Chapter 26

12.4K 232 15
                                    

Tumigil na pala siya sa paghila sakin pero dire-diretso pa rin ako. Bumunggo tuloy ako sa likod niyang napakatigas.

"Sorry." sabay naming sabi. Para mawala yung tensyon lumayo muna ako sa kanya saka nilibot yung tingin sa paligid. Nasa gazeboo pala kami ngayon. Ngayon lang ako nakarating dito, di kasi ako nakakalabas ng mansyon. Nakakatakot kasi yung mga gwardya ni Argus, ang lalaki pa ng hawak na baril. Baka may galit sila sakin dito bigla na lang ako barilin dito.

"Thea." nag-iisip sana ako ng sasabihin para hindi maging akward yung atmosphere kaso una siyang nagsalita edi go siya. Tumingin ako sa kanya pero nakatitig pala siya sakin.

Bumaba yung tingin niya papuntang labi ko. Nanuyo yung lalamunan ko kaya lumunok ako ng ilang beses.

Kumurap-kurap siya saka iniwas yung tingin niya sakin. Humarap siya sa kabilang bahagi ng gazeboo.

"J-just go on the plan. I don't want to see you in danger. If something bad happened, you and your son should leave first. We prioritize your safety at napag-usapan na namin nila Blake yun." Napaawang yung labi ko.

"Bakit niyo ba sinasabi niyan?! Diba nga gagawin natin yun habang wala sila Sergio dito sa bansa. Mas konti lang ang magiging kalaban natin sa kanila. Bakit ba ganyan kayo magsalita? Parang alam na alam niyo ang mangyayari? At bakit kailangan kami ang mauuna ang umalis? Gusto ko sabay-sabay tayong lalabas dun kasi sabay-sabay din tayong sumugod dun." Napahagulgol na ko. Kahit na.. napakasama niya sakin. Mayroon pa rin naman silang parte sakin eh.

Naramdaman ko ang paglapit niya sakin.

"If something bad happened lang naman. Promise me na susundin mo ko, ayoko ng matigas ang ulo Thea." Napatigil ako sa pag-iyak ng naramdaman kong nasa dibdib na pala niya ako. I feel comfortable on his arms.

"After this, I'll text you. I hope na pumunta ka." Kumalas na siya sakin hanggang sa naglalakad na pala siya palayo.

"If something bad happened, hinding-hindi ko kayo iiwanan dun Argus. I'm sorry." Mahina kong bulong.


****************

A.N

Mema update. HAHAHAHAHA. Sorry super duper late na. Sorry talaga po. Next update will be the battle. Kaya pinaigsi ko lang to. Tomorrow or I dunno kung kailan kaya sana magawa ko siya ngayon. Ipapublish ko agad. I'll try, I promise. :)

Zalbeda's Baby (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя