Chapter 37

9.7K 175 12
                                    

"Mama!" Nakita kong natakbo papalapit sakin si Craig. Napangiti ako saka binuhat siya.

"Baby! I miss you." I kissed him on his cheek then kiniliti ko siya. Tawa siya ng tawa.

After he laugh, nag-fefade yung mukha niya. Napakunot ang noo ko. Biglang nawala siya sa kamay ko.

"Baby!" Luminga-linga ako baka sakaling nasa paligid siya. Pero puro liwanag na walang katapusan lang ang nakikita ko.

Nanginginig ang kamay na naglakad ako palapit sa isang kama? Shocked was written on my face. Sh*t. I am dreaming. This is not true!

Tumakbo ako palayo. Hindi 'to totoo! Agad na nagbago ang paligid. I only see is me. Only me. Napahawak ako sa isang salamin pero tumagos lang ito. Napaatras ako at nabunggo ko ang isang ako. They're staring at me confused.

Pinikit ko ang mga mata ko baka sakaling magising na ko. Pero pagdilat ko nakita ko ay isang bangin. Agad na napaatras ako dahil nalula ako. Nanginig ang mga tuhod ko ng nasa tuktok ako ng bangin. Napaluhod ako sa takot. Nanikip ang dibdib ko, kinakapos ako sa paghinga. Pero hindi pwede 'to.

It's all fake! I am dreaming!

Pinikit ko muli ang mga mata ko. Pagdilat ko nasa ilalim ako ng dagat. Kinakapos pa din ako sa paghinga. I tried to stop breathing. Dahil nalulunod na ko. I can't swim. Nakatali ang mga paa ko sa bakal. Napahawak ako sa leeg ko, am I dying?

I closed my eyes again. Darkness. This is not true. I am dreaming.

Napaupo ako. Nasaan ako? Nilibot ko ang paningin ko. Nanginginig pa din ako sa takot. Fear. It was all my fear. Napahawak ako sa dibdib ko, dahil hirap pa din ako makahinga. Nanlalambot na tinanggal ko ang hose na nakakabit sa braso ko.

Tumayo ako pero agad ring bumagsak. Nahihilo ako. Pero hindi ako pwede magpatalo. Kailangan ko makalabas dito.

Kahit na masakit pilit kong itinayo ang mga paa ko. Sh*t lang. Ano ba yung tinurok sakin ni Reese? Speaking of Reese. Napangiti ako ng mapakla. Siya pala. I trusted him so much.

Binuksan ko yung pinto, hindi naka-lock.

Walang tao sa labas, kumapit ako sa dingding para di tumumba. Nakakapagtakang walang tao dito.

Maingat akong naglakad palabas. Nahanap ko din ang pintuan palabas. Nakakapagtaka lang na walang mga bantay. Tumigil ako saka luminga-linga. Ano nangyayari? Nasa panaginip pa din ba ako?

Walang mga tao. Ako lang mag-isa. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga.

Hindi 'to totoo. Pero bakit? Nagising naman na ako ha? Sh*t. Napahawak ako sa noo ko dahil may tumutulong dugo dito. Napasinghap ako. D-dugo?

Lumapit ako sa isang window glass. Nakita ko ang reflection ko, sh*t. May tama ako ng baril sa ulo. Tumingala ako para tingnan kung ano ang nangyayari. Ako lang talaga ang mag-isa. Nasaan ba ako?! Damn!

Bumibilis ang tibok ng puso ko. And I heard someone.

"Boss, nabilis yung heartbeat niya."

"Boss, hindi pwede."

"Ituloy niyo lang."  Reese?

"R-reese.." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobra sobra na ang tibok ng puso ko. Napaluhod na ko sa sahig.

Kailangan ko magising. Nakakita ako ng bakal sa gilid. Bahala na. Pero kailangan ko magising. Inabot ko yun saka sinaksak sa tiyan ko.

"Aaaaaaaaaahhhhhhh!" Biglang nanlabo ang mga mata ko.

"Ano nangyari?!"

"Boss sinaksak niya ang sarili niya."

Panaginip lang 'to. Unti-unting pumikit ang mata ko.

"Boss bumabagal na yung heartbeat niya."

"Pigilan niyo ang pagdudugo ng sugat!"

"Boss, nawawala yung gamot sa katawan niya."

"Turukan niyo ulit siya! Kailangang mawalan siya ng malay! sh*t"

"R-reese ..." Dinilat ko paunti-unti yung mata ko hanggang sa nakita ko ang mukha ng taong nakasuot ng lab gown. Napangiti ako ng mapakla.

Totoo na 'to.

"Boss, pag tinuloy naten 'to. Baka di kayanin ng puso niya. Kailangan natin siyang pagpahingahin. And we need to rest too. 24 hrs na tayo dito." Narinig kong sabi ng naka-lab gown.

"I don't care. We need that f*cking formula right now and then. Kung hindi niya kayanin, wala akong pakialam." Tumulo yung luha ko. Hindi sa galit kundi sa lungkot. Ibang-iba siya sa Reese na nakilala ko.

Pilit kong inabot ko ang mga kamay niya. Naramdaman ko na nagulat siya.

"I-it's o-okay if I d-die t-then d-do it n-now." Hindi ko alam kung narinig niya ba. Pero nararamdaman kong nandirito pa rin yung Reese na kaibigan ko.

Wala na ren naman ako patutunguhan. Pumikit muli ako at naramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa balat ko. Sh*t. Naiiyak ako.

Sana makita ko man lang anak ko. Kahit saglit lang. Kahit na makita ko lang na okay siya.

Dumilat muli ako. "R-reese .. c-can I a-ask you a f-favor?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Pag h-hindi na ko n-nagising. P-pwede bang p-payakap ang a-anak ko? At p-pakisabi na m-mahal na mahal ko s-siya. I t-trust you, R-reese. Ughhh." Napapikit na ulit ako dahil sa sakit ng katawan ko. Bumibilis na ulit ang tibok ng puso ko.

Nabitawan ko na yung kamay ni Reese saka nandilim na ang paningin ko.

*********************

Hays. Sabog pa den. Sorry. :( HAHAHAHAHA

Zalbeda's Baby (Completed)Where stories live. Discover now