Chapter 12

17.2K 303 5
                                    

Maayos na ang pakiramdam ko kaya balik trabaho na. Kaso nakakasakit lang ng ulo yung mga customer na ang aarte kala mo naman na sila ang tama. Yah! In business, customer is always right. BUT, pag ikaw ang tama ipaglaban mo. Oo parang sa Love, ipaglaban mo. Pero pag wala na, tumigil ka na. Nagmumukha ka na lang tanga. Ayst. Ano nanaman nasa isip ko.

"Thea, sabi ko diba magkita tayo?!" Nagulat ako ng biglang may pumasok sa office at parang bata na hindi sinunod ang gusto niya. Hays. Zalbeda again.

"Marami ako gagawin, Sir George." totoo naman eh. Ang daming naiwan na gagawin nung nag half day ako.

"Ako Boss dito kaya tara na." Seryoso niyang sabi at hila sa wrist ko, neto lang ata ako natauhan kaya ayun! Nasa kotse na kami. Yung bag ko? Naiwan ko na.

"As I said to you, you can use me. Kaya tara na. Nasa loob na sila." WHAT?!

"Sinong sila?" Sh*t. What are they doing here? Sana di nila kami makita. Pero pesteng lalaki na 'to. Tumigil pa sa harap nila.

"Hey Bro, Nandito pala kayo? Dito na kami uupo ha? Gutom na kasi girlfriend ko." Pinaghila ako ng upuan ni George. Nakatulala lang akong umupo dun. Ang epic siguro ng mukha ko. Pero kasi, eto ba yung sinasabi niyang sila?

Napalunok ako ng makita ko si Sergio na matiim na nakatitig sakin. Nanlambot ang tuhod ko kaya tumingin ako kay George, kinunotan ko siya ng noo para sana naman maintindihan niya.

"It looks like your girlfriend don't want to join here, George." Maarteng sabi ni Rhian kaya napataas ang kilay ko.

"Who says?" Sabi ko. Lalaban? Oo lalaban ako! Inirapan lang ako neto kaya napangisi ako. Napagawi naman ang tingin ko kay Sergio dahil magkatabi lang sila. At ganun pa din, napapalunok na lang ako. Parang may bumabara sa lalamunan ko sa bawat titig niya sakin.

"Babe, what do you want to eat?" Binalik ko ang tingin kay George dahil narinig kong may tinanong siya sakin.

"Pasta will do." Ngumiti ako sa kanya. Siguro nga, kailangan ko mapakita sa Ex-bestfriend at Ex-boyfriend ko na hindi na ko ang dating Thea na nakilala nila.

Nag-uusap sila George and Sergio about sa business. Samantalang kami ni Rhian eh nagpapatayan sa tinginan. Akala mo kung sinong anghel kung umasta, ahas naman pala.

"I'm going to comfort room, hon" Napatingin ako kay Rhian na maarteng lumambitin sa braso ni Sergio. Akala niya ata sasamahan siya ni Sergio pero tumango lang 'to saka kinausap ulit ang kapatid. Napasimangot ito kaya napangisi ako sa kanya. Nakita niya kong nakatingin sa kanya kaya inirapan niya ko. The Hell! Hahahahaha!

Nang medyo tumigil sa pag-uusap sila George. Agad naman ako nagpaalam.

"I'm going to pee." Bulong ko kay George kaya napangisi siya sakin.

"Tulungan kita?" Namula yung mukha ko kaya pasimpleng kinurot ko siya sa hita. Medyo umalog yung mesa kaya naramdaman kong nakatingin na samin si Sergio. Tumikhim naman 'to.

"Go ahead." Natatawang sabi ni George. Inirapan ko lang 'to.

Pagpasok ko ng banyo ay siyang labas naman ni Rhian sa cubicle.

"Ohh Hi. Ex-bestfriend. Anong feeling na nakuha mo na ang boyfriend ng bestfriend mo? Satisfied?"

Humarap to sa salamin saka naglagay ng red lipstick sa labi. Bagay na bagay sa kanya gawa ng maputi ito.

"You know, wag ka magmalinis Thea. Alam ko naman na pera lang naman talaga ang habol kay Sergio. And unlucky for you di ka nag-ingat."

Hinarap ko siya sa salamin. Bakit ba nagkaroon ako ng issue ng ganun? I'm the only daughter of Valdez. Mayaman kami. Paanong nangyaring may kumalat na balita na naging gold digger ako?

"Kung nagtataka ka. Your family bankrupt before. I guess you don't know 'coz you're not a real Valdez. Kinausap nila si Sergio and because of Sergio naahon nila ang kompanya nilang pabagsak na. And Tito Julio don't like you naman talaga kaya ayaw niya ikaw para kay Sergio. Then after that, Sergio knew that you're using him because of his money. That's why, galit na galit siya sayo. And ang nakakagulat talaga na hindi ka pala totoong Valdez! Social climber. Kaya ayoko na rin sayo, dahil anak ka lang pala ng magsasaka. How did I know? Easy lang. I have ways... So, paano ba yan? Sana marunong kang lumugar dahil hindi nararapat ang isang katulad mo dito." After that. She left me hanging.
Napaharap ako sa salamin dahil hindi ko pa naabsorb lahat. May tumulong luha sa pisngi ko. The eff.

******************

A.N.

Kasing bilis ng pagpapalit niya sakin ang pagpalit ko sa title ng story na 'to. Hahahahaha! Para kasing lumalayo sa title. Ayuuuun nga. The Revelation ika nga. Lapit na pasukan. Sana ipag-pray niyo ko na makapasok ako sa pagiging READS sa school namin. Para makapag-aral pa din ako. Huhu. Kailangan naten magtipid kaya ayun. Maraming salamat. Mwah Mwah! Alam kong minsan lang ako magdrama dito pagbigyan niyo na. Hahahahahaha! THANK YOU! READS means...

Recoletos
Educational
Assistant for
Deserving
Students

Zalbeda's Baby (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant