Kabanata 8

28 2 0
                                    

“Hindi mo ako mapipilit Dominador.”

The endless pushing and pulling scene between me and Ador seemed like forever.Mahigpit ang kapit ko sa upuan ng sasakyan niya. Asar na asar na siya sa'kin, na kung lalaki lang ako kanina pa niya ako sinuntok.

“Kapag hindi ka diyan bababa gagahasain kitang babae ka.”

“Oh my gosh! Pinagnanasaan mo pala akong bakla ka.’

“Sinong nagsabing pinagnanasaan kita? Get out of my car,  gutom na gutom na ako Vallderama.”

Muntik ko na siyang masipa dahil sa kakulitan naming dalawa. Ang masama niyang titig na nagsasabing pikon na pikon na siya sa'kin ang nakapagpatigil sa pagpupumiglas ko.

Naalala ko pa 'nung grade one kami,  nagkaasaran pagkatapos natulak ko siya nang hindi sinasadya. Inambahan ba naman ako ng halik, kung nagkataong siya ang first kiss ko hinding hindi ko matatanggap iyon sa tanang ng buhay ko.

“Good girl Vallderama, now let's go inside.” I am like a dog obeying his will. Nakakatakot kapag si Ador na ang nagbabanta.

“Whatever your reason na iwas na iwas ka sa coffeeshop na ito it won't buy my time and effort treating you here. Bahala ka sa mga personal issues mo sa buhay dahil kapag ako ang kasama mo you can't turn your back to me Rae kahit dalawa naman ang likod mo. ” Ngumuso ako dahil totoo naman ang sinabi niya. Napatingin ako sa dibdib ko na dinaig pa ang kapatagan.

“You and your mouth Ador.”

Nag-aalangan akong itapak ang kaliwang paa sa guhit ng pintuan. My heartbeat doubled when the chimes blown by the wind and made sound. Kapag talaga namatay ako dahil sa kaba isisisi ko kay Ador ang lahat ng ito and swear to grave hinding hindi ko siya papatulugin hanggang sa sumunod din siya sa'kin.

I heaved a sigh. Wala na akong pagpipilian, I can't turn my back and run away. Ayaw kong mahalikan ng isang bakla. I can tolerate this thing but the thought of Ador kissing me, nightmare. I'm not being over acting because seriously this man is really good looking. Kahit na bakla ito ay kaya niyang pasunurin ang mga kababaihan but I'm not one of those girl. Kahit sabihin na siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo hinding hindi ko siya papatulan. Maraming umaasang  magbabalik loob si bakla pero malabong malabong mangyari iyon, not until now.

“Bakit?” He asked.

“Huwag mo ngang titigan si Maximus,” saway ko sa kanya.

“Gross! That's her name? Maximus?”

I almost laughed but I never did.

“Her? Kailan ka pa nagka interest sa babae?”  Malapit na akong sumabog sa kaba at the same time malapit na rin akong sumabog sa tawa. Hindi ko lang alam kung ano ang mauuna. Kanina pa paikot-ikot ang tingin ko, mas mabuti na iyong nag-iingat ako. Handa na rin ang menu na itatakip ko sa mukha sakali mang makita ako ng lalaking itatago ko na lang sa pangalang Sungit.

“Not until I met that sweet nagging woman.” Sabi niya bago humigop sa kanyang kape.

“Too bad may gusto siyang iba.”

" You know her ? " Gulat niyang tanong. Napatakip ako sa bibig.

“No? I just guessed?”

Hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

“Now tell me, bakit ayaw mo ngang pumasok dito?”

Umiling-iling ako saka tumayo. Ngumiti ako ng may pag-alinlang.

“Maglilibot lang muna ako.” Escaping was really my thing.

Tumayo rin siya, kumapit sa akin na parang tuko.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now