Kabanata 22

23 2 0
                                    

I tapped the ballpen in the surface of my table. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Ma'am sa harap. I couldn't process all the inputs on my brain.

Tahimik ang silid at lahat ay tutok na tutok kay Ma'am Pineda. Dahil nakagawain niyang magbigay ng quiz bago mag dismiss, walang choice ang mga estudyante niya kung hindi ang makinig.

“Vallderama bakit walang laman ang papel na ipapasa mo?”

I stared at Montereal, pagkatapos ay tiningnan ko rin ang papel ko. He's right, it's a blank paper. Kailan pa ako nagpasa ng blankong papel?

“Here, bilisan mo. Kopyahin mo 'yan.”

Tinitigan ko lang ang papel na inaabot niya sa akin. Tumayo ako saka ipinasa ang papel kay Ma'am Pineda, leaving his jaw dropped.

Agad niya ako hinila nang pinasa na rin niya ang papel niya.

“What was that? Sign of rebellion ?”

I laughed at his statement.

“I'm just preoccupied with some important things more than that quiz.”

Inakbayan niya ako.

“ Nandito lang ako para sa'yo alam mo 'yan and also Aris wherever he is now.” Malungkot na ngiti ang ginawad niya sa akin. Pareho kaming nalulungkot na malamang wala na si Aris. I asked my Mom if we can visit his grave, pero wala siyang impormasyon sa libingan ni Aris, maliban lang sa namatay ito sa plane crash. She said Aris mom kept the funeral private since his son was unknown to the world. He isolate his son because of a disease na hindi malaman-laman ni Mama kung ano.

“Sayang talaga. Siya na lang ang kulang para maibalik natin sa dati ang lahat.”

I doubt that. Kahit ano pang gawin namin hinding-hindi na maibabalik ang dati at ayokong balikan ang panahong nagpahirap sa akin ng sobra.

Papalapit ako sa E-library nang mamataan ang babaeng kumakaway sa akin, Vanessa with Maximus. Lumapit silang dalawa sa akin na kapwa suot ang kanilang P.E uniform.

“Rae how are you? Parang ngayon lang kita nakita rito,” that was Vanessa.

“Just doing some errands.”

Mabuti na lamang at hindi na sila nagtanong tungkol dun. Sinamahan nila ako canteen. Mukhang nagkakabutihan ang dalawa dahil hindi na ako nakakarinig ng maanghang na salita mula sa isa't isa.

“Tulaley gurl?” Bigla na lamang akong napaubo sa pangugulat ni Vanesa. Napatikhim ako bago ko siya hinarap.

“Just-”

Hindi ako makap-isip ng kung anong sasabihin. Just what? Ok? Do I look like ok? At  kung sasabihin ko bang ok lang ako mababawasan ba ang bigat ng pakiramdam ko? Kung sasabihin ko bang hindi ako ok may tao bang sasagip sa akin? I don't know what to say because I don't know what's in my mind. Para akong dayuhan sa sariling isip.

“Just wondering kung bakit nasa labas ang brief ni Superman.”

Saan ko nahugot iyon? Kung saang parte man ng utak ko iyon nakaimbak pwede ka ng mamahinga. It's just so lame and irrelevant.

“Grabe ka naman Rae. Hindi ko alam na pinagnanasaan mo pala si Superman.” Inayos ni Vanessa ang kanyang magulong buhok na mas lalong gumulo dahil sa pagtawa.

“Me?”

“Fantasizing his greatness gurl, ganun huwag feeling inosente.”

Bigla akong napatikom ng bibig. Hindi ako makapaniwalang naisip iyon ni Vanessa. Nakalimutan niya yata ang namumulang katabi na si Maximus na kanina pa tahimik.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now