Chapter 7: Act

18.5K 373 5
                                    


Nakarating kami sa mansyon ng Zalbeda at hanggang ngayon ay hindi pa rin napasok sa utak ko na makikita ko ulit ang pamilyang Zalbeda. Lalo na si Sergio..

"Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko kay George. Dahil hindi maganda ang huli kong punta rito kaya parang hindi ako makahinga ng ayos.

"Gusto ka makita ni Papa." Napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sakin at may binulong.

"Sir George, napadalaw po kayo. Nandoon po ang Don sa kwarto niya. Tawagin ko ho ba?" Sinalubong kami ni Manang Cecil, napatingin siya sa gawi ko at napaawang ang bibig niya. Ngumiti ako sa kanya kaya napangiti rin siya sakin.

"Sige po Manang saka pasabi na rin po may bisita siya at may sasabihin na rin po ako." Tumingin muna sakin si Manang saka tumango at pumunta sa kwarto ni Don.

"Hoy George. Tigilan mo na ko. Ayaw ko madawit sa ganito. Tsaka ang sama naman na tinuhog ko kayong dalawa ng kapatid mo!" Mahinang singhal ko sa kanya. Gusto niya kasing magpanggap daw ako na girlfriend niya para hindi siya ipakasal sa anak ng family friend ng Don. Pero imposible talaga ang gusto niyang mangyari!

"Hindi mo matatakasan ang gusto ng Don, tandaan mo yan George! Kaya tama na 'to." Patayo na ko ng makita ko ang Don na dahan-dahang nababa ng hagdan.

"Ms. Valdez." Nahigit ko ang paghinga ko ng tawagin ako ng Don. Isang kilalang strikto pagdating sa lahat ng bagay at isa sa mga dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Sergio.

"Don Julio." Mahinang sambit ko.

"Papa, alam kong kilala niyo na si Thea pero ipapakilala ko ulit siya sa inyo ngayon." Napatingin ako kay George at parang may maliit na ngiti ang gumuguhit sa labi niya. Ano ba ang gusto niya mangyari?

"Papa, si Theresa Laida Valdez po pala, girlfriend ko." Biglang naguho ang mundo ko ng tinotoo niya na talaga ang plano niya.

"Good. Iha, dito ka na maghapunan. Cecil, maghanda ka na ng hapunan."

Napatulala ako sa Don ng biglang lumambot ang ekspresyon nito. Teka. Bakit? Tama ba yung narinig ko? Tumayo ito mula sa wheelchair nito saka dahan dahang lumapit sa akin. Inalalayan siya ni george palapit sakin.

"Iha, patawarin mo ko sa mga nasabi ko sayo noon. Sana mapatawad mo ko at hindi ko na tututulan ang pagmamahalan niyo ng anak ko." Halata mo ang sinseridad sa boses ng Don at miski ako ay napaawang ang labi sa mga sinabi niya. Napaka-imposible para sa isang Don Julio ang humingi ng patawad at napaka-imposible na matanggap niya ako para sa anak niya.

"Don..."

"Papa, mag-uusap po muna kami ni Thea at pupunta na lang po kami sa hapag pag handa na." Nagpatianod na lang ako kay George. Naiiyak ako. May isang butil ng luha ang tumulo sa pisngi ko. Bakit ganun? Napaka-unfair!

Hinarap ako ni George. Nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya. Napaiyak na ko ng tuluyan. Niyakap niya ko kaya napahagulgol ako sa dibdib niya.

"Sinabi ko girlfriend kita. Kasi ayokong makitang umiiyak ka. Bakit naiyak ka?" Napakapit ako sa damit niya at pinaghahampas ang dibdib niya.

"G*go ka ba! Parang wala ka nung araw na pinagloloko ako ng kapatid mo at pinahiya ng Don! Sira-ulo talaga kayo.. Bakit lagi niyo na lang ako ginaganito?! Okay na ako eh. Binalik mo nanaman ako dito!" Hinampas hampas ko siya sa dibdib pero pinababayaan niya lang ako.

"You can use me, Thea."

Napaatras ako sa kanya at tinitigan siya sa mata.

"You want revenge. Pwede mo ko gamitin." Umiling lang ako. Ayoko.

"Gusto mo ba makita ka nilang kaawa-awa? Ikakasal na sila. This time, you can use me. Hindi ka lang basta-basta na Thea Valdez. Thea, promise I'll help you."

"Paano ako maghihiganti? Wala naman na siyang pakialam sakin? Magmumukha lang akong tanga. Ayoko George." Tumalikod na ko sa kanya pero hinila niya ulit ako.

"You don't know anything, Thea. Umpisa ng umalis ka, I know may mali." Naiiyak nanaman ako kaya tumingin na ko sa gilid. Napapahikbi ako habang inaalala lahat ng nangyari sa akin. Lahat ng masasakit na salita na binigay nila sa akin. "Thea, you know that I hate you for choosing my brother instead of me? I know I'm selfish but I tried also to break your relationship but I don't want to see you suffer. And he, he fvcking broke and lost you. Samantalang iningatan kita dati." Nagngingitngit siya sa galit at inis na hinawakan niya yung buhok niya. I saw a small tear in his eyes, he's crying! Napayuko na lang ako.

Bakit kasi kay Sergio pa tumibok yung pusko? We are friends before when I met Sergio, his brother. Lagi nanggugulo sakin si George noon pero si Sergio yung gumulo ng buhay ko.

"Ikakasal na sila George. Please, ayoko na manggulo." Nanghihina kong sabi.

"How about your son?" Gulat akong napatingin sa kanya. How did he knew? 

"Look Thea, papalakihin mo ba ang bata na walang ama?" Lumuhod ako sa harapan niya at nagmamakaawang huwag na sabihin pa sa kanila na may anak ako.

"Please, wag mo sasabihin. Baka kuhanin niya ang anak ko. George please..." Tinayo niya ko at niyakap.

"Please wag kang umiyak.. Nasasaktan ako...." He hugged me. I feel this familiar hug, siya lang ang nagcomfort sa akin nung panahong nag-iisa lang ako pag wala sila Mommy at Daddy. I met George first then Leila. Kaya mas matagal ko ng kilala si George.

"Iho, halika na. Kumain na kayo. Hinihintay na kayo ng Don sa hapag." Napatingin kami kay Manang Cecil. Tumango lang si George at pinahid ko yung luha ko. Hinawakan niya ko sa pisngi.

"Girlfriend kita, boyfriend mo ko. Kahit acting lang.." Malungkot niyang sambit. I feel sorry for him.

"Iha, salamat." Napatungo ako. Nahihiya pa rin ako. Dalawang tagapagmana na Zalbeda ang tinuhog ko.

"Papa, salamat din at tinanggap mo kami ni Thea." Naramdaman ko yung kamay ni George sa ibabaw ng kamay ko.

Ngumiti lang ang Don at nagpatuloy kami sa aming kinakain. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang ang awkward ng atmosphere. Ang tahimik kasi at puro tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig.

"May bisita pala tayo...." Napahinto ako sa pagkain nang marinig ang pamilyar na boses na yon.

"The gold digger is here. Kaya pala nag-iba ang amoy ng hangin. Manang wala ba kayong air refreshner? May malansa kasi rito." 

Muling nanikip ang dibdib ko. I found Rhian beside him and they are still together.



PS: Done editing [2.26.22]

Zalbeda's Baby (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें