Kabanata 22

2.1K 168 5
                                    

"Hello." Nasaan ako? Madilim ang paligid at nahihirapang makakita ang mga mata ko.

"Ms. Rose, Ms. Mel..." Sigaw ko. Nagsimula akong mangapa sa dilim. Natatakot ako na biglang may lumitaw at matalisod ako. Ang anak ko... tunay ngang buntis ako?

"Carol! Zandro!" Tawag ko sa mga kakilala ko. "Jake," ngunit walang sumasagot.

"Bunao!"

Walang sumasagot kahit isa sa kanila.

"Bunao!" Sigaw kong muli. Hindi ko akalain na may ganitong klaseng dilim. Nakakapangilabot na kahit ang sarili ko ay hindi ko maaninag. Para akong nakalutang gayong may nakakapa ang paa ko na sahig.

"Marikit," tawag ng isang tinig. Binalot ako ng kaba at kinilabutan.

"Sino ka? Huwag kang lalapit," wika ko ngunit nasaan ba siya? Hindi ko naman siya makita.

"Ako si Sidapa, naalala mo ba? Sinambit mo ang ngalan ko bago ka pawian ng malay-tao."

"Sidapa... hindi kita kilala. Kung nasambit ko ang ngalan mo ay patawad," takot na wika ko.

"Hindi ako kalaban at huminahon ka. Nais ko lamang sabihin na nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan. Kung nais mong bumitaw ay tawagin mong muli ang ngalan ko."

"Paano? Paanong nangyari... ano ang nangyari?"

"Wala ako sa tamang lugar upang magpaliwanag sa iyo. Ikaw ang magpasya kung lilisan ka. Ihahatid kita sa pintuan ng buhay. Ngunit, nais kong isipin mo ang sanggol sa iyong sinapupunan."

Buntis nga ako. Panginoon ko.

"Gusto kong bumalik. Kailangan kong mailigtas si Bunao." Nilulukuban ako ng takot habang kausap ko si Sidapa.

"Hindi ikaw ang magpapasya ng iyong pagbalik. Nakasalalay kay Bunao ang pagbabalik mo."

"Ngunit nakakulong siya. Ako ang susi niya para makalaya. Parang awa mo na, kailangan kong makabalik," pagmamakaawa ko.

"Hindi kita matutulungan. Paalam, Marikit. Hanggang sa muli nating pagkikita."

Muli ay naiwan ako sa dilim na mag-isa. Natatakot at nanghihina sa nangyayari. Paano na si Bunao? Paano na ang... anak namin? Nanlalambot akong napaupo at iniyak ang mga nangyayari.

"Natatakot ako... Bunao,"

*********

"Nasaan na?"naguguluhang tanong ni Jake nang maglaho ako.  Nagkakagulo sila sa silid ni Marikit. Si Zandro ay palakad-lakad sa harapan ng higaan habang si Carol ay pinupunasan ang mukha ni Marikit.

"Umiiyak siya," wika ni Carol. "Kit," sinubukan nilang gisingin ngunit walang nangyari.

"Kailangang makawala ng Lakan," wika ng isang taga-bantay na si Rose.

"Tulog nga si Kit. Hindi natin alam kung nag-aagaw buhay," sagot ni Zandro na hindi malaman kung sasabunutan ang sarili. Patuloy siya sa paroo't parito.

"Subukan nating magsulat," mungkahi ni Carol na ikinailing ko.

"Hindi." Mabilis na sagot ni Zando. "Hindi ikaw, Caroline. Ako. Susubukan ko."

"Zandro," pigil nila ngunit umiling lamang si Zandro. Kinuha ni Zandro ang libro at namili ng blangko na pahina.

"Hindi ninyo masusulatan," walang ganang sagot ko.

Nakatingin ako kay Marikit at nag-aalala sa kanila ng anak ko. Bathala, ako ay magiging ama. Sino ang mag-aakala?

Nagsimulang magsulat si Zandro ngunit agad ding naglalaho ang tinta ng kanyang panulat sa pahina.

The Book MakerWhere stories live. Discover now