Chapter 16

16.7K 318 15
                                    

Mafia? Diba grupo yun ng makapangyarihan at maimpluwensyang tao? Paanong napunta ang sulat na ganito dito?

Napatingin ako sa dalawang pulis na nasa pintuan? Pulis ba talaga 'to sila? Baka naman kasama rin sila sa Mafia? Parang biglang tumambol yung dibdib ko. Kailangan ko makaalis dito.

"Maam, okay ka na po ba? Baka nagdurugo ulit yung sugat mo." May isang nurse ang nakapasok kaya panigurado hindi masyado mahigpit ang seguridad nila dito.

"Miss, I'm sorry." Sinuntok ko siya kaya natumba siya sa kama kaya agad-agad ko siyang hinila pahiga. Hinubaran ko din para magpalit kami ng damit. Good thing may mask na kasama. Agad ko siyang tinalikod at binalot ng kumot.

Nanginginig na lumabas ako ng kwarto. Diretso ang tingin na pumunta ako sa elevator. At para akong aatakihin sa puso ng makasalubong ko si George sa elevator. Dali-dali akong pumasok sa elevator saka pinindot ang ground floor.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakalabas ako ng ospital. Napahawak ako sa tiyan ko ng mag-umpisa nanaman ito magdugo. Saan ako pupunta?

Balak ko sana pumunta sa shop. Hihingi ako ng tulong kay Tessa kaso baka may bantay na ren dun. Hays. Saan ba ko pupunta?

Leila...

Oo. Kay Leila.

Nandito ako sa tapat ng bahay nila Leila. Nandito sana siya. Nag-umpisa na kong kumatok. May lumabas na babae sa tingin ko katulong nila.

"Miss, ano kailangan mo?" Napahawak ako sa puro dugo kong damit.

"Andyan po ba si Leila?" Nang makita niya yung puro dugo kong damit, nag-aalangan pa ba siya na papapasukin ba ko o hindi.

"Nasa loob ho siya. Okay ka lang ba miss?" Tumango lang ako saka giniya ako papasok ng bahay. Nakita ko agad si Leila sa sala nanunuod ng tv.

"Thea!" Nanlalaki ang matang napatingin siya sakin.

"Leila, kailangan ko tulong mo."

"Myghad! Ano nangyare sayo? Kailangan kita dalhin sa ospital!" Umiling-iling ako saka pinigilan siya.

"Teka nga. Kukuha na lang ako ng medicine kit. Dyan ka lang! Umupo ka! Paano pag nawalan ka nang dugo?" Nagmamadaling umalis at ilang saglit lang ay nakabalik na siya.

"Magsabi ka nga! Ano bang nangyare? Na-rape ka ba o ano? At bakit nurse ka na?!" Galit niyang sabi. Pinahubad niya sakin yung damit na puro dugo. Nakita ko yung gasa na halos hindi na makita dahil sa dami ng dugo. Kinuwento ko na rin sa kanya lahat ng nangyare sakin.

"Oh my G! Nagawa ni Sergio sayo yun?" Tumango lang ako.

"L-leila, t-tulungan mo ko... K-kuhanin natin yung anak ko." Naiyak kong sabi. At naaawang napatingin siya sakin.

"Tutulungan kita. Pero magpahinga ka muna. Tingnan mo itsura mo. Para ka nang may sakit niyan." Kahit ilang beses akong humindi, mas mapilit siya. Nandito ako sa kwarto na pinahiram niya sakin. Ano na kaya ginagawa ng anak ko? Paano pag naiyak pa rin siya?

Pero paano kung mas gusto niya na sa papa niya? Mas maraming laruan dun. Mas maraming pagkain dun. Mas maraming luho ang mabibigay sa kanya dun.

Pero hindi ako papayag na makuha niya ang anak ko! Ipaglalaban ko siya!

Napaiyak nanaman ako. Kasi naman.. Bakit niya pa kinuha ang anak ko? Pwede naman sila gumawa ni Rhian nun?

May kung anong bara ang bumara sa lalamunan ko, maisip ko pa lang na magkakaanak sila ni Rhian. May nararamdaman pa ren ba ako kay Sergio? No. Wala na dapat 'to. Galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagising ako ng may sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. Umaga na. Dali-dali akong tumayo saka pumunta ng banyo. Isa lang ang pasya ko. Pupunta ako kay Sergio. Wala akong paki kung kabali siya sa Mafia na yan. Ang kailangan ko ang anak ko! Mas mapapahamak lang ang anak ko sa kanya.

"Thea, ang aga mo naman ata. Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko ang anak ko."

"Thea, di pa magaling yang sugat mo!"

Hahabulin pa sana niya ko pero saktong may taxi na dumaan sa harap ko. Sinabi ko ang address ng bahay ni Sergio. Hindi ko alam kung paano ko siya tatagpuin. Kung paano ko siya kausapin. Paano na lang kung may nakahanda na pa lang pasalubong sakin dun? Isa putok. Patay na ko.

Pero wala akong pakialam. Akin lang ang anak ko.

Nakababa na ko at nakaharap sa bahay ni Sergio. Napapalibutan ito ng naglalakihang lalaki. Bakit ngayon ko lang nalaman 'to sa kanya? Totoo ngang wala lang ang nakaraan namin. Na ako lang pala ang nagmahal. Dahil kung totoong mahal niya ko, aalamin niya muna lahat bago niya ko husgahan. Dahil yung ang pinangako namin sa isa't-isa.

"Miss bawal ka dito. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo." Parang robot kung magsalita yung lalaking nakabantay sa pinto. May hawak din itong armas na malaki. Wala man lang emosyon ang nakikita sa mga mata nito.

"Kailangan ko makausap si Sergio."
Pero parang hangin lang akong nakatayo dun. Bumilang ako ng sampung segundo. At nung medyo nakabwelo na ko saka ko tinulak yung lalaki. Halos mabuwal ako sa bigat pero natulak ko ren naman. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakbo papasok. Nagtago ako sa isang sulok ng salas kaya hindi na nila ako napansin. Nang mapansin kong wala na yung lalaki. Lumiko na ko papunta sa hagdan. Hinanap ko yung dating guestroom. Dahil alam kong yun ang ginawang kwarto ni Sergio para sa anak ko. Paano ko nalaman? Because we all planned it before. Before....

Itutuloy....



*****************

A.N.

Dahil nakakatuwa yung comments niyo. Hahahaha! Eto na ang update. Alam ko puro bitin yung update ko because it's part of excitement of the story. Pasensya na, loka-loka lang po ako. Hahahahahaha! 50 likes and 25 comments for next update. ;) Demanding sorry wahahahahaha! Bye. Thanks. Godbless!

Zalbeda's Baby (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora