EPILOGUE

11.6K 177 12
                                    

"Finally!" Leila mouthed while I'm walking into the center aisle.

I smiled at her. Siya yung kasama ko nung una kong malaman na buntis ako. And I thanked her because she respects my decision kahit na nagpadalos dalos din ako noon.

Napabuntong hininga ako at napangiti. Napatingin din ako kay Ms. Margaret na naluluha habang nakatingin sakin. Naalala ko nung tinulungan niya ko sa panganganak ko. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong niya. And I found out na ang bigboss pala namin talaga ay si Sergio. Siya talaga ang nagpapaikot samin. Napairap na lang ako sa harapan kung saan siya nakatayo.

He's smiling from ear to ear and I see my baby Craig playing his bowtie habang karga ni Sergio. I watched them, napakagaan sa loob. Bagay na bagay silang mag ama.

Napakaswerte ko na rin ata. Dahil sa hinaba haba ng kaganapan sa buhay ko, na halos ikamatay ko. Dito rin ako babagsak. Sa kanya.

"Pwede ka pa mag backout, babe" napadaing si George ng siniko siya ni sergio sa sikmura. Nagtawanan naman yung taong nakarinig sa kanya. Napangiti na lang ako sa kanya.

Agad naman ako hinila ni Sergio at inalalayan palapit kay father. Natapos na ang seremonya at..

"You may now kiss the bride" Tinaas niya yung suot kong belo at hinalikan sa noo, tungki ng aking ilong at sa labi.

Narinig ko yung hiyawan ng tao ng halos isang minuto na kaming naghahalikan sa harapan. Kung di lang tumikhim si father ay di pa ata titigil 'to si Sergio.

"Pwede niyo ng ituloy sa honeymoon niyo yan!" Narinig kong sigaw ni George. Namula yung mukha at narinig kong natawa si Sergio.

"Are you ready, hon?" Nakita ko yung ngisi niya kaya nanlaki ang mata ko ng binuhat niya ng bridal style saka tinakbo palabas ng simbahan.

Rinig ko yung sigawan at tawanan ng mga kamag anak namin. Natawa ako ng natalisod den sya sa gown ko buti na lang nakabalanse siya.

5 years passed...

"Craig tawagin mo na yung mga kapatid mo. Kakain na." Magsasalo kami para salubungin ang bagong taon.

Ang siba din ni Sergio at sinulit ata yung ilang taon naming di pagsasama. Dahil sa loob ng limang taon, nakabuo kami ng tatlo. At mayroon pang kasunod na nasa sinapupunan ko.

Walangya talaga. Pinahirapan niya ko ng ilang taon. Tapos papahirapan niya ren pala ako pag naging asawa ko na siya.

"Hon, sabi ko wag ka na masyado maggagalaw. Maselan yang pagbubuntis mo ngayon." Lumapit siya sakin saka inagaw yung mga plato sa kamay ko.

"Aba! Taon taon ba naman kasi di mo ko tinantanan. Pudpud na nga ata matris ko." Napahagalpak siya ng tawa kaya hinampas ko sya sa braso.

"The more the merrier, hon." Hinalikan niya ko sa noo saka inalalayan ako sa pag upo sa silya. Ito ang gusto ko sa kanya. Simpleng bagay napakagentle niya sakin. Halos di niya na nga ako pinapagawa ng mga gawaing bahay dito samin eh. Paano ba naman kasi lagi may laman 'tong tiyan ko.

"Hon, may pupunta pala dito mamaya." Napatingin ako sa kanya habang sinusubuan yung isang taon naming anak na si Therese.

"Sino?" Tanong ko.

"You'll see." Nagkibit balikat na lang ako. Baka sila Leila lang tsaka si George kasi sila naman lagi napunta dito.

"Thea! Beeeees!" Napahawak ako sa tenga ng marinig ang napakatinis na boses ni Leila.

Pumasok siya at kasama niya si George sa sala. Lumapit siya sakin at niyakao ganun din si George at hinalikan ako sa pisngi.

"Thea" napatingin ulit ako sa pinto ng makita ko sila Argus na papasok. Nanlaki yung mata ko.

Napatayo ako saka lumapit sa kanila. Niyakap ko si Argus pero may kamay na pumigil sa braso ko.

"Pumayag ako na pumunta sila dito pero hindi ibig sabihin non pwede na kayo magyakapan sa harap ko." Madilim na sabi ni Sergio na kinatawa namin.

Napatingin ako sa kanila. Andito si Reese tsaka Driex. Nakangiti sila lahat sakin. Naiiyak ako. Hays. Ayoko na magbuntis.

Nagkakasalo salo kami sa hapag kainan. Naghihintay ng alas dose. Sabi kasi nila dito sa magbabagong taon kasama ako. Dahil ilalayo na daw ako ni Sergio sa kanila. Napatawa naman ako don.

"Hon, may naghihintay sayo sa sala." Bulong sakin ni Sergio. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sakin. Inabot ko sa kanya si baby therese saka nagpaalam muna sa kanila.

Nagpunta ako sa sala at may nakitang dalawang matanda na nakaupo sa couch.

Tumikhim ako kaya napalingon sila sakin. Rumehistro ang gulat sa mukha nila. Na kahit ako ay nagulat dahil ang laki ng pagkakahawig namin sa isa't-isa. Malaki na ang suspetya ko pero ayoko muna umasa.

Nagkakatitigan lang kaming tatlo habang may tumutulong luha sa pisngi nila. Lumapit sakin yung matandang babae at niyakap ako.

"Thea.. Thea ang pangalan mo iha diba?" Naiyak siya habang nakatingin sa mga mata ko. Hawak niya yung kamay ko. Tumango ako sa kanya.

Niyakap niya ko muli. "Patawarin mo ko, anak" napatigil ako. Hindi ako makahinga. Totoo na ba 'to? Tumingin ako sa matandang lalaki. Nagpupunas din siya ng luha.

Hinila niya ko paupo sa couch. Nakatingin lang sila parehas sakin. Sa huli ay natawa yung matandang babae.

"Alam kong naguguluhan ka. Patawarin mo kami, iha. Ako si Loudes at siya si Enteng. Kami yung totoo mong mga magulang." Tumigil ito saka tinitigan ako.

"Napakaganda mo anak." Lumuluha nanaman siya. Di ko alam ano ang magiging reaksyon ko. Pero kusa ng tumula yung luha sa pisngi ko.

"Bakit ngayon lang po kayo?" Yumuko sila saka hinawakan ako sa kamay.

"Patawarin mo kami kung ngayon lang kami nagpakita sa iyo. Gipit na gipit kami. Nalubog kami sa utang dahil sa sugal. Pero tinigil na namin yon. Naisip namin na natanda na kami. Hindi na kami mga bata. At may isa kaming kasalanan na dapat naming ituwid. Bago man lang kami mamatay." Napahagulgol na ko ng iyak. Lumapit siya sakin saka niyakap ako.

Kinwento niya sakin-- ni mama lahat ng nangyari sa kanila nung pinagbubuntis pa labg niya ako hanggang sa pinaampon niya ako.

"Patawarin mo kami, anak. Kung nagawa namin sa iyo yon. Ang tagal ka namin hinanap. Nagbabaka sakali kami dun sa bahay ng dati naming amo. Kung saan ka namin pinaampon. Pero wala na kayo don. Dati abot tanaw pa kita pero bigla na lang kayo naglaho bigla. Lumipat na pala kayo sa siyudad. Anak, wala kaming magawa nung kinakailangan mo ng tulong. Wala kaming magawa dahil mas pipiliin namin na mabuhay ka kesa magdusa ka." Umiling ako sakanila. Naiintindihan ko naman lahat. Sino ba naman ako para di magpatawad diba? Magulang ko pa din sila.

Lumapit ako sa kanila saka niyakap sila parehas.

Nakita ko sila Sergio, George, Leila tsaka sila Argus sa may pintuan sa hapag kainan nakatingin samin. Nginitian ko sila.

Nagulat ako ng biglang may sumabog sa labas.

"Hala! Bagong taon na! Halika manood tayo ng firework display sa labas" Masayang wika ni Leila samin saka nagmamadaling lumapit sa Veranda.

Lumabas din kami para panoorin yung mga fireworks. Napangiti ako saka napatingin sa langit.

Lord, kung lahat ng pagdurusa na nangyari sakin dati ito yung kapalit. Hindi po ako nagsisisi na nangyari lahat yon. Thank you, Lord.

Napatingin ako sa kanila na masayang nanonood ng mga pailaw. Naghahampasan din ng mga kaserola sila Reese tsaka George.

Nakita ko sila Nanay Lourdes tsaka tatay Enteng na buhat buhat sila Therese, Rain tsaka Serge. Andun din si Craig na masayang nilalaro yung mga kapatid niya habang nanonood.

May braso na pumulupot sa bewang ko. "Thank you for everything and sa second chance, hon." Hinalikan niya ko sa noo.

"Thank you rin sa pagbuo ng pamilya ko. I love you, Mr. Zalbeda." Niyakap ko siya ng mahigpit at kasabay nun ang sabay sabay na pagsabog ng maiilaw at makukulay sa langit.

"I love you more, Mrs. Zalbeda"

-End

Zalbeda's Baby (Completed)Where stories live. Discover now