23-Unstoppable

205 3 0
                                    

Ilang araw na akong ganito...nagtatago. Sino ba naman ang hindi? Kahit saan ako magpunta ay nakikita ko si Ceasar na nakasunod sa akin, ewan ko ba kung panliligaw pa ba ang ginagawa niya oh stalking na. At ewan niya rin kung nanliligaw nga ba ito dahil wala naman itong sinabing ganun.

Nasa library sila ngayon ng mga kaibigan niya, supposedly ay sa Canteen ang tuloy nila pero ng mamataan niya ang unggoy na yun na nakikipagtawana kasama ang mga kaibigan nito ay agad silang nag iba ng daan.

"Love." Napataas siya ng tingin sa kanyang sinusulat ng pabulong siyang tinatawag ni Yvonne.

"Bakit?" Tanong niyang nakakunot-noo. May tinitignan ang mga ito sa likuran niya, lalong kumunot ang noo niya ng makita niyang umiling si Shaira at ibinalik ang tingin sa sinusulat nito. Lumingon siya sa tinitingnan ng mga ito at agad na napasinghap. Ugh! Ceasar!

She roll her eyes as he sit beside her.

"I miss you, babe." Napanganga siya ng bumulong ito. Nakita rin niyang tumungo ang mga kaibigan niya. Alam niyang narinig din ng mga ito ang pagbulong nito.

Agad siyang humugot ng malalim na buntong hininga. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para lang tigilan na siya nito? Tell him you like someone else...no scratch that. Tell him you love someone.

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip, what if sabihin niya dito? Siguro naman titigilan na siya nito sa pangungulit.

"Shit, baby! Wag mo akong titigan ng ganyan at baka malimutan kong nasa pampubliko tayong lugar at mahalikan kita!" She gasp! God! Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya rito. She was just thinking!

Napakurap siya ng ngumiti ito. Lumitaw ang dimple sa kaliwang pisngi nito. Hindi naman ito pangit, no, ang gwapo nga nito. Matangos ang ilong nito na bumagay sa pinkish na labi nitong medyo manipis ang upper lip at may kakapalan ang lower lip, makapal at sobrang itim din ng kilay, tama lang ang haba ng mga pilik at lalong kapansin-pansin ang deep set grayish eyes nito. When he's grinning and smiling ay lumalabas ang dimple nito. Hindi rin ito maitim, hindi rin maputi. Matangkad din naman ito na kung tatayo siya katabi nito ay siguradong hindi siya aabot sa leeg nito. Pero bakit hindi siya nagkagusto rito? Bakit kahit alam niyang sinusundan-sundan siya nito ay hindi siya na eexcite? Bakit sa tuwing tinitignan niya ito ay ibang mukha ang nakikita niya? She must have gone insane.

She heard gasps, tumigil din ang paghinga niya. Napakurap siya at mabilis na hinawakan ang labi niya.

"I told you not to stare, baby." At tumalikod ito na nakapamulsa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma proseso ang nangyari. Hindi gumagana ang utak niya, hindi siya makapag isip ng tama at agad niyang ibinaling ang tingin sa mga kaibigan niyang nakanganga rin kagaya niya.

"Did he just kissed me?" She ask. Mukhang tangang napatango ang mga kaibigan niya. WHAT THE HECKKK?

___________________________

She just can't move on! She can still feel his lips on hers. She was astonished at the same time ashamed of what happened. HE JUST STOLE HER FIRST KISS!

"Oh my god!" She's phasing. After what happened, agad siyang nag ayang mag rooftop ng makapag isip siya ng maayos. Nakikita niyang napapailing ang mga kaibigan niya.

"Tapos na ang lahat, Love. It happened, tanggapin mo na lang. It's just a smack, by the way." Shaira utter while eyeing her.

She roll her eyes.

"Paano ko tatanggapin yun, Shai? It was my first damn kiss! At kung makapag salita ka parang na kiss ka na ah!" She eye her at nakita niyang namula ito sa sinabi niya.

"Hindi naman sa ganun, Love. Oo nga, he kissed you. Pero the point here is, ano pang magagawa natin? Kumbaga, nanakaw na ang hindi dapat manakaw. Alangan namang pumunta ka ng presinto at mang akusa ng Stealing of First real kiss? Baka pagtawanan ka pa." Yvonne said with a hint of glee in her voice.

Aba't natutuwa pa ang dalawang to sa nangyari! She roll her eyes again, di siya makapaniwalang hindi big deal sa mga ito na nawala na ang First kiss niya.

"My point here guys is, I'm not ready, I don't want Ceasar to be my first kiss, I don't like him, I hate him, he irritates me, he's such an eyesore, a, a, a womanwhore!" Halos magkandabulol-bulol pa siya ng sabihin niya iyon.

"Eh ano ba talaga, Love? You hate him, ayaw mo sa kanya, ayaw mo siyang maging first kiss. Ano ba talagang gusto mo? Oh tamang sabihin na, sino ba ang gusto mo?" Shaira said while seriously looking at her.

Sino nga ba?

"Si Morgan." She said in her little voice.

"Si Morgan lang." And she hear her friends sigh.

Our Right TimeWhere stories live. Discover now