Chapter 12- Ernesto Lopez

252 9 0
                                    

Nakarating na kami sa Padrino. Nakakapagod ang byahe—gayong kailangan ko pang bumalik kaagad ng Caragao para ipagpatuloy ang imbestigasyon namin.

Hinatid na namin si Mr. Gomez sa kanila ngunit nagpupumilit pa rin ito na sasama sa akin pabalik.

"Pero...kailangan kong sumama sa inyo, kaya pakiusap." Pagpupumilit niya pa.

"Sir, sigurado akong nag-aalala na po si Ma'am sa inyo. Kaya umuwi na po kayo, Sir. Ipaubaya niyo na po sa amin ang paghahanap. Di bale po, babalitaan lang po namin kayo kung sakali." Pangungumbinsi ko sa kanya.

Hindi katagalan ay nakumbinsi ko rin naman siya. Alam kong nape-pressure siya sa paghahanap ng kanyang anak pero trabaho na namin yun.

Ngunit kahit pa na ganoon ay napahinga ako nang maluwag dahil hindi na malamig ang inasal sa akin ni Mr. Gomez. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakatulong sa kanya ang pag-kwento ko ng nangyari sa akin noon—dahil nabigyan ko siya ng reassurance, kahit konti.

Masyadong nakakapagod ang byahe ko para sa dalawang magkasunod na araw. Pagkauwi at matapos paghandaan ang aking mga kagamitan ay agad na akong bumyahe ulet pabalik ng Caragao. Pinaiwan ko na muna si Tamayo para may magreport para sa akin at syempre, makapag-sagawa rin siya ng kanyang imbestigasyon dito sa Padrino—na siyang maaaring naging dahilan ng pag-alis ni Teresita.

Pagkabalik ay nagpalipas ko muna ako ng gabi sa isang apartment malapit sa istasyon ng Caragao. Doon ko inaral at sinuri ang mga larawan na nakuha kosa mga envelope—na marahil ay may koneksyon sa kanyang pagkawala. 

Mahirap intindihin ang mga litratong ito dahil may kalumaan na at ang mga ilan sa mga gusali na nasa background ay posibleng giniba na. Bukod doon, wala rin akong ideya sa  pagkakilanlan ng mga taong nasa litrato. Ang tanging mailarawan ko lang ay mukhang mga mestizo at mestiza ang mga taong ito at palagay ko ay mula ang mga ito sa mga prestihyosong angkan. Pero ang katanungan na bumabagabag sa akin ay kung ano kaya ang kinalaman nila sa pangyayari, kung mayroon man? 

Noong hindi ako makahanap ng wastong sagot ay napag-pasyahan ko na iligpit na lang muna ang mga litrato at ipinasok sa envelope.Bukas ko na lang titignan ang mga ito—gawa ng labis na kapaguran sa pagbyahe.

Ipapasok ko na sana ang mga ito sa isang bag na dinala ko nang may malaglag na isa sa mga litrato na hawak-hawak ko lamang kanina. Hindi ko napansin ang litratong yun noong una, pero doon ko napag-alaman na ang taong naroon ay ang parehong matandang lalaki na nasa litratong natagpuan sa compartment ni Teresita. May kasama siyang isang matandang babae, Mag-asawang nasa may 30 o 40 na ang kaedaran at dalawang bata. Sa tingin ko ay isa itong pamilya.

Habang sinusuri at inaaral ko ang mga litrato para makakuha ako ng anumang karagdagan impormasyon na maaari kong makuha ay biglang may tumawag sa telepono ko. Agad ko itong sinagot at narinig ko na si Chief Bernales pala ang tumatawag.

"Hello, Senior Inspector Lim? si Chief Bernales ito. Maaari ba kitang maimbitahan sa istasyon, ngayon din? May nakuha kami na pwede mong mai-konekta sa imbestigasyon." Aniya.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz