Kabanata 16

2.2K 180 13
                                    

Dapat ay matakot ako. Dapat ay matakot ako habang nakatingin siya sa akin ng taimtim at unti-unti bumababa sa kama ang kanyang katawan.

"Marikit,"

Hindi ako kumibo at hinintay ang kanyang gagawin. Bakit ganoon? Wala akong maramdamang alinlangan hindi gaya nang nagdaang tatlong relasyon ko?

"Tumakbo ka na habang may kaunti pa akong pagtitimpi."

"Bakit ko gagawin?"

Parang leon si Bunao na inangkin ang labi ko sa nagbabagang mga halik. Ang kanyang kamay ay naglakbay sa aking katawan hanggang sa mahuli niya ang aking kamay at itaas sa may ulunan ko na para akong isang bihag. Nakakulong ako sa pagitan ng kanyang mga hita. Ngunit bakit nga? Bakit hindi ako makatakbo gayong iyon dapat ang aking gawin?

"Hindi mo alam ang ginagawa mo sa akin," wika niya habang ang labi ay naglalandas sa aking leeg. Napapikit ako ng tuluyan at dinama na lamang ang kakaibang kilabot na hatid niya. Kilabot na sa kanya ko lamang nadama.

"Hindi kaylan man ako sumunod sa utos ng isang babae ngunit heto ako, lumabas muli ng aklat sa isang tawag mo,"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nalulunod ako sa mga nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang isip ko ay tila naging alipin ng aking katawan at sumasang-ayon na lamang na ibigay ang lahat.

"Kay ganda," wika niya. Nagmulat ako ng aking mga mata upang masilip kung bakit nawala pansamantala ang bigat ng kanyang katawan na nakadagan sa akin kani-kanina lamang. Nawala rin ang mga kamay na naggapos sa aking bisig. Naglalakbay ang mga mata ni Bunao sa kabuuan ko na hindi ko naramdaman kung paano niya nabuksan ang blusang suot ko. Nahiya akong bigla at ninais na takpan ang hubad na katawan ngunit pinigilan niya ako.

"Masanay ka na," saad niya. "Hindi ko nais na itago mo ang iyong katawan sa akin ngunit iyong tandaan na sa akin ka lamang." Napamaang ako sa mapag-angkin niyang mga salita. Ngunit hindi ko naisatinig ang pagtutol. Bumaba muli ang mga labi niya sa aking leeg pababa sa aking dibdib at sa mga parte ng aking katawan na hindi ko na mabubuhay ng dahil sa kanyang haplos. Lahat ng daanan ng kanyang kamay ay nakasunod ang kanyang labi. Paano? Paano niyang nagawang makapasok sa aking kalasag gayong hindi ko hinayaang makahawak ang tatlong nauna maliban sa halik sa labi? Paano?

Ihip ng hangin at ang kanyang hininga ang nararamdaman ko sa aking balat. Nagsasama ang lamig at init at hindi ko alam kung alin ang una kong nararamdaman. Baka ang apoy sa aking katawan, hindi kaya?

"Huwag," mahinang wika ko nang maramdaman ko siyang bumababa ngunit hindi niya akong pinakinggan. Ang init ng kanyang hininga ay muli kong naramdaman ngunit sa pagkakataon na ito ay naisigaw ko na ang kanyang pangalan.Para akong may hinahabol na hindi ko alam kung ano. Para akong may inaabot na hindi ko maabot. Pataas ng pataas ang aking pakiramdam habang nararamdaman ko ang mapaglaro niyang dila sa aking pagkababae.

"Bunao," pagmamakaawa ko. Tuluyan akong napasigaw nang mahulog ako sa kasukdulan ng pagnanasa. Ngunit bago ako tuluyang malaglag ay naramdaman kong muli ang bigat ng kanyang katawan sa ibabaw.

"Tingnan mo ako," utos niya at ang mga mata ko ay nagmulat upang salubungin ang nagbabaga niyang tingin. "Akin ka lamang." At sa isang iglap ay lumukob ang sakit sa aking ibaba.

"Patawad ngunit masakit sa umpisa," wika ni Bunao. Nangilid ang luha ko na unti-unti pumatak sa aking mga mata. "Babawi ako," pangako niya. Unti-unti siyang gumalaw. Dahan-dahan sa simula habang ang sakit ay napalitan na ng ibang nararamdaman. Hanggang ang dahan-dahan ay bumilis na. Hayon na naman ang pakiramdam na para kang may inaabot na hindi mo alam kung ano.

"Bunao," pagmamakaawa kong muli. Ngunit hindi ako nag-iisa. Si Bunao ay sinasambit ang aking pangalan habang bumibilis ang aming pagsasayaw sa tugtugin na tanging katawan lamang namin ang may alam.

"Marikit," sigaw niya at para siyang sugatang lobo na tinatawag ang pangalan ko. Nang tumila na ang kapusukan at unti-unti ng nawawala ang init sa katawan, nahiga si Bunao sa aking tabi at niyakap ako ng pakatalikod.

"Matulog ka na,"

"Pero... kailangan nating mag-usap." Wika ko. Ang aking mga mata ay unti-unti ng hinihila ng antok.

"Hayaan mong ang puso natin ang mangusap. Sa paggising mo ay wala ako sa iyong tabi ngunit tandaan mong parati kitang nakikita at naririnig."

"Paano ka makakalaya sa aklat? Hayaan mong tulungan ka namin."

Hindi kumibo si Bunao. Ang mga mata ko ay tuluyan ng hinila ng antok.

"Ang iyong buhay ay mas mahalaga kaysa sa aking kalayaan, Marikit." Narinig ko pa ang huling sinabi niya at ang pagdampi ng kanyang labi sa akin sentido bago ako tuluyang makatulog.

***********

Hinala akong muli ng tanikala pabalik sa loob ng aklat. Sa loob ng mahigit sa limang daang taon, ni wala akong hinawakan na babae. Wala akong ginalaw dahil sa pagkamuhi ko kay Udaya. Ang tanging layunin ko ay ang hatakin sila ng magsulat. Magsulat sa libro at mapuno ito ng kanilang hinanakit sa buhay upang makalaya ako.

Ngunit dumating siya. Sa pagkakataong hindi ko inaasana, dumating si Marikit. At ang layunin kong makalaya ay napalitan ng pag-aalala sa kanyang kapakanan. Napalitan ng mas malalim pang dahilan ang naisin kong makalaya sa aklat ngunit hindi kapalit ang kanyang buhay.

Nanghihinayang akong iwanan siya habang natutulog. Tanging nagawa ko ay ang tanawin siya mula sa bintana ng pamagat ng aklat habang siya ay natutulog. Habang siya ay mahimbing na natutulog yakap ang kumot na siyang ipinangtakip ko sa kanya bago ako tuluyang lumisan.

Pagkatapos ng mahigit sa limang daang taon, nagkaroon ako ng dahilan upang lumaban. Nagkaroon ako ng dahilan upang muling... umibig. At ako ay natatakot hindi para sa sarili kung hindi para kay Marikit. Paano kung madamay siya? Paano kung malaman ni Udaya na siya ang kahinaan ko ngayon.

"Bathala, umiibig nga ba ako?" mahinang bulong ko habang nakatitig sa babaeng nagpapatibok ng mabilis sa puso ko. "Patnubayan mo si Marikit, at tatanawin kong isang malaking utang na loob ang iyong paggabay sa kanya."

The Book MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon