Kabanata 26

12 1 0
                                    

“Huwag naman sanang maglakad ako ng pagkalayo-layo ulit.” Pagpaparinig ko kay Montereal nang sumakay kami sa bus papuntang La Carta.

“Sa sentro tayo ngayon. May ipapakita ako sa'yo, matutuwa ka talaga.” Mukhang excited siya ngayon, parang inaangat niya ang mood ko. Hindi ko mapigilang ngumiti, kahit ngayon lang ay nakakalimutan ko sandali ang mga iniisip ko. Mabuti na lang talaga nandiyan si Monteal.

“Nireto mo pala ako sa kaibigan mo. Tawag nang tawag sa akin,” nakasimangot niyang turan. Bahagya akong napangisi, hindi ko naman sinasadya.

“Wrond send nga kasi ako. Dapat kay Kuya Gladio ang bibigay ko, kaso iyo pala.”

“Ang layo naman ng G sa M.” Mukhang ginulo talaga siya ni Magie. Wrong send naman talaga iyon.

“Ang bastos ng mga text niya sa akin. Niyaya ako na mag kiss.” Nanlaki ang mata ko. Ang babaeng iyon, wala talagang sinasanto.

“Bakit naman takot na takot ka diyan? Bakla ka ba?”

“Wala pa akong first kiss.” Namumula ang buong mukha niya. Hindi ko napigilang matawa ng malakas. May napapatingin sa amin sa loob ng bus, na wala akong pakialam. Hindi lang talaga ako mapaniwala.

“Virgin!”

Mas lalo lamang siyang lumayo sa akin.

“Bet niya 'yan.”

“Huwag mo nga akong asarin." Mukhang pikon na pikon siya sa akin. Ano naman kaya ang ginawa ni Magie sa kanya? Galit na galit eh, gustong manakit.

“Pakita ko sayo face niya, hindi ka naman magsisisi.”

“Makulit siya, huwag mo akong ibugaw sa kanya. Inosente pa ako, maawa ka sa'kin.”

Nang bumaba kami sa bus, hindi maawat ang kunot sa noo ni Montereal. Tinawagan daw siya ni Magie, kinulit na naman daw. Ako ngayon itong sinisisi niya dahil ibinigay ko raw ang number niya kay Magie.

“Sakay ka na, hindi naman mamatay tao 'yang kaibigan ko. Adik lang 'yan.”
Tinulak ko siya sa tricycle. Dumaan muna kami sa wet market dahil may pinabili sa kanya si Tita Mare. Mabigat ang dala ko, habang siya naman ay nakasimangot pa rin nang  tumabi sa akin sa loob ng tricycle.  Hindi naman siya gentleman?

“Magkakaroon ata ako ng high blood dahil diyan sa kaibigan mo.”

Inabot ko ang bayad sa tricycle nang sinabi ni Montereal na sa tabi lang kami. Subdivision pala itong tinitirhan ni Montereal. Nauna siyang bumaba kaya inabot ko sa kanya ang mga dala.

“Rae Hija.” Mabilis na lumapit sa akin si Tita Mare habang si Montereal naman ay dumiretso sa kusina.

“Kamusta ka na?” Tumabi ako sa kanya sa couch. Malaki ang bahay nila, obvious ding mayaman sila dahil mukhang mamahalin ang mga gamit. Nasa dalawang palapag ang bahay , napakalaki para sa dalawang tao.

“Maayos naman po.”

Tumabi na rin sa amin si Montereal na may dala na namang chocolate bars. Pansin kong hindi siya sinasaway ni Tita kahit sobrang obsses na yata siya sa mga sweets. Hindi ba ito naturuan ng tamang food diet?

Sandaling nagpaalam si Montereal dahil dumating daw ang kanyang Tita Erielle. May kinuha lang siya sa bahay ng kanyang Tita, na katabi lang ng bahay nila. Naiwan akong mag-isa kay Tita Mare na ngayon ay nagluluto. Kagat labi lang akong nakatitig sa niluluto niya, amoy masarap.

“Miss ko na kayong paglutuang tatlo, ikaw, si Raykins at si Aris. Sayang lang at dalawa lang kayo ni Raykins ang nandito. Narinig ko rin ang nangyari kay Aris, masyadong masaklap ang nangyari.” Hindi ko naiwasang mapalunok sa sinabi ni Tita. Naalala ko na naman, hindi naman sa sinisisi ko siya. Hindi nga talaga maiiwasang isipin iyon.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now