Kabanata 27

2K 159 8
                                    

Gaya nang mga nakakaraang araw, walang nagbago kay Marikit nang makita ko siya pagkauwi namin. Ang taga-bantay ang nagpaliwanag kay Zandro at Carol ng aming natuklasan.

"Lakan, wala ka bang magagawang paraan upang maging ligtas si Marikit dito na si Carol lamang ang kasama? Gusto ko kayong samahan sa pagpunta ninyo sa Pinatubo."

"Mas mabuting—"

"Hindi ikaw ang magdedesisyon no'n. Meron ka bang alam o wala?" marahas na tanong ni Jake.

"Mayroon ngunit kailangan ko ng mga gamit. Mahirap—"

"Anong gamit ang kailangan mo?" putol ng taga-bantay sa sinasabi ko.

"Kailangan ko ng buntot ng page, mata ng bayawak, luha ng puso ng saging, ipa ng palay na pula, kuko ng ibong maya—" Inisa-isa ko sa kanila ang kakailanganin ko para sa paggawa ng pananggalang upang hindi maamoy ng tiktik si Marikit at maitago sa may dugong itim ang bahay nila Zando.

"Tara," yaya ni Rose.

Naguguluhan akong sumunod sa kanya. Si Jake ay tahimik na sumunod sa amin.

Sa isang mataong lugar kami pumunta ni Rose at Jake. Dito ay nakasabit ang mga balat ng puno ng gugo at iba pang halamang gamot. Si Rose ay sanay sa daan at mukhang ala mang aming paroroonan. Sa dulo ng masikip na daan kami huminto at kumatok siya ng tatlo bago pumasok sa isang kulay itim na pintuan.

"Sino iyan?" tanong ng boses sa dilim.

"Si Rose, isang taga-bantay."

"Ah, taga-bantay. Bakit may kasama kang—" Hindi nito natapos ang sasabihin sapagkat bumukas ang malamlam na ilaw at tumambad sa akin ang isang matandang lalaki na mukhang nagulat sa aking anyo.

"—ang sinumpang Lakan ay tunay na nagbalik. Ano ang inyong ipinunta dito, taga-bantay? Ayaw kong madamay."

"May kailangan lamang kami," sagot ni Rose. Tinanguan ako ng taga-bantay at inulit ko sa matanda ang mga kailangan ko para sa paggawa ng pananggalang.

"Magkano?" tanong ni Rose sa nag-aalangang matanda.

"Wala akong kaliskis ng duling na isda," sagot nito.

"Magkano?" tanong muli ni Rose.

Ang malamlam na silid ay biglang nagliwanag nang mag-apoy ang kamay ni Jake.

"Waahh," natatakot na napaatras ang matanda sa sulok ng silid. "Ayaw ko ng gulo, anak ni Sitan. Kuhanin na ninyo ang inyong kailangan at umalis kayo ng hindi lumilingon."

Isinarado ni jake ang kamao at nawala ang apo. Ang taga-bantay ay tinanguan muli ako at ako na ang nanguha ng mga kailangan kong gamitin. Binuksan ko isa-isa ang mga maliliit na kahon at sinipat ang mga nakalagay sa maliliit na bote. Kinuha ko ang kailangan at ibinalik ang mga walang pakinabang. Sa pinakailalim ng mga lalagyan ay may lumang kahon na kahoy.

"Huwag," pagbabawal ng matanda. Hindi ko ito pinansin at kinuha ang kahon. Sa loob nito ay may isang itim na perlas na kasing laki ng kamao.

"Kaninong puso ito?" tanong ko sa matanda.

"Hindi ko alam," sagot niya.

Bigla akong binalot ng puot. "Uulitin ko, kaninong puso ito?"

"Hindi ko alam. Ipinatago lamang sa akin iyan," nahihintakutang sagot ng matanda.

"Tapos ka na ba, Lakan?" putol ng taga-bantay sa amin. "Tayo na?"

"Dadalin koi to at sabihin mong nasa akin kung mayroong maghahanap."

"Sandali lamang, hindi—"

"Pigilan mo ako kung iyong nais," wika ko na may pagbabanta.

Hindi kumilos ang matanda sa gilid ng silid. Inilagay ko sa sisidlan ang mga nakuha kong sangkap at iniwan namin ang silid na parang dinaanan ng... Amihan.

Sa bahay nila Zandro ay inabala ko ang sarili s apaggawa ng panangga upang maitago ang amoy ni Marikit at ang bahay sa paningin ng may dugong itim. Tamang-tama ang mga sukat na aking nakuha. Ang apoy sa panahon na ito ay hindi na mahirap gawin, sa lutuan ako nagsalang ng aking gagamitin. Habang pinapanood ako ng aking mga kasama, hindi maiwasang magbigay ng mapang-uyam na kuro-kuro ni Jake.

"Akala ko ba ay babae ang mga mangkukulam?" tanong nito.

"Mang-mang ka talaga," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Naghagis ako ng isang maliit na tuyong balat ng pakpak ng paniking puti sa ulo ni Jake at hindi nagtagal ay nangisay ito.

"Ang kati, tang-ina," wika niya habang si Zandro at Rose naman ay hinahanap ang nangangagat kay Jake.

"Mabuti at hindi sa dila mo nailagay."

"Lakan, para kayong bata." Natawa ako ng bahagya kay Zandro.

"Alisin moa ng ginawa mo," ani ni Rose.

"Mamaya, pagbalik ko."

Dala-dala ko ang pinakulong sangkap ay lumabas ako ng bahay nila Zandro at dinasalan ang lupa. Nagsaboy ako ng asin kasama ang kabal na nagawa ko. Maingat kong binuhusan lahat ng sulok ng bahay ni Zandro hanggang sa maikot ko ang buong kabahayan niya. Pumasok ako sa loob ng bahay at naroon sila na hinahanap ang nagpapakati kay Jake. Namumula na ito malamang ay sa galit. Lumapit ako sa kanila at kinapa ang ulo niya. Inalis ko ang kaninang inihagis ko sa ulo niya.

"Sa susunod ay itikom moa ng bunganga mo. Iyana ng magpapahamak sa iyo." Humarap ako kay Zandro at hindi na pinansin si Jake na masama ang tingin sa akin. "Aalis tayo maya-maya. Ang bahay ay ligtas na."

Tumango siya sa akin. Buo na ang pasya nila, aalis kami bago magbukang liwayway. Ngunit bago ako tuluyang pumanik ng hagdanan ay naramdaman ko si Sidapa sa paligid. May mawawala ba?

Napatingin akong muli kay Jake, Rose at Zandro. Tahimik silang umiinom ng mainik na kape. Nakatulala sa kawalan. Hindi ramdam ang diyos ng kamatayan. 

The Book MakerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα