Chapter 24

14.7K 293 20
                                    

Somebody tell me what's going on?

Nagkaroon ng bilog kung saan nakapalibot lahat ng gangsters. Argus stood up and also his mates. Okay? What now? Akala ko masquerade ball 'to?

"The rule is there's no rules. It's all about life and death. If you want to live, kill your opponent. The match will not end if both of you are alive. Kill him then you won." May nagsalita sa stage. It's one of the mafia members. Andun din sila Sergio at George. Their face hide by mask so no one can knew their faces. Bakit parang iba ang pakiramdam ko?

"Huwag mong sabihing babali kayo dyan?" I asked Argus. He just glanced at me. Life and death? Ano ba 'tong pinasok ko?

"I'll drive you home. Come on." He said calmly.

"Then what babalik ka dito at makikipaglaban?" I almost shout.

"Hindi mo pwedeng makita kung paano maging halimaw ang mga tao dito. Kaya kailangan mo na umuwi" Napailing-iling ako .

"You didn't answer my question. Narinig mo ba yung sinabi kanina? Hindi matatapos ang laban hangga't walang napapatay. Sige nga. Ano?" He frustratedly mess his hair.

"Ito kami Thea!" He shout. Napatahimik ako. Oo nga pala, they're all gangsters here. What should I expect to him?

"Paano pag napatay ka? Paano na ako?" Mahinang tanong ko. Pero huli na, narinig niya na. Fvck. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Nakaawang yung labi niya habang nakatingin sakin.

"I mean, paano na yung deal? Nagawa ko na yung akin! Paano na yung pinangako mo?!" Shocks. Tama ba yung dahilan ko?

"I'm not going to die. I promise." He said. And in one snap, he hug me.

"What are you doing to me, Thea?"

Narinig na lang namin na tinawag na yung pangalan ng gang nila. Pumunta na sila sa bilog.

Lumingon muna siya sakin saka pumasok na sa loob ng bilog. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Napatingin ako sa stage kung saan nakapwesto ang Mafia. He's staring at me.

Dito pag nagtanggal ka ng maskara. Makikilala ka na nila. Kaya pala kahit sino wala pang nagtatanggal. Kasi pag tinanggal mo, hahabulin ka ni Kamatayan.

Pero parang mas di ko kaya mapanood ang ganito. Tumalikod na ko at tinanggal ang maskara ko. Bago ako makalabas ng pintuan, lumingon muna ako. Sergio stood up and he's looking at me.

I should trust Argus this time. He promise so I should keep it. Kailangan ko pa siya para makuha ang anak ko.

Tanga lang talaga ako. Saan ako nito pupunta? Uuwi na ba ako agad sa mansyon ni Argus. Kaso nasusuffocate na ko dun. I need to breath. Paano pag... Paano pag napatay pala sila? Mas masakit yung maghintay tapos wala naman na pala yung babalik sayo.

May malapit na park dito. Nakita ko nung dumaan kami.

Pumunta ako sa playground at umupo sa swing. Ang kailangan ko lang naman makuha ang anak ko pero ang dami ko nang napasukan na kung anu-ano. Ultimo si Kamatayan nagpapakilala na sa akin.

"Why are you with him?" Napaigtad ako ng may marinig akong boses mula sa likod ko.

"Don't move. Just answer my question." Kahit di naman ako lumingon at tingnan kung sino siya. Kilala ko na siya. Boses pa lang at ang amoy niya, sauladong-saulado ko na.

"You are using him against to me." Kinakagat ko na yung labi ko kasi naiiyak ako. Yung tono niya kasi, sobrang hinahon. Siya yung Sergio na kilala ko. At natatakot ako na baka bumalik siya sa isang halimaw.

"Because if not, I don't care if I lose it." Napaangat ako ng ulo.

"W-wh" Magsasalita pa lang sana ako ng maramdaman kong wala na siya sa likod ko. Nasa malayo na siya. Napatayo ako, hahabulin ko sana siya kaso ayaw kumusa ng mga paa ko.

Ano ba Sergio? Nahihirapan na ko.

********************

A.N.

Guys! Sorry po sa mabagal na update. Susubukan at susubukan ko pa din po every week. thank you. :*

Zalbeda's Baby (Completed)Where stories live. Discover now