Kabanata 23

2.2K 188 21
                                    

Nakabibinging katahimikan. Maya-maya ay isa-isang nawala ang liwanag sa silid at ang tanging ilaw na naaninag ko ay nagmumula sa kandila.

"Sa simula ng lahat mula sa himpapawid at dagat, nagmula ang buhay gayon din ang kamatayan. Sidapa, diyos ng kamatayan, taga-sundo ng mga kaluluwa, dinggin mo ang pagtawag ng isang taga-bantay. Paunlakan mo ang paanyaya na makausap ka. Sidapa, diyos ng kamatayan, kasabay na nabuhay ng mga tao sa lupa, dinggin moa ng aking kahilingan. Sidapa, diyos ng kamatayan, gabay ng mga kaluluwa patungo sa paroroonan, dinggin moa ng aking pagtawag. Tanging gabay mo ngayon ang aming kailangan hindi upang tumawid sa kabilang buhay kung hindi sumagip ng buhay ng nakakarami..."

Nagsimulang manalangin ang taga-bantay sa tahimik na silid. Ang malamlam na liwanag na nagmumula sa kandila ay biglang naging magalaw. Nararamdaman ko si Sidapa sa paligid.

"Sidapa, diyos ng kamatayan, saksi sa simula at wakas, dinggin moa ng aking pagtawag. Magpakita ka sa akin," pagpapatuloy ng taga-bantay.

Ang liwanag sa kandila ay unti-unting nawala hanggang lamunin ng dilim ang paligid. Nagsimulang lumamig ang hangin at mga iyak ng kaluluwang nagdurusa ang unti- unting narinig. Doon lamang nagsalita si Sidapa.

"Taga-bantay,"

Sa nanginginig na tinig ay sumagot si Mel, "Sidapa, patawad sa aking mapangahas na pagtawag."

"Yumuko ka lamang kung hindi mo nais makita ang kamatayan. Ano ang nais mong mangyari taga-bantay?"

"Nagsisimula ng matupad ang propesiya,"

"Ang propesiya na inyong nabasa ay wala pa sa isang guhit ng buong propesiya. Matagal ng nagsimula ang propesiya, taga-bantay. Maaring huli na nga kayo."

"Paano namin mapipigilan si Sitan?"

"Nais mong pigilan si Sitan? Ikaw ay isang kulisap sa kanyang paanan."

"Hindi ako ang makakapigil, iyon ay maliwanag sa akin ngunit paano kami uusad kung ang susi sa propesiya ay nakakulong? Pakiusap, ano ang aming gagawin upang mapakawalan ang manggagaway?"

"Magsulat, taga-bantay."

"Ngunit..."

"Ang kapalit ng buhay ay buhay. Isa kapalit ng isa. Kakayanin mo ba?"

"Ang galing sa angkan ni Udaya ay—"

"Hindi lahat ay galing sa angkan ni Udaya. Bilisan ninyo ang pagkilos bago pa isaboy ang pangalawang epidemya ni Udaya. Paalam, taga-bantay. Nawa'y pag-isipan mo ang susunod mong gagawin."

Ang hangin ay bumalik sa normal gayun din ang paghinga ni Mel. Naging tahimik na muli ang paligid at nawala na ang mga umiiyak na kaluluwa na nakapaligid kay Sidapa. Maya-maya pa ay lumiwanag na muli ang silid. Namumutla si Mel nang matapat sa aklat.

"Lakan, nariyan ka pa ba? Naririnig mo ba ako?"

"Naririnig kita ngunit ano ang silbi kung kakausapin mo ako? Hindi ako makakasagot sa inyo."

"Lalaya ka. Pangako," mahinang wika niya.

Natahimik muli ang taga-bantay. Nakatingin siya sa aking gawi ngunit parang malayo naman ang kanyang isipan. Naglalakbay sa kung saan. Pagaspas ng hangin sa labas ang aking narinig. Napatayo ako sa aking kinauupuan at muling kinabahan.

"Taga-bantay," sigaw ko ngunit nananatiling nakatulala ito.

Umihip muli ang hangin ngunit ngayon ay sa bintana. Hindi— hindi hangin ang nasa labas. Hindi hangin ang aking naririnig kung hindi mga pakpak.

"Taga-bantay!"

May kung anong tunog ang gumagapang sa bubong. Kasabay ng paghampas ng mga pakpak ng nilalang ay ang nakapangingilabot na huni ng parang ibon.

Tik-Tik-Tik

Doon parang natauhan ang taga-bantay at saka tumingala. Isang sigaw ang sunod kong narinig mula kay Mel.

"Huwag!" Huwag... huwag ang aking anak. Udaya! Papaslangin kita!

Mga nagtatakbuhang paa ang narinig ko at ang malakas na pagbukas ng pintuan sa silid.

"Ms. Mel," sigaw ni Zandro.

"Ano iyan?" sigaw ni Carol.

Hinarangan ni Mel ang katawan ni Marikit upang hindi abutin ng dila ng tiktik. Ang inutil na si Jake ay hinila ang dila ng tiktik gamit ang kamay.

"Arrgghh putang-ina," sigaw niya at agad din nabitawan ang dila na ngayon ay papataas na. "Hayop ka," sigaw ni Jake at lumiyad ang kamay na inaagusan ng dugo.

"Bakit ka nag-aapoy?" natatarantang tanong ni Carol.

"Habulin ninyo ang tiktik!" sigaw ko ngunit hindi nila ako maririnig. Natataranta silang pinapatay ang apoy sa kamay ni Jake. Pinagpapalo nila ng unan ang kamay nito at sinabuyan pa ng tubig ni Mel upang maapula lamang.

"Sabihin ninyo na panaginip lang ito? Putang-ina, ano ang nangyayari?" tanong ni Jake. "At ano itong itim sa kamay ko?"

"Uling?" hindi siguradong sagot ni Carol.

"Hindi," maikling wika ni Zandro.

Hindi ko sila nakikita dahil malayo sila sa akin. Ang tanging magagawa ko ay makinig nang makinig sa usapan at pakatitigan si Marikit na natutulog pa rin sa higaan.

"Parang tribal. Parang tattoo? Ano ito? Kamandag ng dila?"

"Teka, Jake. Huminahon ka muna. Hindi mo dapat hinila ang dila ng tiktik."

"Malay ko ba, Ms. Mel. Ano 'to? Lason ba? Tumutulay sa ugat. Ano ito?"

"Huminahon ka," sigaw ng taga-bantay. "Alam kong sala-salabat na ang nangyayari. Kanina, may hangin na nagtangay kay Udaya. Hindi ba kayo nagtaka kung saan galing? Ang apoy sa kamay mo ko kanina, ang sugat na kanina ay nariyan lamang ngunit ngayon ay nasaan na?"

"Gumagapang ang itim," wika ni Jake.

"Masakit ba?" tanong ni Carol.

"Mainit. Parang kape na kakukulo," sagot ni Jake.

"Bumabagal na, Jake." Ang sabi ni Zandro.

"Kapag ako namatay bukas, sabihin ninyo sa lola ko, nakagat ako ng pusit. Tang-ina, ang init ng kanang braso ko."

"Amihan," wika ni Carol.

Si Amihan?

"Wala pang amihan. Summer ngayon," sagot ni Jake. Inutil talaga.

"Hindi... 'yong hangin kanina. Si Amihan,"

"'Yong diwata?" nagtatakang tanong ni Zandro.

"May mga diwata pa sa paligid," sang-ayon ng taga-bantay.

"Oo na. 'Yong braso ko parang lalagnatin. Pumunta na tayo ng hospital. Ipagamot ninyo ako."

"Tumigil na, Jake." Sagot ni Carol.

"Shit," wika ni Zandro."Bakit bungong iyang lumitaw braso mo?"

Sitan! Alagad ni Sitan. "Lumayo kayo," sigaw ko. Pilit akong kumakawala sa tanikala ngunit pahigpit nang pahigpit ang kapit nito sa akin.

"Tangina, hindi ako fan ng bungo. Manong wolf na umaalulong ang nabuo," sagot ni Jake. Natahimik sila sandali."Hindi kaya may kapangyarihan din ako?" tanong ni Jake at saka tumawa.

"Jake, bakit ganyan kang tumawa? Para kang demonyo," wika ng taga-bantay.

Dahil isa siyang kampon ni Sitan. Lumayo kayo! Ilayo ninyo si Marikit.

The Book MakerWhere stories live. Discover now