Kabanata 5

2.5K 172 6
                                    

Iniwan ko ang libro sa bahay at nagpunta sa katabing pintuan kung nasaan ang maliit kong shop. Sanay ang mga tauhan ko na hindi ako pumapasok at sumusulpot na lang basta-basta. Dahil katabi lang naman ang bahay ko ng shop ko, alam nilang maari nilang akong tawagin kung sakaling may importante akong kailangang gawin. Mayroon akong maliit na printing shop. Kadalasan ay mga invitation sa kasal, debut at birthdays ang ginagawa namin at mga libro ng mga self published authors. Tatlo lamang ang tauhan ko dito. Isang graphic artist— si Darren, isang proof reader— si Edna at isang editor— si Maan. Tulong-tulong kaming tatlo ang printing at packaging. Ang graphic artist namin ang may hawak ng susi ng shop dahil halos dito na ito natutulog.

"Morning mga introverts." Bati ko sa kanila pagpasok ko sa opisina.

"Ma'am Kit, mayroon pong naghahanap sa inyo. Kahapon pa tumatawag. Rose raw ang pangalan taga National Library." Inabot sa akin ang maliit na papel ni Maan na may phone number na nakasulat.

"Nagtatanong tungkol sa restoration ng mga lumang libro, sabi ko magrereturn call ka na lang dahil on leave ka."

"Salamat, Maan." Pumasok ako sa maliit kong office at doon tinawagan si Miss Rose. Siya kaya ang nakausap ko sa library noong isang araw?

"Hello, good morning. P'wede po kay Ms. Rose? Si Kit Sapno po ito."

Naghintay ako ng ilang segundo para mai-transfer ang tawag ko kay Ms. Rose.

"Hello Kit, sorry to keep you waiting. I'm Rose Pluma- Gatmaitan. Ako ang chief librarian sa National Library."

"Good morning po Ma'am. Hinahanap n'yo raw po ako?"

"Ah yes, nirefer ka kasi sa akin ng isa sa professor ng Ateneo. Ikaw raw ang nagrestore ng old books nila. I was just wondering if you could help us on restoring our books too. Pero alam mo naman ang government facilities ay may budget. P'wede kayo tayong magmeeting to discuss this project?" mahabang paliwanag ni Ms. Rose sa akin.

"Kailan ka free, Ms. Kit?"

"Free po ako ngayon. Nasa shop lang ako. P'wede kayong dumaan dito anytime today para makita ang mga samples ng gawa ko." I replied. Napatingin ako sa may gawi ng pintuan. Nagdadalawang isip kung kukuhanin ko ang libro ko sa bahay para ipakita sa mga taga National Library.

"Okay, sige pupunta ako ngayon sa iyo. Isasama ko ang isa pang librarian sa history section dahil mostly ay mga books niya ang kailangan ng restoration." Sagot ni Ms. Rose.

               "Okay, Ms. Rose. Hihintayin na lang kita dito today."

               Bandang after lunch na dumating si Ms. Rose kasama ang pinsan at librarian na si Ms. Mel. Medyo nasurprise pa si Ms. Rose sa akin dahil namukhaan niya ako na nagpunta sa library the other day.

"It's nice to see you again, Kit. Anyway, siya si Ms. Mel, ang librarian sa history section. Naka leave lang siya noong nagpunta ka. Siya talaga ang nangangailangan ng tulong mo." Pagpapakilala ni Ms. Rose sa kasama. Pinakita ko ang mga samples na gawa ko sa kanila. Inilabas ko rin mula sa vault ang vintage collection ng mga libro na mayroon ako. Hindi pa nabibili dahil sa price value pero pasasaan ba at makakaipon din sila ng pambayad sa unang version ng Florante at Laura.

"Impressive," bulong ni Ms. Mel habang tinitingnan ang pagkakabind ng libro.

"Kung magkakasundo tayo sa presyo, p'wede ka ng magsimula, Kit. Kailangan lang natin ng contract at delivery notes para sa book na ilalabas for restoration." dugtong ni Ms. Mel.

               Pinaliwanag sa akin nila Ms. Rose at Ms. Mel ang procedure ng paglalabas at pagrerestore ng mga libro na kailangan nila. Ang ibang libro ay kailangang palitan ng cover at ang iba na considered na national treasure ay kailangang sa loob ng library gawin. Napagkasunduan namin na unahin ang kayang ilabas na mga libro dahil mas komportable akong gumawa sa workshop ko.

The Book MakerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum