Chapter 45

8.4K 117 15
                                    

"Sergio! Ano nanamang kalokohan 'to?" Tatlong linggo na ang nakakalipas nung nadischarged ako sa ospital. Almost one month din akong nasa hospital dahil hindi pa din maayos yung vitals ko. Lintsak na matandang Zalbeda na yun! Kung anu-ano yata ang tinurok sakin.

"Just fvcking signed that. Anong problema ba dun?" Frustrated na sabi nito. Binigyan kasi ako nito ng isang makapal na folder. Myghad! As if na mababasa ko lahat 'to in just 5 mins. Yun kasi ang kondisyones niya kaya di pa ko nag-iistart magbasa.

"Bakit ba ayaw mo na lang sabihin sakin ang summary nito?! Mamaya kung anong kontrata pa to at magkautang pa ko sa'yo!" Singhal ko sa kanya at sumandal sa couch. Nasa office niya kasi kami at nagbabangayan. Pumasok na nga yung secretary niya kasi kanina pa kami nagsisigawan. Tinanong kung okay lang kami kaso nabuntunan lang namin siya ng galit. Gigil na gigil na ko sa lalaking 'to!

"Magsasign lang naman. Anong problema dun?" Sumandal na din 'to sa swivel chair niya. Napagod kami sa isa't isa sa kababangayan. Nagdaan ang mahabang katahimikan. Ako na sana ang tatapos kaso naunahan niya ko.

"Sa bahay ko na muna titira si Craig." Nanlaki ang mata ko at padabog na hinampas ang mesa niya.

"G*go ka ba! Anak ko yata ang pinag uusapan natin dito. Bakit nilalayo mo nanaman siya?!" Sa sobrang galit ko, may tumulong luha na sa mata ko. Agad ko 'tong pinunasan ng makita kong nakatingin din dito si Sergio. Akala ko tapos na. Akala ko okay na.

"That's why I told you to sign this." Mababa na ang boses ang gamit nito.

"Ano ba kasi ang nakasulat diyan?! Ilalayo mo sakin si Craig pagkapirma ko diyan no? Tapos mananalo ka kapag nagsampa ako ng kaso kasi dehado ako dahil may pruweba kang yan! Tapos di ko na makikita si----" Halos malasahan ko ang luhang kanina pa pumapatak mula sa mata ko ng bigla niya kong halikan sa labi.

"I almost lose you, Thea. Hindi na ko papayag na magkahiwa-hiwalay pa tayo, okay?" Pinunasan niya yung luha ko sa mata pero traydor lang kasi mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko.

"Sh*t. Why are you crying? Shhh. A-Ayaw m-mo ba na mabuo ulit tayo? Isang pamilya?" Hirap na sabi nito. Napayuko ako at may kung anong pagtalbog sa aking dibdib ang naramdaman.

"Pinaglololoko mo ba ko Sergio?!" Sigaw ko sa kanya.

"I'm d*mn serious, Thea!" Sabi nito.

Agad akong napaiwas sa pagkakatitig sa kanya. Para akong nahuhulog sa bangin. Nakakatakot. Napahawak ako sa dibdib ko. Malakas ang pintig nito.

"Sergio, may kanya-kanya na tayong buhay." Halos pabulong kong sagot.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Gusto kong hawakan at hilatin ang nakakunot niyang noo. Those eyes na matagal kong tinititigan sa tuwing magkasama kami noon.

"Okay. If that's your decision. But my son will stay in my house." Halos masabunutan ko ang buhok ko sa frustration. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?!

"Sergio, I know na mabibigay mo lahat ng pangangailangan ni Craig. But, I'm his mother! You can't take him away from me." Nasigaw na naman ako. Ang sakit sakit na ng lalamunan ko.

Eh ano ba naman kasi ang pinuputok ng butsi mo? Gusto na nga mabuo kayo tapos nag iinarte ka pa.

Napaupo na lang ako at napayuko. Natatakot na kasi ulit ako na maramdaman ulit yung sakit.

Bakit di mo itry?

Nababaliw na ko. Kausap ko na yung sarili ko.

"So, Shall I call my attorney to open this case para makuha ko na yung anak ko at tumira sa bahay natin?" Napatingin ako sa kanya.

Napailing ako.

"Give me some time to decide, Sergio. Please." Napahawak na ko sa mukha ko at napahagulgol. Di ko na yata kayang mawala ulit sakin ang anak ko.

"Bumalik ka lang sakin, Thea. That's all you need para matapos na 'to. I just want to be with you and Craig. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko." Nakita ko yung pagpatak ng luha galing sa mata nya.

"Ganun na ba ako kasama for you to think na gusto kong ilayo sayo ang anak natin?" Alinlangan syang tumawa habang napatak yung luha sa pisngi nya.

"Napakasama ko na bang tatay at asawa sayo? Napakag*go ko na!" Sinuntok nya yung pader sa likod nya. Nakita ko na nagdugo yung kamay nya kaya napahawak ako sa bibig ko.

Gusto niyang mabuo ang pamilya namin. Gusto nyang makabawi samin.

Napahawak ako sa sintido ko at pilit na iniisip ang kapakanan ng anak namin. Ayoko din na lumaki syang walang ama. Ayoko na ipagkait sa kanya yon.

Napaka selfish ko kung ilalayo ko din sa kanya yung ama niya.

"Thea, I'm still inlove with you." Napatingin ako sa likod niya kasi nakaharap pa din siya sa pader kung sya sumuntok.

Humarap siya sakin and nakita ko yung pagbabago sa hitsura niya. Namumula yung mata niya habang yung buhok niya nakasabog sa noo niya.

"Di mo na ba ko mahal? Thea? Is there someone na pumalit na sakin sa puso mo? Of course meron na kasi napakag*go ko. Di kita pinaglaban." He's crying and I hate to see those tears. Sh*t

Di ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanya. Hinawakan ko sya sa pisngi at pinunasan yung luha niya. He kissed my hand and sincerely look at me.

"Wala na ba akong espasyo sa puso mo?" I cried.

I kissed him and he answered my kisses. Napatigil kami habol ang hangin ng isa't isa.

"Nasagot ko na ba yung tanong mo?" I close my eyes and sinandal ko ang noo ko sa kanya.

Hinawakan niya ko sa pisngi at nakita ko yung malawak niyang ngiti.

"Thank you and i'm sorry for everything." He looked at me na parang ako lang ang tao sa mundo. Na kami lang daw na magkasama.

Gumanti ako ng ngiti at niyakap siya. Niyakap niya ren ako pabalik at ramdam ko yung higpit na parang di na ko makakaalis pa.

I think it's time para mabuo na ulit kaming pamilya.

---------

Hi guys! I know na sobrang late na neto. Grabe natatawa na nga lang ako habang nagsusulat pa. Hahaha! Sorry na, ngayon lang ulit ako nagbalik loob. And gusto ko na talaga to matapos since last chapter na yung next which is the epilogue. So yuuun, thank you sa naghintay. Matatapos natin 'to dahil end na ng 2019. Charr. Hahaha! Thank you guys! Godbless!

Zalbeda's Baby (Completed)Where stories live. Discover now