22-Behind Lies

195 4 2
                                    

She close the door behind her, at ng mailapat niya iyon ay dahan-dahan siyang huminga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. For pete's sake! Hindi pala madali ang magsinungaling sa harap ng taong mahal mo!

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kanyang kama at napaupo. Agad niyang pinahid ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi. God! How she missed him! Kung nakalimot man siya kanina, siguro'y dinaluhong na niya ito ng mahigpit na yakap.

Ilang buwan din siyang iniwasan nito kaya naman di niya maiwasang di maging emosyonal. Sa pagkakataong iyon niya napagtantong, kahit anong gawin niyang pag-iwas at paglimot sa nararamdaman niya, makita lang niya ito, bumabalik lang din ang lahat.

How come that it is possible to feel all the emotions that she's feeling right now? How come that she still love him with all of her kahit na alam niyang wala itong nararamdaman para sa kanya. How come na sa mga mata pa lang nitong nakatitig sa kanya, hindi na siya makahinga't lunod na lunod na siya. The feeling's too painfully overwhelming. Napangiti siya ng mapait at muling pinunasan ang mga luha niya.

Napailing siya ng maisip niya ang isa pa niyang problema...Ceasar.

Ano ng gagawin niya ngayon? Nasimulan na niyang sakyan ang kung ano mang balak nito, alam niyang wala na siyang kawala. Tiyak na pag nagkita sila ng Sirang tuktok na yon, iisipin nitong totoo yong pinagsasabi niya rito. Paniguradong walang humpay na kakulitan ang gagawin nito sa kanya, at isipin pa lang niya...natutuyuan na siya ng utak.

---------------------

Dumating na nga ang kinakakatakotan niya, nandito sa harap ng classroom niya si Ceasar at nakapamulsang ngingiti-ngiting mag isa. She draw a deep sigh at tuluyang lumabas ng silid. Agad niyang nilapitan ito. Nasa mukha pa rin nito ang ngiting nagpapa imagine sa kanya na aso ito. Napasimangot siya. Yan kasi! Kala mo naman magseselos si Morgan oras na malaman niyang may boyfriend ka na. Hindi! Hindi! Hindi! Dahil hindi ka niya mahal!

Muli siyang humugot ng buntong hininga. It's now or never.

Nakasimangot pa rin siya ng harapin niya ito. Sarap bangasan ng unggoy na'to! Nako naman!

"Hey, baby." Ewan niya ba, nanayo lahat ng balahibo niya sa pagtawag nito sa kanya ng baby. Isipin pa lang niyang totoo na siyang girlfriend nito ay hindi niya maiwasang manginig...literal na sa takot. Si Morgan lang ang nakasanayan ng sistema niya, at ito pa rin ang hinahanap-hanap nito at hahanapin pa. But, how can you be so sure?

She sigh. Epal talaga tong utak niyang nagpapagulo sa kanya.

"Hindi ka naman nakikinig eh." Napakurap siya ng magsalita si Ceasar sa harapan niya.

"Let's get this straight, Ceasar." Napakunot ang noo nito ng mahimigan nitong seryoso siya.

"What happened, that phone call, me calling you baby. All of it was just an act. Nothing more, nothing less. Ibaling mo na lang sa iba kung ano man yang trip mo. Of all people, wag lang ako. Maraming magaganda sa paligid, mayayaman. I'm not even worth a singles glance. Kaya, please. Huwag ako ang paglaruan mo." After saying those words ay agad siyang tumalikod at nagsimulang maglakad, pero napatigil siya ng magsalita ito.

"I'm not playing, babe." Hindi pa rin niya hinarap ito.

"Lalong lalo na pag ikaw ang pag-uusapan. I like you the first time I saw you and what happened, just like what you've said, that phone call, kahit ano pang sabihin mo, kukulitin kita hanggang magsawa ka at magustuhan mo rin ako."

Our Right TimeWhere stories live. Discover now