Kabanata 20

2.3K 170 13
                                    

Hindi ako mapakali sa bahay kung kaya nagtungo ako sa National Library bitbit ang libro. Nagtungo ako sa pribadong silid kung saan naroon sila Carol. Naabutan ko silang nakatulala sa upokan ng mga libro sa kanilang harapan.

"May, problema ba?" tanong ko mula sa pintuan. Napatingin sila sa akin. Si Ms. Rose, Ms. Mel, Carol, Zandro at Jake.

"Kit, pasok ka. Ayos ba ang pakiramdam mo ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Carol.

"Medyo ayos naman. May problema ba kayo? Bakit tulala kayong lahat?" Alangan na tanong ko. Pumasok ako sa silid at naupo sa tabi ni Carol.

"Medyo magulo lang ang lahat," sagot ni Ms. Mel. Napabuntong hininga sila at tahimik na nakatitig sa kawalan.

"Ano ang ibig ninyong sabihin?"

"May nabasa ako. Nakakapagtaka kasi dahil ako lang ang nakakabasa ng mga sinaunang libro." Sagot ni Carol. Kumuha siya ng isang libro na kasing luma ng libro na nasa bag ko. Maingat niyang binuksan iyon at tumambad sa akin ang mga salitang nakasulat sa baybayin.

"Ang sabi dito, 'Ang mangagaway na nakulong ang hudyat ng pagbabago. Mamatay ang lahat ng nasa lahi ng mandirigma at sisibol ang bagong alamat. Alamat na siyang tatatak sa isipan ng mga tao at masusulat sa kasaysayan. Magagapi ang mga anito ng bagong paniniwala at unti-unting makakalimutan ng tao ang mga diyos at diyosa. Sisibol ang bagong panahon sa kung saan hindi na muling maniniwala ang mga tao. Sisibol ang bagong lahi ng kasamaan. Magbabalik si Sitan.'"

Nakakabinging katahimikan ang nanaig sa buong silid. "Ibig bang sabihin, nakaplano ang lahat?"

Narahang tumango s Ms. Rose at si Ms. Mel. "Ang pagkakakulong ng manggagaway ang siyang naging simula. Mamatay ang lahat nasa lahi ng mandirigma— ang lahi ni Alon." Saad ni Ms. Rose. Napahawak siya sa kanyang ulo. "Unti-unting makakalimutan ang mga diyos at diyosa, gaya ng nangyayari ngayon."

"Mayroon pa bang nakasulat?"

"Mayro'n pa," sagot ni Carol. "Ang sabi pa rito, 'Sa pagdating ng panahon na limot na ang lahat, mayroong darating na isang babae na makakabasa ng lahat. Magbabago ang takbo ng alamat. Sa pagdating ng panahon na iyon, mabubuhay ang bagong mandirigma, makakalaya ang manggagaway at may isang babaeng hindi matatakot sa kamatayan. Magbubukas ang bagong siglo kung saan laganap na ang kasamaan ng mga tao. Ang mga nalalaman ay magiging katanungan at magsisimula muli ang lahat sa simula.'"

"Mayroong darating na isang babae na makakabasa ng lahat— ako iyon. Mabubuhay ang bagong mandirigma," sambit ni Carol.

"Si Zandro," mahinag wika ni MS. Mel.

"Makakalaya ang mangaggaway," bulong ko. Nararamdaman ko ang bigat ng libro sa aking kandungan. "Kapag napuno ko ang pahina ay makakalaya siya."

Agad na napailing si Ms. Rose. "Hahanap tayo ng paraan. Mayroong libro ng propesiya na nakatago sa mga libro ni Udaya. Marami pang hindi nababasa ni Carol," saad niya.

"Sino si Sitan?" Naguguluhang tanong ko.

"Si Sitan ang equivalent ni Lucifer. Mayroon siyang apat na alagad— Manggagaway, Manisilat, Mangkukulam at Hukluban." Paliwanag ni Ms. Mel.

"Kung kampon ni Sitan ang manggagaway, hindi kaya dapat na manatili siya sa libro?" Tanong ni Jake.

Inutil. Narinig kong wika ni Bunao sa isipan ko.

"Hindi sa palagay ko. Ang mangagaway na tinutukoy na kampon ni Sitan ay si Udaya. Siya ang naisulat na mangagaway sa alamat. Ang tunay na mangagaway ay ang Lakan na nakakulong sa libro. Kaya ang sabi sa propesiya, sa paglaya ang manggagaway, magbubukas ang bagong siglo." Sagot ni Carol.

"Napapanaginipan ko si Alon," wika ni Zandro na nagsalita sa unang pagkakataon buhat ng dumating ako. "Ang sabi niya, siya ang kawal ng Lakan at ang matalik na kaibigan. Palayain daw ang Lakan. Siya ang susi upang matagpuan ang ibang diyos at diyosa. At... magsanay."

"Magsanay para saan?" Tanong agad ni Jake.

Sa pakikidgma. Wika ni Bunao.

"Sa pakikidigma," mahinang wika ko. Natingin sila sa akin. "Ang sabi ng Lakan, magsanay sa pakikidigma."

"May digmaan na darating," pagpapatuloy ni Carol sa binabasa. "Ang tanging pag-asa ay ang maniwalang muli. Mga natutulog na kapangyarihan ay muling magigising. Mga naglalakad na diyos sa lupa ay dapat makilalang muli. Ang kalaban ay mapagbalak-kayo. Tanging mangagaway ang siyang makakapagturo kung sino ang totoo. Ang taga-lupa ay huwag pagkatiwalaan, hanggang sa mamili siya ng papanigan. Ang mga nalalaman ay magiging katanungan at magsisimula muli ang lahat sa simula. Hindi lahat ng nagmula sa angkan ay siyang tunay na angkan."

Napatingin kami kay Ms. Rose at Ms. Mel. "Dalawang beses ng sinabi na magsisimula muli ang lahat sa simula," wika ni Carol.

"Kasinungalingan ang lahat ng nalalaman namin kung gayon. Ang taga-bantay ay hindi taga-bantay ng Aklat ng Ada kung hindi ginamit kami upang bantayan na walang mabubuhay sa lahi ni Alon. Dahil sa oras na may mabuhay, susunod ng makakalaya ang manggagaway." Saad ni Ms. Rose.

"Hindi lahat ng nagmula sa angkan ay siyang tunay na angkan. Sigurado ka dito Carol?" Tanong ni Ms. Mel. Nakunot ang noo ni Carol at muling binasa ang nakasulat. "Mukhang hindi lahat ng nasa angkan ng Pluma ay tunay na Pluma," ani ni Ms Mel.

"Isa lang ang malinaw, kailangang makalaya ang manggagaway," wika ni Zandro.

Hindi maari. Sigaw ni Bunao. "Akin na ang panulat," wika ko.

Marikit. Magtigil ka.

"Sigurado ka ba?" Nagdadalawang isip na tanong ni Jake.

Ang taga-lupa ay huwag pagkatiwalaan, hanggang sa mamili siya ng papanigan.

"Kanino ka ba kakampi?" Bigla kong naitanong kay Jake. Lahat ay napatingin sa kanya.

"Uy, teka..." Wika niya sabay napamura. "Hindi ako ang taga-lupa na hindi dapat pagkatiwalaan. Kasama akong sumagip sa buhay ni Zandro."

"Hindi ko na alam ang totoo." Nahihiyang sagot ko.

"Kailangan nating pag-isipan ang susunod na gagawin," mungkahi ni Ms. Rose.

"Palayain ang manggagaway, iyon ang susunod." Determinadong sagot ko. Gulong-gulo kami sa mga nabasa ni Carol. Pati si Jake ay napagbintangan ko na ng dahil sa binasa niya.

"Ipagpaliban mo hanggang buhas, Marikit. Kausapin mo ang Lakan sa iyong gagawin. Kung makakalaya siya nang wala ka ay baka hindi lamang digmaan laban sa lumang diyos ng kasamaan ang magyari. Baka magunaw na ang mundo." Wika ni MS. Rose.

Nangingilid ang luha kong nagyuko ng ulo. Hindi siya papaya ngunit kung ang nakasulat ay totoo, hindi kaya ako ang babaeng hindi takot sa kamatayan? "Bukas, makakalaya ang tunay na manggagaway."

Hindi. Tumigil ka, Marikit.

"Kit, pag-isipan mo pa," wika ni Carol. Lumamlam ang kanyang mga mata hanggang mangilid ang mga luha.

"May darating na babae na hindi matatakot sa kamatayan." Sagot ko sa kanya na tuluyang ikinalaglag ng kanyang mga luha. Pabigat nang pabigat ang libro sa aking kandungan. Naririnig kong nagwawala si Bunao sa loob ng kanyang kulungan.

"Pag-isipan mo pa." Umiiyak na sagot ni Carol.

"Noong sinagip mo si Zandro, pinag-isipan mo rin ba, Carol?" Malumanay na tanong ko na ikinayuko ni Carol at ikinauga ng kanyang mga balikat. Nagpatuloy siya sap ag-iyak.

"Aalagaan ninyo ang Lakan, hindi ba?" Tiningnan ko sila isa-isa. Si Zandro ay nakatingin sa kumpol ng libro. Si Jake ay sa pintuan nakatingin habang si Ms. Rose at Ms. Mel ay nakatingin ng taimtim sa akin.

"May tiwala ako sa inyo, Ms. Rose at Ms. Mel."

The Book MakerWhere stories live. Discover now