Kung kumabit ang KABET kapit na kapit ang sarap lastihin ng sobrang hapit

379 7 3
                                    

Kung kumabit ang KABET kapit na kapit ang sarap lastihin ng sobrang hapit

Narrator: Kinakabukasan, nakaupo si Luisa sa Bench malapit sa main building ng university. Natapon sa damit nya ang likido na galing sa taas. Hindi nya alam iyon at dali dali syang pumunta sa CR.

"Ang malas ko lang talaga" sabi ni luisa habang pinupunasan ang kanyang damit.

Biglang pumasok si Jessa sa CR. May halong ngiti na tila nangiinis.

Pumunta ito malapit sa kinaroroonan ni Luisa, sa harap ng salamin, habang hawak hawak n'ya ang kaniyang buhok.

Linapatan n'ya ang kanyang mga labi ng mapangahas na pulang lipstick. Tulad ng dati hindi siya pinapansin ni Luisa. Inayos na ni Luisa ang sarili at matapos ay palabas na ito ngunit natigilan ito sa paglalakad ng marinig nyang magsalita si Jessa.

"Do you have a secret affair with Jess?" tanong ni Jessa kay Luisa.

Napatigil at tila walang kibo si Luisa. Papalapit si Jessa kay luisa nang simulang maglakad si Luisa pabalik sa kinaroroonan nya kanina.

Sinundan ito ni Jessa. hinawakan ang buhok at tila inaayos ang buhok!

"May kalandian ka rin pala no?" bulong nito kay Luisa.

"Jessa, Insecure ka pa rin ba sa akin?" palabang sagot nito.

Nagulat si Jessa at biglang bumigat ang hawak ni Jessa sa buhok ni Luisa.

"Hindi ako maiinsecure sa taong katulad mo.. MANANG! PANGET AT WALANG CLASS"

Nagpumiglas si Luisa dahilan upang mabitawan sya ni Jessa

"Anong class mo?" tanong ni Luisa at hindi bago pa man sumagot si Jessa ay nagsalita na si Luisa.

"Low Class diba?" sabi ni Luisa

Tumaas ang kilay ni Jessa at akmang sasampalin nya si Luisa ngunit bago pa man dumampi ang palad ni Jessa ay napigilan agad ito ni Luisa. Nanatali sa mahigpit na pagkakahawak si Luisa sa kamay ni Jessa. Mariin silang nagkatinginan at tila nasa isang labanan.

"Ikaw? Anong gusto mong itawag ko sayo? Other woman o The Mistress? Ay. alam ko na, tutal low class ka. KABET na lang" sabi ni Luisa sabay bitaw sa kamay ni Jessa

"Pag nagalit ang tahimik, humanda ka!" huling linyang binitawan ni Luisa sabay alis nito.

Meant to be MatchWhere stories live. Discover now