“Hindi ko na nakikita ang batang iyon sa iyo,” bulong niya na narinig ko. Mas lalo lamang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Trust me Ms. Vallderama sasang-ayon ka sa sasabihin ko oras na malaman mo na ang lahat.”

*

Maraming boses na bumubulong sa isip ko. I'm here, standing in front of nowhere. I don't know if I should believe them, hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong malaman.

Hindi dapat ako nagpapaniwala sa kanila ngunit iba talaga ang nararamdaman ko rito. Simula nang dumating si Canerato sa buhay ko ramdam kong may iba, hindi ko lang matukoy kung ano.

Binuksan ko ang diary. Wala naman itong kakaibang laman maliban sa mga sulat kamay ng aking Lola pero natapos ang petsa nito noong February 14, 2003, kahit na malawak pa ang pwedeng sulatan. Anyway the typical diary of a young lady.

Unti-unti akong nilalamom ng malalim na pag-iisip.

“Palagi ka na lang tulala. May problema ba?” Si Montereal iyon. Palagi na siyang sumama sa akin, hindi ko naman siya pwedeng itaboy dahil naging mabait naman siya sa akin. Gusto ko sanang siyang iwasan dahil mas lalo lamang akong napapaisip kapag kasama ko siya pero wala pa ring epekto, sadyang makulit ang taong ito.

“Wala naman. Pagod lang siguro,” bulong ko.

Inakbayan niya ako. Sabay naming pinagmasdan ang malawak na field ng school namin. Lahat ay kalmado, ang langit, tao o kahit ang mga damong sumasabay sa ihip ng hangin. Itong isip ko lang naman ang hindi kalmado. Masyadong magulo at maraming iniisip.

“At some point in my life I feared darkness, alam mo iyon hindi ba? I feared of being swallowed, being alone. Sinubukan kong labanan ang takot na iyon, pero kahit anong gawin ko hindi ako nananalo. Nang mapagod ako sinubukan kong iwasan ito, pero kahit sa pagtulog ko hinahabol ako ng takot na iyon, pero dumating ang Rae na iyon. Siya ang taong imbes na hilahin ako paalis sa bagay na kinatatakutan ko, siya pa iyong nagtulak sa akin para malunod ako ng tuluyan. I struggled to survive, nagawa ko pero hindi niya nagawang ipanalo ang sarili niyang laban. She cheered for me, for us pero wala siyang nagawa sa laban niya.”

Mapait akong napatitig sa kalangitan. Sobrang sama naman pala ng mundo sa Rae na iyon.

“Rae Vallderama huwag kang tumulad sa kanya. Huwag mong hayaang matalo ka sa laban mo.”

Gusto kong ibuhos ang luha ko sa pag-iyak pero para saan ba ito? Umiyak man ako rito wala rin namang silbi. Sayang lang ang lalabas na lakas at tubig sa katawan ko.

“I'm glad I'm not that girl,” bulong ko.

Inalis niya ang pagka-akbay sa akin saka tumingala sa kalangitan.

“Sana nga Rae,” pahabol niyang bulong bago kami nilamon ng katahimikan.

The moon shines so bright. Tingnan mo oh.

Pilit na tinuturo ng isang siyam na taong gulang na bata ang maliwanag na buwan. Walang humpay ang kasiyahang nararamdaman niya dahil kasama niya ang dalawang kaibigan na palaging nandiyan para sa kanya.

“Mas maliwanag ka pa nga diyan,” biro pa ng isa sa kanya. Napahagikhik siya sa tawa.

“Huwag kang nagpapaniwala diyan. Paano ka magiging mas maliwanag sa moon? Bakit sun ka ba?” sarkastiko saad ng masungit na bata na kanina pa naiirita dahil sa lamok na kumakagat sa kanya.

Alam mo panira ka talaga ng moment. Pumasok ka na nga lang at saka huwag kang magsumbong kay Mama dahil malalagot ka talaga sa akin,” banta ng batang babae. Iling-iling na iniwanan ng masungit na ang bata ang dalawa. Sa una pa lang talaga hindi niya na nais na sumama sa dalawa na matitigas ang ulo ngunit ano pa ba ang magagawa niya. Ayaw naman niyang mahuli sa kasiyahan ng dalawa.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now