Kabanata 9

27 2 0
                                    

Tumabi ako kay Mama na ngayon ay kausap si Tita Kaye. Hindi pa rin ako pinapansin ni Ador dahil sa ginawa ko . Ang sabihin niya abala lang siya sa kanyang cellphone. Narinig ko kay Vanessa na panay daw ang pagpapadala ng mensahe ni Ador sa kanya sa Facebook.

Ito naman si Vanessa paniwalang-paniwala na pagkakaibigan ang pakay ni Ador.

“Hoy bakla,”  tawag ko sa kanya.

Tinapunan niya ako ng ilang segundong titig bago bumalik ulit sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Kanina pa siya parang baliw na ngumingiti mag-isa.

“WITCH,” matinis na sigaw niya.

Kumampiras ako ng takbo dala ang cellphone niya. Hinahabol na niya ako ngayon at mukhang itataya niya ang buhay niya para lang makuha ito sa'kin.

“Ibalik mo sa'kin 'yan,” he screamed.

Tumakbo ako palabas ng sala papunta sa swimming pool. Muntik na akong madapa sa pagmamadali. Nang makita ko si Tita Kaye tinawag ko ito, mabuti na lang mabilis itong lumingon.

Bago pa ako umabot sa kanya nahablot na ni Ador ang damit ko at hinila papalapit sa kanya.

“Mag-uusap lang po kami,” saad niya. Pinanlakihan niya ako ng mata saka walang awang hinila papunta sa kwarto ko. Opo, feeling bahay niya ang bahay namin at feeling kwarto niya ang kwarto ko.

“Sige subukan mong gahasain ako Ador, siniguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Hinding hindi kita papatulugin sa buong buhay mo. Makunsensya ka sana! Maawa ka may pinagdaanan din tayo.”

Tinulak niya ako papunta sa kama. Hindi naman iyon malakas pero masakit pa rin.

“Ay oa lang gurl? Hindi kita type kahit maghubad ka pa sa harap ko hinding hindi kita hahawakan.” Kahit magkagusto pa siya sa ilang babae hinding hindi mawawala ang pagiging bakla niya sa kanyang boses. Sumbong ko kaya 'to kay Vanessa.

Bumangon ako na nakapameywang. Nakapameywang din siyang nakaharap sa akin. Bigla na lang kaming humagalpak  sa tawa, tinabihan niya ako at inakbayan.

“Pagbigyan mo na kasi ang bakla minsan lang itong kumembot , biruin mo 'yun sa isang girlalo pa.”

Inalis ko ang pagka-akbay niya sa akin, pinaharap ko siya sa akin at nilapit ko ang mata  ko sa mukha niya.

“Seryoso kang ikaw si Ador?” Pagbibiro ko. Sa ikalawang pagkakataon tinulak niya ako sa kama. Halos sumigaw ako nang tinakpan niya ang mukha ko ng unan. Nagpupumiglas ako habang siya naman ay tawang tawa.

“Are you going to kill me?”

Humiga siya sa tabi ko. Tulalang napatingin sa kisame. I get it, naguguluhan din siya katulad ko.

“Paniwalang-paniwala talaga ako na bakla ako. Tingnan mo ako. Kung paano ako kumilos, magsalita , tumitig sa mga pogi at higit sa lahat ang mga paniniwala ko, friend bakla talaga ako, baklang bakla.”

Tumango tango ako habang tahimik na nakikinig sa kanya. Ipinatong ko ang kamay sa kanyang ulo. Slowly caressing his hair. Kahit maipabatid ko lang na naiintindihan ko siya.

“Sinubukan ko namang pigilan pero hindi ko talaga kaya. Habang mas lalo kong sinusubukan itong pigilan lalong lumalala. Alam ko friend, alam kong may iba siyang gusto. I wished she will like me too. I even cursed myself, bakit ba naging bakla ako.”

“Wala namang mali kung magkagusto ka sa kanya. Come on baliktarin man natin ang mundo lalaki ka pa rin and I'm proud of you no matter what will happen. Bakla ka man o hindi you are an amazing person.”

He offer his hands wide open. Niyakap ko siya. Proud na proud ako sa baklang ito, napakatapang niya para harapin ang kanyang nararamdaman. Sana katulad ko rin siya, sana may lakas loob akong harapin ang nararamdaman ko.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now