Kabanata 7

25 2 0
                                    

Pumasok ako nang may deteminasyon na kahit anong mangyari at sasabihin niya sa akin hindi ako magre-resign sa coffee shop na ito. Sa sobrang lakas ng paninidigan ko muntik ko na masagi ang coffee maker , medyo pahiya ako doon.

"Pinapatawag ka sa office."

Mabilis kong binitawan ang mug na hawak. Bakit kaya ako pinatawag ? May mali ba sa serbisyo ko?

Hawak ko ang dibdib habang binubuksan ang pintuan ni Ma'am. Hindi ko maipagkakailang kinakabahan ako. Ang istriktong tingin agad ni Ma'am Canerato ang bumungad sa akin. Nag-aalangan akong kumuha ng dagdag na hakbang dahil sa mga mata niyang nakamasid sa'kin.

"I'm really disappointed Miss Vallderama."

Kung pwede lang magpalamon sa lupa ngayon ay ginawa ko na. Ito na ata ang sinasabi kong final judgment ko sa coffeeshop. Kanina pa ako namamawis kahit na malamig naman ang buong opisina ni Ma'am.

" I don't like your presence around my shop Miss Vallderama. Ginugulo mo ang anak ko and mind you wala sa job description mo ang kausapin siya. Unang una pa lang sinabi ko na sa'yo na hindi pwede but you keep on pushing yourself na ewan ko kung bakit. "

Pilit kong kinakagat ang labi para pigilan ang panginginig nito sa kaba. Hindi ko magawang ibuka ang bibig at magsalita dahil unang una tamang tama siya sa mga sinabi niya.

“My son keeps on ignoring you, Miss Vallderama hindi mo ba nakikita na nakakagulo ka lang? You can't rebuild my son kung sakali man malaman mo ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito. My son is a special case so please ilayo mo ang sarili mo para sa ikakabuti niya. Better leave this place peacefully. I will do this for my son sake I hope you'll understand it."

Tumango ako kahit na sa isip ko ay tumututol ako sa sinabi niya. I already made my decision last night but I think I'm wrong. Hindi ito ang tadhana ko.

“Hindi ko ito ginagawa para mapasama ang anak ko. You know that, don't you?”

Tumango ulit ako. Bumuntong hininga siya sa akin. Kita ko ang itim sa ilalim ng mata niya.

“You can claim your remaining balance kay Vilma. Just sign the resignation letter Miss Vallderama, ayokong gumagawa ng issue pa rito sa loob ng coffee shop ko."

" Thank you po Ma'am," pamamaalam ko.

Bumuntong hininga ako saka sinandal ang katawan sa pintuan ng opisina ni Ma'am. Nilibot ko ang tingin sa buong shop habang suot suot ang malungkot na ngiti. Mami-miss ko ito- the smell, aura, books and the people here. Kahit na ganito ay wala akong kahit ano mang pinagsisihan sa mga ginawa ko kasi iyon ang dahilan kung bakit ako nanatili rito. Talagang ang bawat paglalakbay ay nakakarating sa paroroonan.

“Ang tigas kasi ng ulo mo," nagtatampong sabi ni Maximus habang pinipisil ang pisngi ko.

" Can't help it, sisihin mo ang curiosity ko. "

Sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Binigyan niya ako ng isang high five at yakap bago ako bitawan at pinasa kay Vanessa na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

"Hinding hindi kita mami-miss kasi magkikita pa rin naman tayo sa school, " maarte niyang saad.

" I don't know but Mama is planning na lumipat ako school ," biro ko. Biglang nanlaki ang mata niya, lumapit siya sa akin at binagsak ang mabigat niyang kamay sa balikat ko na nagpaaray sa akin.

"Ay abang babae ka ang tsismosa mo kasi edi nakuha mo ang premyo ni madam. Alam mo kasi girl maraming lalaki diyan sa tabi tabi doon mo na lang ituon ang pagiging tsismosa mo." Iling-iling kong siyang nilayuan at nginuso ang aking labi.

"Whatever I don't care. Alam mo namang forever tsismosa ako so hindi mo ako mapipigilan na mahalin siya ng buong-"

Hindi ko pa natatapos ang dapat sasabihin ko ay nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula kay Vanessa.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now