Habang nag iiyakan kaming tatlo sabay sabay kaming napa atras ng biglang may yumakap sa kabaong ni black, umuwang ang labi ko ng makita ko si beks habang yakap yakap ang kuya ko.

"N-NO! M-My honey, g-gumising ka. H-Honey ko!" Napatahimik kaming lahat sa pag iiyakan ng marinig namin ang hagulgul niya.

Nalilito akong tinignan ni tita pia at sydney, nagtatanong ang mga mata kung sino ba ang baklang mas malakas pang umiyak sa'min.

Mas lalo kaming nagulat sa sunod na ginawa nito ng bigla niyang buksan ang kabaong ni black at walang sabing hinalikan sa labi.

Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako ng makita ko ang pagkuyom ng kamao ni black.

Napasinghap sina tita pia at sydney dahil sa mabilis na galaw ng bakla. Taena! Nakuha pa talagang pagnasaan ng bakla ang kuya ko kahit patay na!

Mabilis kong hinila ang bakla ng akma niya naman itong hahalikan.

Sobrang na trauma yata si black kay beks dahil kapag nakikita niya si beks kahit na malayo agad itong tatakbo ng mabilis.

Kapag inaasar namin ang ugok agad na puputla ang buong mukha nito. Taena tawa nga kami ng tawa.

Pagkatapos ng klase namin ay agad din naman kaming lumabas sa classroom, hindi na ako nagulat pa ng makita ang dalawang bodyguards ko.

"See you bukas peks!" Maarteng paalam ng bakla at hinalikan ang pisnge ko.

Habang naglalakad ako hindi ko na pinansin ang dalawang bodyguards kong naka buntot sa'kin, nasa parking lot ako at balak kong sa sasakyan nalang ni seth hintayin siya. Napahinto ako ng makita ang pamilyar na sasakyan ni Spyke. Kumunot ang noo ko ng makita ang pintuan ng backseat niyang nakabukas.

Simula ng umuwi kami dito sa manila hindi parin kami nakakapag usap ni Spyke. Lahat ng tawag at text nito hindi ko narin pinansin. Ewan ko ba! Pero talagang naiinis ako sa kanya, ayokong makita mukha niya. Nagagalit ako sa hindi ko malaman na dahilan. Basta ayoko sa kanya!

Hindi ko man gustong tignan pero wala akong choice kasi magkatabi ang sasakyan ni seth at sasakyan niya.

Dahan dahan akong lumapit sa sasakyan ni seth at hindi ko mapigilan na tignan ang backseat ni Spyke.

Umuwang ang labi ko at unti unting nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si spyke at si kylee. Naka kandong si kylee kay spyke habang naghahalikan silang dalawa.

Unti unting tumulo ang luha ko, napa hawak ako sa dibdib ko ng maramdam ang pintig ng puso ko na sa bawat pintig walang katumbas na sakit... sakit na makitang ang taong mahal mo ay pag aari na ng iba. Na sa bawat galaw ng labi niya hindi ikaw ang kahalikan niya.

Muntik na akong matumba pero mabuti nalang at mabilis akong naagapan ng isang bodyguard.

"Ma'am ayos ka lang ba? Sobrang namumutla kapo, tatawagan ko ba mga kuya mo?" Dahil sa boses ng bodyguard ko biglang napatigil ang dalawa.

Biglang nanlaki ang mga mata ni spyke ng magtama ang mata namin. Mabilis niyang naitulak si kylee at nagmamadaling lumabas. Akmang hahawakan niya na sana ako ng bigla akong umatras.

"C-Chandelle let me explain..." Umiling iling ako habang tinitignan siya, wala akong paki kung nakikita niya ang luhang lumalandas sa pisnge ko.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon