Kabanata 20

25 2 0
                                    

“Rae, anak ko. Ayos ka lang ba? Walang masakit sa'yo?” She asked. Pinakiramdaman ko ang sarili. Bigla akong napakapit sa ulo dahil sa sakit.

Last night I passed out, dala siguro ng sobrang pag-iyak at kalasingan. Nasa silid si Ate Stella at Bene na parehong may alala sa mukha, my Mama and Papa, kita ko sa mukha nila ang lungkot. Tahimik din ang mga Tita ko. Mukhang hinintay talaga nilang magising ako.

“Rae,” pag-aalalang tawag niya sa akin. Matagal siyang napatitig sa mukha ko kaya naman iniwas ko ang tingin mula sa kanya.

“I'm ok Ma,”  simpleng sagot ko.

I jerked when she hugged me suddenly. Hindi ko nagawang ibalik ang yakap niyang iyon. I saw how her tears stream down into her cheeks. That also pained me.

“Mabuti naman at ayos ka, ” she said between her sobs. Dinaluhan siya ni Papa saka bahagyang nilayo sa akin.

“Pagpahingahin muna natin si Rae para makapag-isip siya,” Dad told everyone.

Mama glanced at me for the last time before exiting the door. Nang makalabas na sila, ang tinatago kong luha ay bigla na lamang bumuhos. Hindi ako makapaniwalang totoo pala ang lahat ng ito. Tandang-tanda ko ang lahat ng sinabi niya sa akin kagabi, kahit na lasing ako. Parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa sobrang sakit.

Mas malala pa pala ako kay Canerato. I'm hopeless, wala akong makapitan. Hindi pala siya itong nag-iisa, ako pala. Funny how things ended.

Pinahid ko ang mga luha. I did my best to stop myself from crying. Paano nila nagawa ito sa akin?

The door creaked, iniluwa nito ang malungkot na Montereal. Gulat ko siyang sinalubong. Paano niya nalaman ang bahay ko at paano niya rin nagawang pumasok dito. I eyed him.

“ What's up.”

“What are you doing here?” Taas kilay kong tanong. Sa lahat ng taong inaasahan kong makita sa pagising ko, kahit kailan hindi sumagi sa isip ko si Montereal. Siguradong ayaw siyang makita ni Mama, siya ang dahilan kung bakit ko nalaman ang totoo pero
baka mali na naman ako.

“Secret,” pagbibiro niya. Kinuha ko ang apple na nasa ibabaw ng lamesa malapit sa akin at hinagis ko ito sa kanya. Mabuti na nga lang at nailagan niya iyon.

“Seryoso ako Montereal.”

Umupo siya sa tabi ko. I eyed him again. Pasipol-sipol siya habang pinaglalaruan ang natitirang apple sa kamay.

“Your Mom called me last night.”

“How the hell my Mom knows your number?”

“High blood agad?”

“Sabihin mo na kasi.”

“Again, she called me last night. Using your phone of course, sino ba naman itong babaeng hindi naglalagay ng password sa cellphone, kaya natawagan ako ng Mama mo.”

I rolled my eyes. Masama na nga ang loob ko, nagbibiro pa si Montereal.

“She introduced herself and told me you passed out because of revelations. I know your Mom, katunayan ay closed sila ni Mama noon. She asked me about what I told you, akala ko ay magagalit siya sa akin. Ang sinabi niya lang ay pumunta ako rito and I don't know why.”

I sighed. Kilala talaga ako ni Mama. Alam niyang hindi ko siya kakausapin kaya nagtawag siya alagad niya para lang makausap ako.

“Hindi ko alam, it's still fresh. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, kung paniniwalaan ko ba ito o ano.†

“I have Athazagorophobia, I feared being forgetten, nakakatawa lang na ako pala itong hindi nakaalala.”

“You know what, the Rae I knew was brave and never let things fall in different places. She always assure that everything she wanted, she could  get it. Kapag sinabi niyang gagaling siya, gagaling siya. Maybe forgotten memories ay paraan para malimutan mo ang minsang bangungot sa buhay mo.”

Hindi ko alam kung saan ako mas natatakot. Sa katotohanang nagkaroon ako ng sakit o ang nakalimot ako.

“Gusto kong tumakas sa lahat ng ito, I want to escape but I can't.”

“Kasi hindi ka naman dapat tumakas. You need to face it, baka iyon lang ang paraan para makalaya ka.”

He tapped my shoulder. Si Montereal lang ang tanging kakampi ko sa labang ito. I know I can trust him.

Matapos niya akong dinamayan ay umalis din siya. Schedule raw kasi ng check up ng Mama niya. Mama apologized because she thought she wasted his time.

Kanina pa rin siya nakatayo sa labas ng kwarto. Nag-aalangang pumasok kaya naman nagpanggap akong natutulog. Bumigat ang paghinga ko.
Gusto ko siyang kausapin but I need to hold back, kailangan.

The next day alas tres ng umaga dilat na dilat ako. Hindi ako makatulog kakaisip sa mga bagay-bagay kaya naman bumangon ako para uminom ng tubig.

I'm shocked. Nakasandig si Mama sa pader malapit sa aking pintuan. Parang binabantayan niya ang pagtulog ko. Pakiramdam ko tinusok ng karayom ang puso ko.

May kumawalang luha sa aking mata. Pinalandas ko ang kamay sa kanyang pisngi. This woman, pipiliin ko pa rin siya kahit na ilang ulit akong magkaroon ng buhay sa mundong ito, na maging ina ko.

Niyugyog ko ang balikat niya.

“Ma.”

She opened her eyes. Kita ko ang paguhit ng saya sa kanyang mata. Nang niyakap niya ako, niyakap ko rin siya pabalik. That made her cry.

“Anak patawarin mo ako.”

Nagsimula na ring mag-unahan ang mga luha sa aking mata. Parang hinugot mula sa puso niya ang mga katagang iyon.

“Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo si Mama,” she said between her sobs.

I'm sorry Ma. Sorry for being a bad child. Pasensya na Ma kung pinaharapan ko kayo noon hanggang ngayon. Sorry for craving the truth.

Hindi ako nagsalita. I remained silent.

“Alam kong gustong gusto mo ng malaman ang totoo pero pwede bang dahan-dahanin natin? We need to consult the doctor first baka makasama sayo ang lahat ng ito.” Hinarap niya ako sa kanya.

“Sana maintindihan mo ako.”

Tumango ako sa sinabi niya. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

“About Montereal,” pagsisimula ko.

“Alam kong kailangan mo ng taong paglalabasan mo ng sama ng loob. Hindi ko kayang makitang nilulunod mo ang sarili mo sa malalim na pag-iisip. Natatakot ako na maulit ulit iyon kaya I called him. Siya lang ang nakakaintindi sa'yo. Mabait siya, alam ko iyon and I trust him.”

Tama si Mama sa lahat ng sinabi niya.

“Ma,” I called her.

“Sino si Aris?”

“He died in a plane crash.”

My world shattered.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now