Kabanata 17

21 2 0
                                    

Sinandig ko ang likod sa upuan. Ramdam ko ang pagtitig ni Canerato, kanina pa niya sinusubukan akong kausapin.

“Prenny hindi naman ako magagalit kung magtatanong ka.”

Napalingon siya sa sinabi kong iyon. I'm too occupied right now, hindi ko na namamalayang nilalamon na ng mga nangyayari ang utak ko. I'm drowning and there is no way to escape.

“Hindi ako magtatanong,” simpleng sagot niya. Ano ba ang problem niya? Siguradong kuryuso na rin siya ngayon pero bakit mas pinipili niyang huwag itong alamin. Hindi interesado? Ang harsh naman.

“Alam mo ba kung bakit may tinik ang rosas ?” Tanong niya na kinaangat ko ng tingin. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa harapan .

“Para protektahan ang sarili sa kung sino man ang mapangahas na magsasamantala sa kagandahan nito. Ang sino man ang kayang tiisin ang sakit na binibigay ng mga tinik na iyon, ay ang taong kaya kang ipaglaban sa kahit anong pagdadaanan mo. That flaws will protect you, you should learn to embrace it.”

My heartbeat raced when his eyes landed on me. Nakakakaba ang klase ng titig niya, parang gustong lumamon o maghamon. Sa pamamagitan ng mga mata niya madiin niyang pinapahayag ang ibig niyang sabihin.

“Paano mo nagagawang umepkto ng ganito sa akin? Bakit kaya mong pagalawin ang buong mundo ko? Sino ka ba talaga?”

Hinarap niya ako suot ang seryosong mukha. The usual him.

“Mas mabuting huwag kang maghukay ng malalim, hindi mo alam ang naghihintay.”

“Even the truth will hurt me I will risk million times just to know it.”

“But it's better to see it caging in the dark. It will cause destruction.”

“The more you prolong the truth the more it's dangerous.”

Bigla na lamang namayani ang katahimkan sa pagitan naming dalawa at hanggang sa bumaba siya ay walang nangyaring imikan.

Nang mawala siya sa paningin ko 'dun lamang ako nakahinga ng maluwag. The trip was so exhausted. Parang buhay lang, patuloy ang byahe kahit nakakapagod na. Balang araw ay makakarating ka rin sa paroroonan mo. Depende na lang siguro kung kukunin mo ang long process o mag short cut ka.

I don't know anything about Canerato. Para lamang siyang pasahero sa buhay ko, dadating ang panahon  kung kailan kailangan na niyang bumaba, ay wala akong magagawa kung hindi ang iwan siya sa byahe ko.
Ganun naman talaga ang buhay ng tao. Lahat nang-iiwan, even my family did that to me. Iniwan nila ako sa bagay na dapat ay alam ko. Iniwan nila ang totoong ako sa oras na sinimulan nilang pagsinungalingan ako.

I'm not bitter, I'm just hurt. Nabuhay ako bilang Rae Vallderama pero hindi pala ako ang taong iyon. Nakalimutan kong alalahanin ang minsang paglaban ko sa aking sakit. Hindi ko alam kung paano ko ito hinarap. The Montereal, sickness, phobia and Aris, lahat ay bago sa pandinig ko.

Anong nangyari sa mga panahong iyon? Nakakalito. Bakit wala akong naalala. Puno ng tanong ang isip ko but it couldn't formulate a single explanation.

Pinagmasdan ko ang malamig na lapida ng aking Lolo at Lola. Nilapag ko doon ang picture na nakita ko sa attic. Nagdala rin ako ng rosas na paborito na niya at sinindihan ang kandila.

Tahimik, malaya at mapayapa ang paligid. Parang dinuduyan ako ng katahimikan, nakikiramay sa mga problema ko. Maybe that's my Lolo and Lola trying to comfort me.

“La paano ko sila papatawarin? Masakit La alam mo 'yon,” pagkakausap ko sa malamig na lapida.

“Kung buhay ka rin ba itatago mo rin ba sa akin ang sakit ko? Gagawin mo rin ba ang ginawa nila sa akin?”

“I want to ask them, sabihin sa kanila na ang sakit pero natatakot ako na baka sa maling paghakbang ko hindi lang sarili ko masisira pati na ang pamilyang iniingatan ko.”

Umaagos ang luha sa aking pisngi at wala akong planong pahiran iyon. Hinayaan ko lamang na bumagsak ito sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan nilang dalawa.

“Kailangan kong maging matapang.”
That was my last word before leaving the cemetery. Kinalma ko muna ang sarili bago lumabas sa sementeryo. Medyo masakit na rin ang mata ko kakaiyak.

Nataranta ako nang biglang may bumagsak na tubig sa akin katawan. Naghanap ako ng pwedeng silungan. Tumakbo ako sa malaking puno sa hindi kalayuan. May taong nakatayo doon.

Binilisan ko lalo ang pagtakbo dahil mas lalong lumakas ang patak ng ulan. Bumagal lamang ako nang maaninag ang isang pamilyar na bulto na nakatayo sa hindi kalayuan. Malayo ang tingin na hindi niya namalayang papalapit na ako sa kanya. I maintained the distance between us, trying it make it obvious.
Malamig din ang hampas ng hangin kaya mahigpit akong napayakap sa katawan.

“Bakit ka nandito?”

Muntik na akong mapatalon sa tanong na iyon. Nandito na naman ang irregular heartbeat ko na kulang na lang tumigil na ito sa pagtibok.
Baka naman may kinakausap itong ligaw na kaluluwa, so I never mind his question.

“Why are you here?”

Nalaglag na ang panga ko nang humarap na siya sa akin. Akala ko ba ay hindi niya namalayang nandito ako sa tabi niya dahil sa malalim niyang pag-iisip.

“I visited my grandparents.”

Tumango siya sa sagot ko.

“Ikaw?” Pahabol ko.

Hindi siya agad nakasagot.

Unti-unti nang tumitila ang ulan.

“I visited my Dad.”

Napatigil ako sa paglalakad sa sagot niya. I never know.

“I'm sorry.”

“Why are you saying sorry. Hindi naman ikaw ang nakapatay sa kanya,” he joked but his eyes was mourning.

Hinintay ko munang magsalita siya ulit. Mukhang malungkot siya, ako rin naman dahil sa pagkawala ng aking Lolo at Lola, pero mukhang sariwa pa ang sugat na iyon sa kanyang puso. Nothing is forever, lahat may hangganan

“Lahat ng iyon ay dahil sa isang aksidente. The accident that changed my whole damn life.” Hinayaan ko siyang magsalita ngunit tumahimik na ulit siya. That revelation was surprising, enough to satisfy my flesh. Hindi na ako umaasang dudugtungan niya pa 'yon dahil alam na alam ko ang ugali ni Canerato.

Nauna siyang naglakad habang ako naman ay nakasunod sa kanya. Sinusundan ko ang bawat hakbang niya at nang makalabas siya sa sementeryo ay napahinto siya na ginawa ko rin. Nilingon niya ako na parang bang sinasabi niyang sumabay na lang ako sa kanya. I don't want to assume things kaya iniwas ko ang tingin. Ayokong maging assuming dahil baka ma wow mali pa ako. Mahirap na.

Isang mabibigat na hakbang ang nagpabalik ng tingin sa harap at bago pa ako makapagprotesta ay nahawakan na niya ang kamay ko.

Mainit ang kamay niya na nagbibigay alab sa nanlalamig kong puso. The escape of my tiring day. Sobrang cliche man ito pero pakiramdam ko siya ang comfort zone ko. Nagagawa niyang pakalmahin ang bagyo sa loob looban ko.

Siguro sa mga naunang buhay ko si Canerato ang paborito kong aso. Ang harsh pero baka lang naman. Para siyang instrumento na nagagawa akong patakasin sa realidad.

I stared at him, inaamin ko this is the best day of my damn life.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now