Kabanata 28

13 1 0
                                    

Amor Ciego

I hugged the diary tightly as I coulf.. Pinahiran ko ang luhang natuyo, I couldn't stop it. Everytime I left alone, I couldn't withstand the facts that he was the little boy who pretended to be his brother, just to help me. He sacrificed something, to save me at gusto niyang gawin ulit iyon.

Nanginginig ang buong katawan ko. Sa bawat segundong lumilipas, natatakot akong baka hindi pa ito ang pinakamasakit. Baka may dadating pang mas sasakit, mas dudurog sa puso ko.

Kahit na maaga pa para lumabas, hindi ko mapigilan ang sarili. Gusto ko siyang makita, gusto kong namnamin ang mga alaalang nawala sa pamamagitan ng kanyang mukha.

Napaupo ako sa bangkong nasa labas. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Siguradong alam na nilang lumabas ako. Wala akong tulog kaya sobrang sakit din ng ulo ko. Hindi ko kayang ipikit ang mata at magpanggap na walang nangyari.

“Amor Ciego, blind love.”

I always had this feeling of connection when I stared at the two-storey building. I thought I was just curious, challenged...but I was wrong. He was the final pieces of my puzzle.

Akala ko tsismosa lang ako. Akala ko interestedo lang ako sa kanya dahil sa Lolo ko o dahil masungit siya, mali pala ako. Kaya pala kung tumibok ang puso ko, kilalang-kilala siya. Kaya pala...

“Today is not the day Rae.” Umangat ang tingin ko kay Aris... Harris.

Nakapamulsa siyang nakatayo sa labas ng coffeeshop nila. Nakakunot ang noo niya, bagay na ngayon ko lang nakita. Palagi siyang nakayuko kaya naman minsan ko lang natititigan ang mukha niya.

“Bakit ka nandito?” I asked.

“Kasi alam kong nandito ka.”

“Funny how things ended,” I uttered.

Tumayo na rin ako at tumabi sa kanya.

“You knew it was me,” I whispered.

“Hindi ko alam na ikaw 'yon.”

Naalala ko pa kung paano niya ako sungitan noong una kaming nagkita. Paano niya biglang ginulo ang isip ko. I chuckled. Parang kailan lang inagawan niya ako ng libro.

“Amor Ciego means blind love. I already told you that, you just can't remember it.”

Kumislot bigla ang puso ko. Yeah, hindi ko nga naalala. Kailangan kong tanggapin ang bagay na iyon.

“Alam mo ba kung bakit hindi kita maalala?” Sinubukan kong huwag umiyak.

“Alam ko. It was my fault.”

“Hindi mo kasalanan iyon, kasalanan ko.”

“Kung sana hindi ko na ginulo ang buhay mo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Aris died without justice, kahit sana maayos na libing pinagkait sa amin.” Malungkot ang mga mata niya, nakikita ko iyon. This conversation really surprised me.

Hindi ito si Canerato na kilala ko. Iba siyang tao, o baka ito talaga ang totoong siya.

“Paano siya napunta sa eroplanong iyon?”

“It was all my fault.”

“What do you mean?”

“Pinatagal ko ang paglipad niya papuntang America.”

“Dahil sa akin?”

“Masaya siyang manatili dito Rae. Hindi mo kasalanan, gusto niya ring tulungan ka.”

“Pero hindi niya natulungan ang sarili niya.”

“May brain tumor siya Rae, mamatay pa rin siya pero sana hindi ganun kasakit. Sana may hustisya.”

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now