Kabanata 29

2K 150 11
                                    

"Dapat ay pinatay na kita noon pa. Hindi ko naman kasi akalain na mahina pala ang mga tao sa ngayon," wika ni Udaya nang makaharap si Zandro. "Ako na sana ang gumawa."

"Dito ang tingin," singhal ko. Ilang alagad ni Udaya ang papalapit sa amin ni Zandro. Para silang langgam na nakakita ng pagkain sa katauhan namin. Halakhak ni Udaya ang maririnig sa buong paligid habang nakikipaglaban kami ni Zandro patungo sa kanya.

"Tumatakas siya."

"Udaya!"

Ngunit halakhak lamang ang isinagot ni Udaya habang naglalakad siyang papalayo sa amin.

"Um—malaya—um—mala—um—malaya—um—" mahinang bigkas ko ng paulit-ulit. Natigil sa paghalakhak si Udaya at parang mga lampara na huminto sa paggalaw ang mga kampon nila.

"Hssss," parang ahas na huni ni Udaya at nagsimula siyang tumakbo.

"Um—bala—ra—haye—na—na—"

Nagsimula kaming tumakbo ni Zandro. Kada madaanang mga patay na buhay ay tinataga niya. Si Udaya ay patuloy sa pagtakbo sa bundok ng mgabuhangin. Ang mga kalaban nila Rose sa ibaba ay natigil rin kung kaya sumusunod sila sa amin sa paghabol kay Udaya.

Isang bolang hangin at apoy ang ibinato ni Rose at Jake mula sa ibaba na nagpatingin ng kaunti kay Udaya sa pagtakbo. Alikabok at bungahin ang sumambulat sa amin ni Zandro.

"Hahi—yaha na—ha—na—heya—heya—na—ya—nu—wa"

Napatigil si Udaya sa kinatatayuan at sa aking pag-uutos, ang buhangin ay parang naging bato at itinali siya sa kanyang kinatatayuan.

Sa mabilis na panahon ay parang nagamay ni Rose ang kanyang kapangyarihan. Tinangay sila ni Jake ng malakas na hangin paitaas kung saan kami naroon. Kaming apat ay nakapaligid kay Udaya habang ang buhangin ay unti-unting gumagapang sa kanyang katawan.

"Um—malaya—ha—yena—"

Ang mata ni Udaya ay nagsimulang magpalit. Naging dilaw ang itim ng kanyang mga mata. Maging ang kanyang balat ay nagsimulang magkaroon ng kaliskis. Ang kanyang dila ay nahati sa dalawa na parang ahas.

"Hsss—" wika niya.

Biglang tumahimik ang paligid. Sobrang tahimik na ani mo'y nakakabingi.

"Sa tingin ninyo ay mapipigilan ninyo ang kasamaan ngayon? Isang isinumpa, isang muling nagkatawang tao, isang nakalimot ng pinagmulan at isang kinakalimutan ang lahi— masasabi kong sadya kayong hangal." Lumabas ang mala-ahas na dila ni Udaya at saka siya humalakhak.

"Hsssss—"

Nagsimulang maglabasan ang mga ahas at mabilis silang pumalibot sa amin.

"Walang ititirang buhay," sambit ni Udaya.

Si Jake ay nagpaulan ng apoy at gumawa ng malaking pader ng apoy na aling ahas man ang tumawid ay matutunaw. Sa labas ng pader na apoy ang mga ipo-ipo na hangin. Kung mayroon mang iilan na nakakaligtas ay ang patalim naman ni Zandro ang kanilang natitikman.

"Tapos ka na," saad ko nang ang buhangin ay hanggang leeg na ni Udaya.

Hinawakan ko siya sa leeg nang mahigpit. Humitaw ang pangil niya at ang dila na parang ahas.

"Nais mo ang kapangyarihan ko? Kakayanin mo bang lahat?"

"Hssss"

Isang bagay ang pinagtataka ko noon kay Udaya. Hindi niya nasagad ang kapangyarihan na mayroon ako. Hindi niya matawag ang kalikasan na gaya ng kaya kong gawin noong lumaya ako. Wari ko'y lason ito para sa kanya.

The Book MakerWhere stories live. Discover now