BEKS 30: Best Gift

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad ko siyang niyakap bilang pasasalamat. Hinila ko siya paakyat sa kwarto ko, oras na siguro.

"Oh bakit tayo biglang umakyat love?" Takang tanong nito sakin.

"Ibibigay ko na kasi yung regalo ko sayo" masayang sabi ko.

Nilibot pa nito ang paningin sa silid kaya natawa ako ng bahagya.

"Love, look at me. Matagal-tagal nadin simula noong sinabi mo na mahal mo ako at liligawan mo ako kaya siguro ito na ang tamang oras para sabihin sayo na OO sinasagot na kita" hindi napigilang mapaluha at nabigla akong buhatin ako ni Evo at kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya.

"Teka love ibaba mo nako, nakakahilo na" sita ko dito. "Love, ang matamis mong oo ang pinaka the best gift na natanggap ko ngayong pasko." Masayang sabi niya at dahan-dahan naglapat ang aming mga labi.

Hindi maalis ang saya sa aming mga labi dahil sa wakas official na kaming dalawa at ang kailangan nalang gawin ni Evo ay sabihin ito sa kaniyang mga magulang.

About pala sa parents niya ay malugod naman nilang tinanggap ang relasyon namin dahil simula nung niligawan ako ni Evo ay inamin niya sa magulang niya na hindi babae ang nililigawan niya kung hindi lalaki. Noong una hindi sila makapaniwala pero naging okay na din naman na sa kanila.

Nagulat sila ni Kuya Yuno dahil hindi pala nagpaalam ang mga magulang nito na umalis ng bansa kaya medyo nagtampo sila dito pero nangako naman ang mga ito na babalik kapag college na kami.

Speaking of college hindi na din ako makapag-intay dahil iilang buwan nalang din ay gragraduate na kami ng shs at magiging college student nadin.

"Love, thankyou for giving me the chance na patunayan ko sayo na seryoso ako sa pagmamahal ko sayo." Seryosong saad nito. "Alam ko madami pa tayong pagdadaanang mga pagsubok pero sinisigurado ko sayo na kahit na anong mangyari ay ikaw padin ang mahal ko."






"Mahal na mahal kita Kailee"



"Mahal na mahal din kita Evo"





Muli kaming bumaba upang ipahayag sa kanila na kami na ni Evo at nang dahil doon ay mas lalong sumaya ang gabi naming lahat. Nilabas na ni mama ang alak at nagsimula na ang inuman kaya paniguradong may mga hangover kami bukas.

Hindi nga ako nagkamali dahil nilabas na ni papa ang mix ng lime juice at gsm blue. Well masarap naman ang lasa nito dahil maasim-asim at lasang juice lang talaga pero nasa huli ang tama nito.

Habang patuloy ang ikot ng tagay ay tinawag ni papa si Evo. "Evo, alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol sa relasyon niyo ng anak ko?"

"Opo papa, matagal nadin po nilang alam. Noong una di po nila matanggap pero ayun nagkalinawan naman po at okay na ang lahat." Nangiti naman si papa sa sinabi ni Evo. "Mabuti naman kung ganoon, sige magsaya lang tayo ngayong gabi." Sabi ni papa sabay taas ng mga hawak nilang baso.

"Cheers"

Alam kong simula palang ito ng pagdating ng mga pagsubok sa aming relasyon pero masaya ako dahil kaagapay ko naman ang taong mahal ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga masasayang memories namin ni Evo noong di pa kami magkasintahan.

"Mukhang malalim ata iniisip mo love ah?" Namumungay na ang mga mata niya halatang may tama na.

"Lasing ka na love" sita ko dito. Masyado na kasing clingy at ang likot-likot na ng kamay.

"Nandito ka naman sa tabi ko love eh" paglalambing nito. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya bahagyang natigilan siya.

"Love, kinikilig ako sayo, I love you Kai" malambing sabi nito sabay halik sa labi ko. Tumugon naman ako kahit nalalasahan ko na ang alak mula sa kaniyang bibig.

"I love you too love" sagot ko dito matapos ng halikan namin. "Love akyat na tayo sa taas para makapagpahinga ka na." Aya ko dito, mabuti naman at hindi na ako nahirapang pasunurin ito.

"Ma, Pa, Kuya at Ate mauna na po kami ni Evo magpahinga." Paalam ko sakanila. Tinulungan ko na si Evo sa pagakyat dahil hilong-hilo na ito at baka mamaya mahulog pa sa hagdan.

"Ay nako love, ang hina mo pala e!" Pang-aasar ko dito pero parang wasted na ito masyado kaya di nako sinagot pa.

Pagkapasok ko ay inihiga ko na siya sa kama at inayusan siya at ako nama'y naglinis ng katawan bago tumabi sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang maamo nitong mukha bago muling halikan sa labi. Mahimbing na ang tulog nito kasabay pa ang mahinang hilik.

Hindi din nagtagal ay dinalaw nadin ako ng antok at natulog na din.













END OF CHAPTER 30














Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon