15 : MKGSAATANK

Magsimula sa umpisa
                                    

I should hate Julianne. Dapat ay kinamumuhian ko siya dahil siya ang dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. But I can't blame an innocent woman who did nothing but to support my relationship with Miggy. Naging mabuti din siyang kaibigan sa akin. She did everything she could to support my relationship with Miggy.

And still, I can't blame her now. She is doing nothing and Miggy is doing everything.

Miggy, mahal na mahal kita. At sana maayos pa natin 'to.

Hindi ko kayang mawala siya sa akin. I can't take it if he will totally leave me.

Badet

Pati siguro bulag ay mararamdaman ang intensidad ng nangyayari ngayon.

I can't believe Miggy is here. At kasama niya ang aking kaibigan. Tahimik lang si Julianne pero alam kong ayaw niya ng nangyayari.

" Miggy tama na 'to please. Ayoko ng ganito." Mukhang nahihirapan si Julianne sa pakikiusap kay Miggy.

Miggy is here and he really looks so not fine to me. Parang hindi siya naligo ng ilang araw. Namumugto ang mga mata niya. All he thinks is Julianne.

Parang nakamighty bond ang mga mata niya kay Julianne at titig na titig ito sa kanya.

Pinagtitinginan na din siya ng mga kaklase namin. Parang lahat sila ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Ni walang hiya hiya si Miggy sa kanyang ginagawa.

Nagulat ako ng hapitin si Miggy si Julianne sa kanyang bewang at gawaran ng malalim na halik sa harap naming lahat.

Fucking shit!

Totoo ba 'to?

Totoo ba ang nakikita ko?

Parang panaginip pero alam kong gising na gising ako.

Oh shit!

At talagang laplapan pa ang ginagawang paghalik sa kanya ni Miggy.

Saan ba kase si Gino. Paano  na mananalo ang manok ko kung wala siya dito.

Dapat ay alam niyang hindi madaling karibal si Miggy. Kung si Miggy rin lang ang magiging karibal ni Gino, e dapat gumalaw galaw na siya dahil kakatakot na ang mga galawan ni Miggy eh. Parang hindi si Miggy pero kahit mabulag man ako, alam kong si Miggy parin.

" Miggy, ano ba 'tong ginagawa mo ha" Tanong sa kanya ni Julianne pero huli na ang lahat dahil kitang kita ng mga mata ko si Gino na nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Gino's eyes were pitch black.

This is war. I thought to myself.

Hindi ko alam pero ako mismo ang natatakot sa ginagawa nila.

" Miggy please. Huwag mong hintaying ako mismo ang lalayo sa 'yo. Diba sinabi ko naman sa 'yo na mayboyfriend na ako at si Gino iyon" Wika sa kanya ni Julianne pero limang salita lang ang naging sagot sa kanya ni Miggy.

" I will kick him out" Wika ni Miggy.

Matindi na talaga ang labanan ng dalawa.

Unti unting lumapit si Gino sa gawi namin.

Kaetlyn Julianne

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa nangyayari ngayon. Gulat na gulat parin ako sa ginawa ni Miggy. Iyung halik niya, ni hindi ko parin lubos matanggap.

Seeing Gino approached us made my heart beat faster, harder.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang ay natatakot ako. Natatakot ako sa puwedeng gawin nilang dalawa. Hindi sila puwedeng magsuntukan dito dahil maraming estudyanteng nakakakita. Nahihiya ako pero wala ng espasyo pa para mahiya ako. Masiniisip ko ang puwedeng mangyari.

Gino approached us.

" Layuan mo ang girlfriend ko Zarate" Malamig niyang utos. Umigting ang panga ni Miggy bago sumagot.

" Layuan mo ang babaeng mahal ko at maghanap ka na ng unbersidad na paglilipatan. I will send you out of my university" Miggy spoke with authority. Umigting ang panga ni Gino sa sinabi ni Miggy.

" You are not Noah Miguel Zarate to say that. At huwag mong angkinin ang babaeng sa akin na. Let her choose Joaquin. Don't assume that she still loves you because as far as I am concerned, she loves me more that she had loved you" Wika ni Gino na naging hudyat ng mabilis na pagsuntok sa kanya ni Miggy.

" Miggy!" Tawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

" Gino!" Tawag ko din kay Gino pero parang wala silang naririnig.

Tumulong na ang iba naming mga lalaking kaklase.

Lyndon held Miggy but it seemed that Miggy is too strong for him to hold.

Ilang sandali pa ng marinig namin ang boses ni tito Miguel.

" Joaquin!" Wika niya. That's the time they stopped. Hindi manlang nagulat si Miggy sa boses ng kanyang ama. Kitang kita ko ang sobrang kaseryosohan sa mukhang ni tito Miguel. Iyung mga mata niya, kakaiba talaga.

" Both of you! In my office now!" Galit niyang sigaw sa kanilang dalawa. Napayuko ako.

" Kaetlyn, I need you also in my office" Gulat akong napatingin kay tito Miguel. Agad akong kinabahan dahil dun.

I looked at Badet and all I can see is her promising face.

I don't what will happen inside tito Miguel's office.

All I know is that this is not going to be easy.

I held on my chest. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At maslalong bumilis ito ng maramdaman ko ang kamay ni Miggy sa akin. Pinagsiklop niya ang kamay namin at hinapit niya ako palapit sa kanya.

" Choose me please. I'm begging you" Rinig kong bulong niya.

Hindi ko alam ngunit agad na napako ang tingin ko kay Gino. He gave me that smile I needed. Ngumiti ako ng tipid pabalik.

-----

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon