Chapter 62- Isang Bagong Umaga

147 4 1
                                    

Matapos ang matagal na gabing yon ay nakauwi rin ang lahat nang matiwasay. Ngunit sobrang lungkot at pagdadalamhati naman ang naiuwi ng pamilyang Gomez matapos ang nangyari sa kanilang haligi ng tahanan.

Pero kahit ganoon pa man ang nangyari ay malaki ang pasasalamat nila rito dahil ligtas na nakauwi si Teresita sa kanila-kung hindi dahil sa sakripisyo ni Macario.

Sa wakas ay makakapiling na nilang muli si Teresita matapos ang matagal na panahong naligaw ito sa kagubatan.

Dumiretso naman sina Lim, Tamayo at iba pang mga kasamahan nila sa kanilang headquarter para ireport ang mga naging kaganapan sa Caragao.

"Mga higit-kumulang limang daan po ang mga miyembro ng kultong ito. At sa pagkakaalam ko ay lahat ng residente ng Caragao ang kasapi rito. Kaya hindi ganoon kadali ang pagpasok at paglabas namin sa lugar na yon. Kaya kahit na sadyang naging makitid ang daanan namin para makatakas, ay inuna ko na ang kapakanan namin lahat. At minabuti ko nang i-withdraw ang puwersa namin para di na madagdagan ang mga bangkay na iuuwi namin. Hindi ko kayang ikompromiso ang buhay ng mga kasamahan ko. Kaya pasensya na po kung ito lang ang mairereport ko sa inyo ngayon." Sabi pa ni Lim sa kanilang hepe.

"Hindi. You did a great job, Senior Inspector Lim. Lagi mong tandaan na ang tanging misyon ninyo ay maiuwi si Teresita Gomez nang ligtas kahit anong mangyari. At kung hindi dahil sa liksi at talino mo, hindi mangyayari yan." Sagot nito.

"Maraming salamat po, Chief. Pero mas nararapat po na si Superintendent Ernesto Lopez ang makatanggap ng papuri na yan. Ginawa niyang posible ang pagtunton sa kinaroroonan ni Teresita sa tamang oras. Ngunit sa kasamaang palad nga lang ay isa siya sa mga naging casualties namin sa engkwentro."

"Wag kang mag-alala, bibigyan natin siya ng tamang parangal."

"...siya nga pala, ano ang naging balita kay Antony Balais?"

"Killed-in-action po siya kagabi. Gaya po nina Chief Bernales at ng lider umano ng Leones Solis o tinawagan nilang 'Supremo' na si Erwin Delos Santos. Ang tanging natirang higher-rank nila roon ay si Sameer Nadav, na nananatiling at-large, gaya ng iba nilang kasapi. Pero ayon sa source na natanggap ko, ay sobrang laki po ng pagmamahal at respeto ng mga miyembro nito sa kanilang Supremo. Kung kaya't pag napatay ang kanilang Supremo ay buong oras din silang titigil sa kanilang ginagawa para magluksa. Dagdag pa nila ay masyadong dependent din ang mga ito sa kanilang Supremo kaya hangga't sa walang bagong tatayo na Supremo ay pansamantala silang mawawalan ng hangarin. Anila, banal raw ang kautusan ng Supremo dahil layunin umano ito ng kagubatan." Ani Lim.

"Maraming salamat sa iyong napakadetalyadong report." Sagot ng Hepe.

Matapos yon ay tumayo ang hepe sa kanyang kinauupuan at nagbigay ng pugay kay Lim—na siyang ginantihan din nito.

"Dahil naging matagumpay ang paghandle mo sa kasong ito, Senior Inspector Allan Lim, itinataas kita sa ranggo ng--"

"Maraming salamat po, Sir. Pero hindi ko na po matatanggap ang promotion ninyo." Biglang natigilan ang hepe dahil sa naging pagtanggi ni Lim.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin