Chapter 2: Baby Craig

24.6K 473 8
                                    

"Congrats Thea! Ang cute ng baby mo." 4 months na ang nakakalipas at nakapanganak na nga ako. Pasalamat ako at normal lang ang delivery ko. Kasi kung CS? Nakakahiya kay Ms. Margaret.

"I'll give you one year vacation para makapagpahinga ka. At para maalagaan mo muna ang baby mo." One year? Wait. Ang tagal naman ata? Baka maubusan ako ng pangtustos sa baby ko.

"Don't worry about your expenses. Ako na ang bahala. Bayaran mo na lang ako pag nakapagtrabaho ka na ulit. May increase pala sa salary mo since iba na ang branch na papasukan mo." Nagpasalamat ako kay Ms. Margaret at nagpaalam na rin siya kasi may pupuntahan pa raw siyang kaibigan.

Before I gave birth, lumipat na ko sa condong binigay ni Ms. Margaret. Napaka-manly nang design niya kaya nagtaka ako. Sabi naman niya, kakabili niya lang daw nito. Baka lalaki nga ang may-ari nito dati.

Nilubus-lubos na ni Ms. Margaret ang pagbili sa gamit ng anak ko. Nakakahiya na nga eh. Boy ang baby ko kaya halos blue ang gamit niya.

Sa tingin ko tataba ako nito dahil tengga ako ng isang taon. Kami lang ni Baby lagi ang magkasama araw-araw dito sa Condo. Nagtataka pa din talaga ako kay Ms. Margaret. Bihira lang sa isang boss na maggastos ng ganitong kalaki para sa empleyado niya. Ilang beses ko na siyang tinanong dito, pero isa lang ang sagot niya "Mabait kasi ako." Tapos tatawanan niya na ko. Parang nakakaloko lang eh no? Well, kahit kasi na boss ko siya hindi niya pinaramdam sakin ang pagiging empleyado. Sabi niya nga sakin "Kapatid na turing ko sayo kaya shut-up ka na okay?" Diba? Napakabait.

Narinig kong umiiya si Baby kaya kinarga ko muna siya at hinele. Alam niyo ba ang features ng anak ko? Manang-mana sa ama. Siguro dahil sa konsumisyon ko sa kanya nung nagbubuntis pa ko kaya sa kanya lahat nakuha ang features ng bata. Labi ko lang ata nakuha niya sakin eh.

Habang tinitingnan ko yung Baby ko, naalala ko yung pamilya at kaibigan na iniwan ko dati. Kumusta na kaya si Leila? Last thing I heard about my parents, sa US na sila naninirahan.

Siguro pag nakaipon ako, bibili ako ng bahay para may matirhan kami ni Baby. Ipapangako kong ibibigay ko lahat ng pangangailangan ng anak ko at pagmamahal ng isang ama at ina.

One year passed..

"Baby! Wag kang malikot." Bata talaga oh. Nagtatalon-talon ba naman sa stroller niya? Paano pag tumaob siya dun? Nagluluto kasi ako para sa tanghalian namin.

At bilang isang masunurin na anak, tumigil naman siya. Napailing na talaga ako, para kasi siyang Little Sergio Zalbeda, his father. Ayoko na sana siyang alalahanin pero pag nakikita ko ang anak ko, naaalala ko siya. That jerk. After I lost my virginity to him, iningatan ko yun sa isang taon naming pagsasama and naisipan kong ibigay na regalo ko sa kanya yun nung birthday niya. Then after 1 week, I heard that he has a fiance and it's not me. Grabe yung pagkakasira ko sa sarili ko that time.

Bukas na pala ang balik ko sa trabaho and about my Baby Craig, I hired a babysitter for him.

Sabi ni Ms. Margaret, I will be a Manager-in charge while Ms. Margaret is not around in the Makati branch. She said na 2nd to the largest branch daw yung nasa Makati, the main branch is nasa Laguna also the biggest factory.

"Hello? Ms. Margaret? Yes, Maam. Tomorrow po. I'll be there at 8:00 am. Yes po. Thanks Maam." So wala pala si Ms. Margaret bukas pero may mag-aassist daw sakin doon. 

"Baby, tomorrow pakabait ka sa bagong mag-aalaga sayo ha? Wag ka pasaway ha?" Ngumiti lang siya saka nginatngat yung laruan niya. I know that smile, napakasutil talaga ng bata na 'to. Sana magtagal yung 3rd babysitter niya.

************

"Ma'am, opo. Kakayanin ko po. Tingin ko mabait naman po si Baby Craig eh." Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. Nagpaalam na rin ako at sumakay sa kotse. Pinahiram ako ng kotse ng company and marunong naman ako mag-drive.

"Good morning, Ma'am." Bati sakin ng guard.

"Good morning po. I'm looking to Ms. Sanchez." I asked.

Nanlaki ang mata niya saka napanganga. "Kayo po ang bagong manager? Naku po pasensya na po. Wait lang po. Tatawagin ko po si Ms. Sanchez." Taranta niyang sabi.

"Maam! Naku po. Pasensya na po. Tara po. Itu-tour ko po muna kayo." Taranta ring sabi ng babaeng papalapit sakin. So I think she's Ms. Sanchez. Ngumiti lang ako saka sumunod sa kanya. I said na it's okay lang kasi hindi naman talaga ako naghintay ng matagal. Hindi ko ba alam bakit sila natataranta sa pag-assist sakin, nahihiya tuloy ako kasi di naman talaga ako ang manager.

"I'll tour you first maam to the--" I stopped her.

"Stop calling Ma'am and saying po and opo to me." Napanganga siya sa sinabi ko kaya napangiwi ako. May masama ba sa sinabi ko? Hindi kasi ako sanay. Nilipat lang naman ako ni Ms. Margaret kasi kailangan niya ng taga-pamahala sa branch na 'to habang wala siya.

"Ma'am sorry po pero yun ang kabilin-bilinan samin." Yumuko siya sakin.

Napabuntong-hininga ako. "Wala naman nakakarinig eh. Kaya okay lang sakin kahit hindi mo na ako i-Ma'am" Ngumiti lang siya sakin saka nagpatuloy na kami maglakad. Pinuntahan namin ang cashier tapos ang kitchen then last eh yung office ko na raw.

"If you need anything Ma'am este Thea, just call me in this number po that is my local line. Nasa labas lang po ako." nagpasalamat ako saka siya diretsong lumabas ng office.

Inayos ko na ang gamit ko sa desk. My picture and Baby Craig's pictures, this is my first day working without him. I already missed him.

This will be a tiring day...


PS: Done editing [Author, 2.25.22]

Zalbeda's Baby (Completed)Where stories live. Discover now