Chapter 40- Isa sa mga Piyesa ng Buong Makina

130 5 2
                                    

Naghahanda na kami ni Tamayo para umuwi ng Padrino. Iimbestigahan namin sa ngayon ang lead na kanyang sinusundan kahit na di ko pa natapos kay Sameer. Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko kahapon. May kinalaman ba talaga ang tattoo na yun sa kasong ito? 'Di ko talaga alam, pero walang araw na hindi ko yan malalaman. At walang araw na walang lilitaw na katotohanan.

"Ano po pala ang ibig sabihin no'n?" Tanong ni Zach sa akin na 'di ko agad napansin noong una dahil sa kakaisip.

"Ang alin?" Nalilito ko ring tanong sa kanya

"Yung tungkol po sa tattoo na tinawag niyong 'link'?"

"Ewan ko pa. Sa katunayan nga ay ako mismo ang naguguluhan sa kung ano ba talaga ang kinalaman ng partikular na tattoo na yan. Ang tanging alam ko lang ay palagi yang nandyan sa tuwing may nalalaman o may lumilitaw na nauugnay sa kaso ni Teresita Gomez."

"So ang iniisip niyo po ba ay parte sila ng isang sindikato malaking organisasyon ng mga kriminal?"

"Oo, parang ganoon na nga. Natatandaan mo pa ba yung mga nakabarilan mo? Isa sa mga ito ang may tattoo na sinasabi ko sayo, at yun ang kadalasang nasasangkot sa mga naging imbestigasyon natin. Pero hidi ko pa rin makuha kung ano nga ba ang koneksyon ng tattoo na yun sa mga insidenteng nae-encounter natin." Pagsasalaysay ko pa kay Tamayo tungkol sa mga nalalaman at haka-haka ko.

"...Pero since wala namang tattoo 'tong si Sameer, di natin masabi kung ano talaga ang eksaktong koneksyon niya sa mga 'to." Dagdag ko pa.

"Pero ano po sa tingin niyo ang ibig sabihin ni Sameer kahapon? Yung tungkol po sa baka hindi nga talaga nawawala si Teresita at naisipan lang talaga nitong umalis sa kanyang lugar at 'di na babalik?"

Sa katanungang ito ni Tamayo ay nakapag-isip-isip din ako na paano kaya kung totoo ito. Paano kung si Teresita talaga ang nagpasiyang lumisan sa mundong kanyang nakagawian para baguhin ang buo niyang pagkatao—at pinalabas lamang nito na nawawala talaga siya? Kung totoo nga na ganoon, may mapapala pa kaya kami sa paghahanap sa kanya?

"Hindi ko alam, iho." Ito lamang ang tanging nasagot ko.

Habang nag-iimpake ay itinago ko ang portrait ni Roberto Tuazon sa isa sa mga drawer ng cabinet.

Sino ka ba talaga? At ano ang ginagawa mo rito?

Ito rin ang katanungang nasa aking isipan habang pinagmamasdan siya.

"Sa tingin mo, may koneksyon kaya ang Tattoo na yun sa 'Ako ay palaging nasa gitna ng magkabilang lima' na mga katagang palagi nilang nababanggit? Ako naman ang nagtanong kay Tamayo sa mga oras na ito.

"Actually, hindi ko nga rin masagot, Sir, eh. Basta palagi na lang natin yang nae-encounter, kasabay pa ng mga kakaibang numero at mga salitang hango sa wikang latin." Sagot pa niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at taimtim na nag-isip kung ano nga ba ang susunod na magiging hakbang namin.

----------
Bago kami nagpatuloy sa aming byahe pabalik ng Padrino ay nagtungo muna kami sa istasyon upang tignan si Sameer doon.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now