalubong ako.

Kasunod nito ang pagpreno ko, ngunit for some reason, hindi ito kumakagat. At dahil do'n ay napilitan ako na biglang iliko ang manibela—dahilan para sumemplang ako, kasama ang motor. Nabaling ang atensyon ko sa kanya at nakita kong nakatayo lamang siya roon habang nakatitig sa akin na naghihingalo na. Paunti-unti na ring dumilim ang paningin ko...

Nang biglang may sumampal sa akin.

"Aray! Required bang manampal?!" Sigaw ko pa matapos mapabalgkwas ng bangon.

"Andre! Kanina pa kitang ginigising pero sige ka lang sa pag-ungol. Binabangungot ka." Sabi pa sa akin ni Xandra.

"Sobrang likot mo pa ta's may binubulong kang 'saan natin dalhin yan'.." Dagdag pa niya.

Pilit kong kinakalimutan ang mga salitang yun pero 'di ko magawa-gawa. Nakalimutan ko na nga no'ng una pero kusa naman siyang bumabalik. Nang tuluyan na akong nakadilat ay ngayon ko lang naalala na nag-uusap pala kami ni Xandra sa kanyang kwarto—hanggang sa nakatulog kami pareho.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now