Chapter 23- Wala sa huli, Pagsisising Bumabalik

172 5 0
                                    

Perspektibo ni Tamayo
________________

Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ko ang buong pangyayari. At gaya nito ay hindi pa rin nawawala ang pagsisisi ko sa sarili dahil wala akong nagawa para pigilan yun

Galing kami sa inuman noon, kasama si Kuya Tammy at iba pang mga pinsan. Bale apat kami noon. Ako, si Kuya Tammy, at ang magkapatid na sina Levi at Dexter. Graduation kasi ni Kuya Tammy kinabukasan sa kursong Architecture; kaya napagkasunduan naming magpipinsan ang mag-bonding muna bago yon magaganap. 

Second year college ako noon sa kursong Psychology. At si Kuya Tammy ang madalas na tumulong sa akin sa Math—kaya siya ang pinaka-close ko sa lahat ng magpipinsan, kung-kaya't parang magkapatid na kami na maituturing, kaysa magpinsan.

Nasa isang bar kami at medyo napainom na rin nang marami. At hindi namin inexpect na magkakaroon pala ng gulo sa pagitan namin at doon sa mga nasa kabilang mesa. Dahil sa nakainom na nga ay medyo nagkainitan na ng ulo sina Levi at ang isa sa mga lalaki roon.

"Hoy, ba't titig na titig ka sa syota ko?!" Maangas na tanong ng lalaki kay Levi.

"Masama bang tumingin, Kuya? Napatingin lang eh dahil napagkamalan ko na kakilala ko, tapos ikaw diyan, umiiyak na." Pangangatuwiran din ni Levi ng pabalang.

At dahil doon ay napatayo na ang lalaking yun nang pabagsak, at nilapitan ang aming kinauupuan. May tama na rin ang lalaking yun kaya napakainit na nito; at halata naman, base sa kanyang lakad na pagewang-gewang.

"Aba tarantado ka pala, eh. Hindi mo ba ako kilala, HA?!"

Nang akmang kokomprontahin niya na si Levi ay pumagitna sa kanila si Kuya Tammy.

"Sir, baka pwede naman na huminahon na lang tayo. Yun naman ang pinunta nating lahat dito, eh. Para mag-enjoy." Pakikiusap pa ni Kuya Tammy sa lalaki.

"Bakit? Sino ka ba? Ha!"

"Ako ang kanyang nakakatandang pinsan. 'Di bale po, ako na po ang bahala sa kanya."

"Pag-sabihan mo yang pinsan mo, ha?! Pag-uuntugin ko kayong dalawa eh!"

"Ayus-ayusin mo yang tono ng pananalita mo, Pare. 'Di mo 'ko masisindak diyan sa pag-aangas-angasan mo." Ito pa ang naging sagot ni Kuya Tammy sa lalaki nang mapuno na siya rito.

"Aba'y gago ka rin eh, no?!" Sambit pa ng lalaki matapos marinig yun, sabay tulak kay Kuya.

Nang hindi na makapag-timpi ay binigyan na niya ito ng isang napakalakas na sapak—dahilan para mawala ito sa balanse at bumagsak sa kanyang kinatatayuan. Nagtangka pa sanang sugurin ng mga kasamahan nito si Kuya ngunit kami naunahan namin sila sa pagkakataong yon. Nagpatuloy ang kagulughan sa loob ng bar hanggang sa pinigilan na kami ng mga bouncer na nagsi-datingan doon, at pinaalis kaming lahat sa mismong oras ding yon.

Wala na kaming nagawa kundi sundin ang mga ito, kaysa pa na mapunta kami sa presinto dahil lang sa walang saysay na away—dala ng kalasingan.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now