Prologue - Who is my match?

1.4K 26 11
                                    

May mga araw talagang hindi naman para sa'yo.

May mga pagkakataon na masasaktan ka, babae ka man o lalaki, kayo man o crush mo lang sya.

Wala na talagang pinipili ngayon yung atake ng "sakit" no?

Ako nga pala si Jess. 

Tulad mo, minsan masaya at minsan hindi maiwasan na tambayan ang problema.

Noong una, ok lang akala ko kasi normal lang.

Yung mag away kayo ng minsan kasi ikaw may kasamang iba at s'ya may kasama rin namang iba.

Yung hindi kayo nagkakaintindihan.

Yung akala mo ikaw lagi ang tama.

Yung wala ka namang ginagawa bigla na lang s'yang totopakin at hindi mamansin.

Yung late s'ya tas maaga kang dumating sa date n'yo

Kung yang mga yan ay naranasan n'yo na - maniwala ka sa akin, higit pa diyan ang mga naranasan ko. 

Sana totoo na lang yung destiny no? Yung tipong kahit di ka maghanap, maghintay ka lang ok na!

Yung effort hindi lang sa'yo napupunta , pati rin sa kanya.

Yung kayong dalawa ang sumusuyo hindi lang porket ikaw yung lalaki, ikaw ng lahat. 

Minsan kapag may problema ako, sumasakay na lang ako ng jeep.

Sa jeep kasi nakikita ko yung mga mukha ng pasahero tapos iniimagine ko na maliit lang ang problema ko kumpara sa nababasa ko sa mukha nila

"Siguro 'to, wala ng trabaho"

"Siguro 'to, di pa makahanap ng trabaho"

"Siguro'to, hindi alam kung papano kakain bukas"

"Siguro 'to, may sakit yung minamahal"

"walang pambayad sa hospital"

Try nyo pag may problema kayo.

Magpray

Maniwala

Maging masaya.

Kung may mawala man sa inyong buhay

Baka may darating na better.

Baka may darating na tama.

Baka yung bagong darating pangforever na.

Hindi lang months.

Hindi lang days.

Meant to be MatchWhere stories live. Discover now