Kabanata 26

2.3K 174 26
                                    

Pagkaraan ng ikatlong araw buhat ng namayapa ang taga-bantay, kinausap ko si Zandro, Carol at Rose.

"Ihahabilin ko sa inyo si Marikit. Pakaingatan ang kanyang natutulog na katawan."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zandro sa akin.

"Hahanapin si Udaya."

"Ngunit, alam mo ba kung paano siya tatalunin?" may halong pag-aalala na tanong ng nag-iisang taga-bantay.

"Kailangan kong subukan, taga-bantay."

Umiling si Rose sa akin. "Kailangan mo kami."

"Hindi pa lubos ang inyong kaalaman."

"Mamamatay ka ng maaga sa kayabangan mo." Napatingin kaming apat kay Jake na nakatayo sa may pintuan. "Hindi na ito ang mundo na ginalawan mo noon. Tinutulungan ka na, huwag ka ng mayabang pa."

"Hindi ko kailangan ng tulong—"

"Namin? Hindi naman namin gagawin ito para sa iyo."

"—mo. Hindi ko kailangan ng tulong mo," mariing sagot ko.

"Hindi ikaw ang magde-disisyon sa bagay na iyan. Nawalan kami ng kasama at kaibigan. Ano mang galit mo kay Udaya ay ganoon din kami. Para kay Ms. Mel ang gagawin namin at hindi para sa iyo."

"Lakan, ako na ang maiiwan kay Marikit," pamimilit ni Carol.

"Hindi namin lubos na naiintindihan ang kakayahan na mayroon kami pero kailangan mo ng tulong. Saan ka magsisimula?" tanong ni Zandro sa akin.

"Saan tayo magsisimula?" mariing tanong ni Rose. Hindi ako mapalagay na nais sumama ni Jake ngunit hindi rin ako mapapalagay na maiwan siya rito.

"Maiwan ka, Zandro. Kung sakaling dito pumunta si Udaya para kay Marikit ay narito ka. Ipagkakatiwala ko siya sa inyo ni Carol."

"Paano si Jake?" naghahamong tanong ni Zandro sa akin. May kaakibat na tanong na hindi ipinahayag ngunit alam kong naroon.

"Hindi ko papatayin kung iyon ang iyong pinag-aalala."

Natawa ng mapakla si Jake ngunit hindi nagsalita.

"Saan tayo magsisimula, Lakan?" tanong muli ni Rose.

"May mapa ba kayo?"

"Google," sagot ni Jake. Tiningnan koi to at umiiling na pinaikot ang mga mata. Pinakita sa akin ni Zandro ang ibig nilang ipahiwatig. Isang mapa na makabago na nasa telepono nila. Mabilis akong umiling.

"Lumang mapa ang nais kong sabihin. Mapa bago dumating ang mga banyaga."

"Hindi ko alam kung mayroon sa Library pero ano naman ang mawawala kung susubukan natin, hindi ba?" ani ni Rose. "Halina kayo para makabalik tayo bago tuluyang hanapin si Udaya."

"Nasa kamay mo ang kaligtasan ni Marikit at ng aking anak, kaibigan."

Isang tango ang ibinigay ni Zandro sa akin. Alanganin akong sumunod sa taga-bantay at sa anak ni Sitan.


Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang sisidlan sa tinatawag nilang sasakyan at isang balatkayo sa damit na ibinigay ni Zandro. Si Jake ang nagpapaandar nito habang tahimik na nakatingin sa labas ang taga-bantay. Maingay, maraming tao at mainit. Ano ang nangyari sa bansang Maharlika?

Sa isang gusali na yari sa bato kami huminto. Nakita ko na ito mula sa aking kulungan noon. Sinundan namin ni Jake si Rose sa tahimik na silid-aklatan. Ilang pintuan ang aming pinasok bago namin narating ang isang saradong silid sa dulo ng pasilyo. Kinuha ng taga-bantay ang susi mula sa kanyang blusa at binuksan iyon. Mga aklat na kulay itim ang balat ang maayos na nakahanay sa pader.

The Book MakerWhere stories live. Discover now