"Bakit parang may nakatira? At bakit bukas ang gate?"

"Putangina! Magsitahimik na nga kayong dalawa!" Napatahimik naman ang dalawa sa sinabi ng lalaking nasa gitna.

"Amethyst! Sagutin mo ako nag aalala na ako sayo!"

Nataranta ako ng makitang papasok na sila sa bahay, agad nahagip ng mata ko ang baseball bat kaya kinuha ko ito.

Patakbo akong lumapit sa likuran nila at mabilis na pinalo ang isang lalaki dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Napamura silang dalawa at mabilis na nagpaputok ng baril. Mabuti nalang at mabilis akong nakailag.

"ANONG PUTOK 'YAN?"

"AMETHYST!"

"PUTANGINA!"

Hindi ko na pinansin ang sunod sunod na mura ni cross, tinapon ko ang cellphone ko sa mga halaman at mabilis na nilapitan ang dalawang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit nakatulala lang sila sa'kin dalawa ng makita ako. Naka awang ang mga labi nila habang nakatingin sa dibdib at hita kong lantad na lantad.

Ay tangina! Naka night dress pala ako! Shit naman!

Mabilis akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng malakas na tig iisang suntok sa mukha dahilan para mawalan sila ng malay.

"Mga manyak! At talagang nakuha niyo pang maglaway sa katawan ko habang nasa gitnan tayo ng away?" Nilapitan ko ang lalaking napalo ko ng baseball bat at hinawakan ang gilid ng leeg nito, napahinga ako ng maluwag ng malaman buhay pa ito.

Lumapit ako sa halaman at kinuha ang cellphone kong tinapon ko kanina. Napa buntong hininga ako ng makitang naputol na ang tawag ni cross. Shit! Mag alala ang mokong na'yon!

Akmang tatawagan ko na si cross ng makarinig ako ng sunod sunod na busina sa labas. Umuwang ang labi ko ng makita ang lalaking pumasok sa bahay.

"FUCK! CHANDELLE!" Sigaw nito at ng makita niya ako ay mabilis siyang tumakbo at walang sabi akong niyakap ng mahigpit.

Napapikit ako ng mas yakapin niya pa ako lalo.

Shit naman! Bakit siya ang nandito? Bakit yakap yakap niya ako? Bakit nandito si spyke?

Kumalas ito sa yakap at hinawakan ang dalawang pisnge ko. Ang mata nitong puno ng pangamba at pag aalala habang nakatitig sa'kin.

"What happened? Are you okay? Fuck may masakit ba sa'yo?" Sunod sunod na tanong nito habang seryoso akong tinititigan.

Gusto kong magsalita at sagutin lahat ng katanungan niya pero walang salita ang gustong lumabas sa labi ko. Nakatitig lang ako sa mga mata nitong puno ng pag aalala.

"Chandelle..." Halos manlambot ang tuhod ko ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Please talk. I wanted to hear your voice, I just wanted to know if you're really fine."

Hindi pa man ako nakasagot ng biglang nagsidatingan sina cross.

"AMETHYST!" Sabay na sigaw nila ng makita ako. Sunod sunod rin akong nakarinig ng pagmumura ng makita nila ang tatlong lalaking wala ng malay.

"Tangina. Mapapatay tayo ni daddy nito." Dinig ko pang sabi ni black.

Nang makalapit sina cross, black, lance at seth sakin ay sabay nila akong niyakap.

Habang yakap yakap nila akong apat ay nakatitig lang ako kay spyke na seryoso akong pinagmamasdan, unti unting bumaba ang tingin nito sa suot ko. Napakunot ang noo nito at umigting ang kanyang panga.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now