Kabanata 10

2.4K 193 8
                                    

Hindi ko alam kung bakit gusto kong umiyak at magwala. Kung siya ang Lakandula, sino ang taong nasa history books?

"Teka, maghinay-hinay muna tayo. Ang daming nangyari sa kakaunting oras. Ang pakilala niya kanina ay s'ya ang mangagaway." Si Ms. Rose ang pumagitna dahil lahat kami ay naguguluhan at hindi makapag-isip ng tama.

"Iisa lang ang kilala kong Bunao sa history, ang Lakandula. Kung iyon ang pangalan niya at kung tama ang pagkakaintindi ko na ikinulong siya, malamang sa libro na iyan, ibig sabihin, huwad ang Lakandula na nasa history natin." Pagco-conclude ni Zandro sa mga impormasyon na nasabi kanina.

"Kaya siguro hindi siya lumaban nang dumating ang mga Kastila," wika ni Carol. "Ang tanong ay bakit siya nakulong sa libro? At kung kinasusuklaman niya si Udaya, si Udaya kaya ang nagkulong sa kanya?"

"Ang sabi niya ay hindi mamamatay si Udaya hanggat hindi nito nababawi ang kinuha sa kanya. Kinuhanan siya marahil ng kapangyarihan ni Udaya at ikinulong sa libro. Kung totoong manggagaway siya, tunay na malakas siyang pinuno noon." Dugtong ni MS. Mel.

"At ang pinuno na may kapagyarihan ay hindi yuyuko sa banyaga. Ano ang nagyari?" Nanlalambot na tanong ko.

"Nakakapanghinayang," wika ni Carol. "Kit, gusto mo pa bang basahin ang laman ng libro mo? Baka may makuha tayong clue."

"Doon tayo sa may upuan. Kaya mo bang maglakad, Kit?" nag-aalalang tanong ni Ms. Rose.

"Kaya ko."


Naghanap kami ng mauupuan na malayo sa mga dumadaang mga tao. Ibinigay ko kay Carol ang libro at binasa niya ang unang pahina.

"Manggagaway," wika niya. Maingat niyang binuksan ang sumunod na pahina at napakunot ang noo nito. "Hindi pareho ang sulat,"

"Iyan din ang napansin ko," sagot ko sa kanya. Binasa ng tahimik ni Carol ang nakalimbag sa pahina at pakunot nang pakunot ang noo niya habang nagbabasa.

"Ang sabi dito, 'Ang Lakan ay parang nag-iba, naging mapangahas ito sa mga bagay na hindi nararapat at duwag sa pagtatanggol ng nasasakupan niya. Mayroong mga banyagang dumarating at ni hindi man lamang kakitaan ng pagkailang ang Lakan.'"

"Kinamumuhian ko ang Lakan sapagkat pinapasok niya ang mga dayuhan sa lupain ng aming ninuno. Kinamumuhian ko ang Lakan, sapagkat pinayagan niyang tumapak sa banal na lupa ang isang dayuhan."

**************

Nanlalambot akong hinila ng tanikala pabalik sa loob ng libro. Hinayaan kong muli ang aking puso na magdikta at nagtiwala kay Marikit. Pagbabayaran ko ito sa huli.

"Kung sino ang pinagkakatiwalaan mo ay doon ako," wika ko habang pinapanood siya mula sa bintana ng kulungan ko. Unti-unti nilang nasasagot ang kanilang mga katanungan at gaya ng sinabi ng isang taga-bantay ay nakakabasa ng baybayin ang isang babae na kasama niya. Una niyang binasa ang itinala ng isang kawal ko noon sa palasyo. Ito ang unang nagsatinig ng pagkamuhi sa Lakan.

"Paano mapapalabas ang mangagaway?" Tanong ng nagmula sa salin-lahi ni Alon— isang matalik na kaibigan.

Umiiling si Marikit na tumitig sa kanya, "Hindi ko alam."

"Siya lamang ang makakasagot sa iba pa nating tanong." Wika ng kanyang asawa na nagmula sa angkan ni Malaya— si Carol.

"Wala akong lakas upang magpaliwanag sa inyo," sagot ko sa kanila. Nahiga ako sa sahig at idinipa ang mga kamay.

"Hindi ba kayo natatakot..." Tinig ni Marikit ang nagpabangon sa akin. "...sa kanya? Sa maari niyang gawin? Sa maaaring mangyari? Hindi ba kayo nag-aalala na baka... na baka siya ang kalaban at hindi ang lola ninyo?"

"Mayroon na kaming napagdaanan na mas nakakatakot kaysa sa pagtutok ng sibat ni Lakandula. Dumaan na kami sa ilang pagsubok upang sumagip ng buhay. Mas mahirap kalaban ang oras, Kit, at iyon ang kalaban namin noon nang makaharap namin si... Udaya." Sagot ni Carol.

"Gusto mo bang itago namin ang libro mo?" Tanong ng isa sa taga-bantay.

"Huwag," sigaw ko. "Huwag mong ibigay."

Napayuko si Marikit sa libro. Tanaw ko sa kanyang mga mata ang alinlangan bago umiling. "Gusto ko siyang makausap."

"Napansin n'yo ba ang mga tattoo niya kanina?" Nakakunot ang noo ni Carol nang matingin siyang muli sa pahina ng libro. "Parang ang mga nakasulat sa libro ang nasa katawan niya."

"Sinubukan mo na bang magsulat dito?" Tanong niyang muli kay Marikit.

"Huwag," bulong ko. Kinakabahan ako at kinakapos ng hininga habang hinihintay ang pasya ni Marikit.

"'Yung end sheet pa lang." sagot niya.

"Subukan mong magsulat tapos tingnan mo sa katawan niya kung mag-aappear." Mungkahi ni Carol. Ibinalik ni Carol ang libro kay Marikit. Naghanap ng panulat si Marikit sa dala niyang kustal.

"Huwag. Huwag ngayon," Napapikit ako nang maramdaman ko sa aking balata ng pagdaiti ng kanyang panulat. Unti-unting lumitaw sa mga patlang ng aking balata ng bawat salita na sinusulat ni Marikit.

Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal

Kaluping maliit sa tapat ng puso
ang bawat talata'y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya't siphayo.

Isang tula, batid kong hindi galing sa kanya ang bawat salita ngunit dama ko ang pighati ng bawat letra na nalilimbag sa aking katawan.

"Kalupi ng Puso ni Jose Corazon de Jesus," wika ng taga-bantay ng makita nila ang isinulat ni Marikit. Namumutla si Marikit nang isarado niya ang libro.

"Kit, ayos ka lang?"

"Nahihilo ako," wika nila at tuluyang tinakasan ng malay. Nasapo siya ni Zandro at ng taga-bantay kung kaya hindi tuluyang tumama ang ulo niya sa bakal na sinasandalan nila.

"Huwag ka ng magsusulat. Nakakamatay ang mga salita, Marikit." Bulong ko. Mula sa bintana ng aking kulungan, pinanood ko ang pagbuhat nila kay Marikit palabas ng gusali. Kasabay nito ay ang paglinaw ng huling talata ng tula na isinulat niya sa aking balat.

May ilang bulaklak at dahong natuyo
na sa iyo'y lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luha'y tumutulo
tuwi kong hahagkan, puso'y nagdurugo.

The Book MakerWhere stories live. Discover now