Kabanata 13

18 2 0
                                    

“Dadalhin nga kita sa hospital na sinasabi ko sa'yo.”

I calmed the raging storm inside me. Kanina pa ako kinukulit ni Montereal na sumama sa kanya.

I rejected his idea, dahil una pa lang sobrang impossible nito. Hinawi ko ang kamay ni Montereal sa braso ko.

“Alam mo ang kulit mo talaga. Hindi nga ako sasama sa'yo,” wika ko. Binitawan niya ang kamay ko.

“Wala ka talagang naalala?”  Ilang beses na niya ba itong tinanong sa akin. Wala atang kapaguran ang lalaking ito.

“Wala nga!”

Umiling-iling siya habang ang mga mga daliri ay kinakagat. Nakakahilo ang pabalik-balik niyang paglalakad.

“Rae Vallderama ang pangalan mo. Nakatira sa La Grense. Kung hindi ikaw 'yon , sa tingin mo sino ?” Napamaang ako sa tanong niya. Halata namang wala rin akong alam.

Umupo siya sa harapan ko. Ang awkward ng dating ng mga titig niya sa akin. Without him knowing, his eyes pierced deep down my orbs.

“I have a special case called Achluophobia. I feared darkness more than anything. I suffered panic attacks , it always gave me anxiety. Kahit sa pagpikit ko natatakot ako na baka lamunin ako ng dilim. Bata pa ako noon at sa sobrang takot ko hindi ako nakakatulog ng ilang araw. That was so alarming kaya pinagamot ako ng pamilya ko sa hospital na iyon, ” kwento niya. Tumahimik ako at nakinig ng mabuti sa kanya. Kaya pala isa siyang ball of sunshine dahil takot siya sa dilim.

“Itinabi ako sa mga katulad kong espesyal din ang karamdaman. Isa 'dun si Rae Vallderama. Palagi kong naririnig ang hikbi niya sa tuwing dadaan ako sa kwartong iyon. They said she's so special. Sinubukan kong lapitan siya ngunit ilag na ilag siya sa mga tao. Then this Aris came, hindi ko alam kung paano niya napaamo ang mailap na Rae na iyon. Sa ilang beses kong pagsubok finally ay pinansin niya na rin ako. Halos hindi kami mapaghiwalay na tatlo, ngunit dumating din ang araw na na discharge ako. Sinubukan kong bumalik ulit ngunit wala na si Aris at Rae. Hindi ko na alam kung saan sila pumunta.”

Nanginginig ang kamay ko sa mga narinig. Sobrang sakit ng puso ko na hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi naman ako ang Rae na iyon ngunit bakit ganito ang epekto nito sa'kin?

“Ayos ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong. Pinikit ko ang mata. Wala akong nakikita kung hindi dilim, walang katapusang dilim.

“Ano ang sakit ng Rae na iyon? O ni Aris , alam mo ba?” I desperately asked him.

“Hindi ko alam. Bata pa ako noon Rae.”

Dismayado ako sa sagot niya. Iminulat ko ang mata para magpantay ang tingin naming dalawa.

“Paano mo nasabing ako si Rae Vallderama na iyon. Paano Montereal?”

“Because I know it's you. Hindi ko alam kung paano ko ito ipaliwanag ngunit unang kita ko pa lang sa'yo kahit na hindi ko alam ang pangalan mo, alam kong ikaw ang batang iyon. Alam ko 'yong koneksyon na sinasabi nila,” saad niya.

Mapait akong napangiti.

“Pero hindi nga ako 'yon.”

“Siguro nga Rae, sana nga hindi ikaw 'yon. That world was so cruel, ” bulong niya.

Hindi ako ang sinasabi niyang Rae Vallderama , sigurado ako dun.

Malalim ang iniisip ko na hindi ko napansin ang katabi. Wala akong ganang magsalita o kulitin siya ngayon, at saka wala naman siyang ganang magpakulit sa akin palagi.

Tahimik ako at tahimik din siya. Mapapanis na lang yata ang laway ko rito hinding hindi talaga siya magsasalita.

Tinitigan ko ang diary na inilabas ko sa bag. Kahit na hindi naman siya nagpapakulit halatang halata ang mapanuring titig niya sa akin. Palipat-lipat ito sa mukha ko at diary na hawak.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now