Crazy LittleThing Called Love A.K.A Love Versus Hate

370 11 3
                                    

Luisa's POV

(Hi, I'm back. Luisa po ito, sana wag kayo maguluhan, konting logic rin Haha. Joke.)

Ang sakit sa mata ng kislap nang sinag ng araw na nangagaling sa tila makinang na desk na yo'n. Hirap tumingin at ang hirap bumangon. Parang ang sakit ng ulo ko' Teka, ano bang ginawa ko kagabi. Ano nanaman bang kalokohan ang nangyari. Bahay ko ba ito? I mean, Asan ako.

Binalik ko ang kumot upang matapakpan ang ulo ko. Ang sakit ng ulo ko! 

"Gising ka na ba?" May nagsalita. Nagulat ako at sino yun? Kelan pa ako nagkaroon ng katulong?

Aber, lalaki pa!

"Ang emo mo!" dagdag nung nagsalita.

Tinanggal ko ang aking kumot at boooom. nakita ko si Jess.

Si Jess nga pero anong ginagawa ko at ginawa ko kasama nya?

"Ano ginagawa mo dito?" pagmamasungit ko sa kanya

Bigla nyang tinakpan yung ilong nya.

"Anu ba yan? Bahay ko to. Malamang nandito ako. Nahiya na nga ako sayo eh, ikaw na natulog sa kama ko." sagot nya.

Kumunot ang noo ko at bigla ko na lang nakita ang oras. "2:30" 

"Bakit ngayon mo lang ako ginising? Late na ako sa klase. "  Pagsusuplada ko

"Tangek, Linggo ngayon." Sagot nya

BOOOM. napahiya ako doon.

May inabot sya sa akin na paper bag.

"Ayan, binili kita ng damit dyan sa malapit na mall. puro suka ka, ang baho muna. Ligo ligo rin" Pagpapacute nya. Parang magkapatid lang kami, hancuteee <3

Nang lumabas na s'ya ay tumayo na rin ako upang maligo. Parang magisa rin pala sya pero ang linis nya sa bahay. 

Matapos kong maligo ay bumaba ako at nadatnan ko syang nanonood ng tagalog teleserye pero Dvd na yon. "Sana maulit muli"

Tumabi ako sa kanya at nagulat sya.

"Ang ganda ng palabas na yan no?" Bungad ko pero hindi sya sumagot pero tinignan nya lang ako.

"Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Pinahiya mo si Jessa" matipid nyang sagot.

Biglang bumalik lahat ng memorya.

"Luisa, ok lang yan. alam ko na masakit pero susunod wag ka ng iinom kung di mo kayang kontrolin yang sarili mo! " payo nya sa akin.

"Sorry ah, lagi na lang kitang iniistorbo" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Ok lang yon. Basta tandaan mo na hindi lahat ng bagay, nadadaan sa Sorry. Minsan, kailangan mo ring mag-effort. Oo, nasaktan mo si Jessa. Nasampal mo si Jacob pero nabawasan ba yung sakit d'yan sa puso mo? Diba hindi?? "

Ang nasagot ko lang ay pekeng ngiti.

"Uwi na ako at baka tumatawag na si mama doon sa condo. Sa Phone lang yun natawag eh. atsaka lowbat na din ako. salamat ulit ah" pagpapaalam ko sa kanya.

"Alam ko mabigat pa rin Luisa. Wag ka magpakastress ah. Text ka lang kapag kailangan mo ng kaybigan " Sgaot nya.

Ang sweet nya.

Nagpasalamat ako di dahil sa payo nya.

Minsan kasi hindi ko naman kailangan ng payo eh, yung may makikinig lang sa kadramahan ko ayos na atleast alam ko may karamay ako.

Meant to be MatchWhere stories live. Discover now