Kabanata 24

18 2 0
                                    

“Bakit ganito? Why are you avoiding me? May kasalanan ba ako?”

Gustong gusto kong tanungin iyon sa kanya ngunit ano naman ngayon kung masasagot niya iyon. I wanted to tell him how my heart felt so anguish, pero wala rin naman. Masasaktan lang ako lalo.

Umusog ako at kinulong ang sarili sa pinakadulo ng bus. Gusto kong kausapin siya but my mind wouldn't permit me. Bakit ganito kahirap? Because my pride wouldn't permit me too. He inundate me with so much humiliation, not to mention that he was so rude that time. To understand him is to understand myself better. Baka magkaroon na ako ng emotional breakdown kapag patuloy kong susulungin ang lahat ng mga naiisip ko.

Anxiety wrapped my whole system. I could feel it, my fears were slowly invading my privacy once again. I hate to say this pero sa tuwing pipikit ako, hindi ko maisip na mawala ako sa alaala ng mga taong mahal ko. Kinakapos ako ng hangin, ginagapos ako ng panginginig.

Iyon ang dahilan kung bakit mas gusto kong huwag malaman ang totoo. I'm too afraid that when they get tired of my whines and whimpers they will leave me. My self always taught me to be a loving daughter pero ano ang magagawa ko? Mas nangibabaw ang pagiging matapang ko kaysa sa takot. Mas nangibabaw ang pagiging tsismosa ko.

He looked so tired but I'm more than that. Naging matatag siya sa mga nagdaang taon kasama ang kanyang sakit pero hindi ko kayang gawin iyon, too much regrets can kill you. Lalo na't hindi ko mahanap ang nawawala kong alaala.

That moment. Inside the bus. Two human with athazagorophobia suffering from world's punishment. How does it feel to be him? Dahil ang Rae na nasa katawan ko ay pagod na pagod na.

“Funny how I wanted to save you but here I am, I can't save myself. Alam mo bang pareho tayo. I am so afraid of fading away, not physically. Gusto kong saktan ang sarili dahil kahit anong gawin ko hindi ako nakakaligtas sa nakakapagod na anxiety attacks. Paano mo nagawa iyon? By shutting people away from you?” I finally voiced out. Hindi ko alam kong naririnig niya iyon.

“Alam mo bang ang sakit na malamang nawala ang alaala ko. Then I discovered him, Aris. Sinubukan niya akong iligtas ngunit hindi ko nagawa iyon sa kanya. I regret every pieces of it. Gusto kong isigaw na sana ako na lang. I killed him.”

Kahit na nakatagilid ako sa kanya alam kong nakatingin siya sa akin. Wala ako ng lakas ng loob para harapin siya. Tutulo lang ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

“You didn't.”

My heartbeat jolts. Suddenly I felt hope. Bakit kapag siya ang nagsasabi ng mga kasinungalingang iyon hindi maiwasan ng puso ko na maniwala.

“I didn't?” Gusto kong marinig sa kanya na oo wala kang kasalanan. Pinapakalma niya ang isip kong gulong-gulo na.

“You didn't kill him, gusto niya iyon.”

I eyed him for a second. Bigla na lamang siyang tumayo at nang makita ko ang coffeeshop sa tapat ng bus biglang nagunaw ang imahinasyon sa aking paligid.

Ano ang alam niya kay Aris?

Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi na pwede, ang tanging nagawa ko na lang ay ang tanawin siya mula sa malayo habang umaandar ang bus.

I know, someday malalaman ko rin ang lahat. The man behind the mask Truman Harris Canerato.

Marahan kong nilapag ang bag sa gitna ng aking kama. I am staring at the old picture, my only proof that everything really happened.

Mataman ko ring tinitigan ang aking kwintas. Hindi ko napansin iyon sa aking leeg na lantad na lantad sa picture.

“Mama said that Lola gave this to me before she died so that means dapat ay suot ko ang kwintas sa picture na ito,”  bulong ko sa sarili.

I have this doubt about the existence of necklace. Hindi ko nga maalala kung kailan ko ito nakuha. One day I claimed it as my Lola's possession, that Mama agreed. Kasama rin ba ang alaalang iyon sa mga nawala?

“Kain na Rae”

Mabilis kong nabitawan ang picture nang makita ang ulo ni Mama na sumisilip sa pintuan. Im exhausted and I am aware of that. Mabilis kong sinuot ang tsinelas at bumaba.

Maingay pa rin ang hapag kagaya ng dati. Walang nagbago, that's why I admired this family. Matagal akong napatitig sa kanila. Gusto kong itago ang mga alaalang ito sa sulok ng aking isipan para hindi na mawala. Paano kung isang araw hindi na nila ako maalala?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pinagpapawisan. Sobrang init sa pakiramdam na halos hindi na ako nakakaramdam ng hangin sa aking ilong. I felt suffocated like how chains wringed my neck.

“Ayos ka lang ba Rae?” Nag-aalalang tanong ni Mama. My eyes watered. Nakatingin silang lahat sa akin ng may pag-aalala sa mukha.

Mabilis ko siyang niyakap. I hide my tears in her shoulder. Madiin ang pagkakayakap ko sa kanya and slowly I am coiling my hands to her body.

“Ma, possible ba na bumalik ang sakit ko? Nararamdaman ko siya, unti-unti siyang bumabalik.”

I saw how her eyes filled with horror. Parang nawalan siya ng buhay sa sinabi ko. Ayokong maniwala na ito na naman siya, sinisira na naman niya ang buhay ko pero hindi ko ito hahayaan.

“Huwag ganito Rae.”

This is the hardest cry I ever heard from Mama. Parang pinagdadalamhatian niya ang taong matagal na niyang hindi nakikita.
I understand her sorrow, their sadness. Alam kong sila ang mas nahihirapan kasi sila ang nakakaalala. I will choose my battle, and this battle is worth fighting.

“Tatawagan ko ang doctor mo. We will provide therapy, medicine o kahit ano pa basta gumaling ka lang.”

Hindi siya mapakali habang kinakalikot ang cellphone niya. Hinahagod ni Ate Stella ang likod ko habang pinipigilan naman ni Papa ang pagiging aligaga ni Mama.

“Hindi pwedeng maulit iyon naiintindihan mo ba ako? Nakita mo kung paano naghirap ang anak mo kaya huwag mo akong pipigilan kung nagiging desperada ako,” sigaw ni Mama nang pigilan siya ni Papa sa ginagawa.

Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Mama. I'm a mess.

Nanlalambot ang mga tuhod ko habang nakikinig sa kanilang away. Nilalamon ng lason ang buong isip ko hanggang sa wala na akong makita kung hindi puro kadiliman.

Humigpit ang yakap sa akin ni Ate Stella habang tinatakpan ni Kuya Gladio ang taenga ko. Gusto ko na lang bumagsak para matapos na ang lahat.

Before I closed my eyes I saw my Mother broke down.

The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)Where stories live. Discover now