Ilang sandali lang sa aming paghihintay ay may sumigaw na mula sa labas. Kilang kilala ko ang boses na kay Josef. Sinisigaw niya ang pangalan ni Ivan at lahat ng aking kamag-anak ay nagmamadaling lumabas ng bahay ni Tita Nora.

Huminga ako ng malalim nang napansin si tatay na hindi diretso ang paglalakad. Tumakbo ako sa kanya at inalalayan siya.

“Kaya ko naman, anak.” Aniya sa akin nang hawakan ko ang braso niya.

“Kaya ko rin pong tulungan ka, 'tay.” Sabi ko at sinundan iyon ng pilyang ngiti. Lumabas kaming dalawa at ang aking pinsan na hindi nalalayo ang itsura sa akin ang aming nakita.

Matangkad si Ivan at maputi kagaya ko. Mas makinis lang at pantay ang kulay ng balat niya kumpara sa amin ni Iris. Dahilan siguro ang pagtira niya sa malamig na bansa. Lumaki rin ng kaunti ang katawan niya kumpara noong huli ko siyang nakita. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay nawala ang ngiting naglalaro lang kanina sa labi niya.

Sumeryoso siya ng ilang saglit matapos ay binalik din ang ngiti kanina. Lumapit siya sa amin ni tatay.

“Tito!” bati niya at agad na niyakap ang aking ama. Pinagmasdan ko silang dalawa. Tinapik ni tatay ang likod ni Ivan bago ito humiwalay.

“Mabuti naman at umuwi ka na.” Ani tatay sa kanya.

Sumulyap sa akin si Ivan bago sumagot. “Oo nga po eh. Ito na rin siguro ang tama.” Aniya at sumulyap ulit sa akin.

Nakonsensya bigla ako. Alam ko, ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito. Biglaan ang pag-uwi ni Ivan dahil sa akin. Hindi ko maiwasan sisihin ang aking sarili.

“Therese.” Malamig ang kanyang boses ngunit may maliit na ngisi sa labi niya.

Hilaw akong ngumiti. Gusto ko nang mapag-isa kaming dalawa para sa ipapakiusap ko sa kanya. Pero mukhang imposible dahil sa rami ng tao.

“How’s my cousin?” Sagot ko habang winawala ang nerbyos sa dibdib ko.

Tumaas ang isang kilay niya. “I’m fine.” Aniya. “Ikaw ang kumusta?” Tanong niya.

May naglarong kakaibang tingin sa kanyang mga mata at alam kong iniisip na niya ang tungkol sa amin ni Terrence. Sana ay 'wag na siyang magsalita.

“I’m sorry sa nangyari kay Chris.” Mahinang sambit niya. Umalis si tatay sa gilid ko. Isa isang pumapasok kayla Tita Nora ang mga tao at si Iris na dapat nandito ay hindi ko makita.

Ngumuso ako. I don’t know if I should be disappointed or relieved. “Okay na ako.” Isang simpleng sagot ko na parati kong sagot sa lahat ng taong nagsasabi nito.

Lumipat siya sa gilid ko at inakbayan ako. “Marami tayong dapat pag-usapan, pinsan. But since mukhang may party’ng magaganap,” sinilip niya ang loob ng kanilang bahay. “Next time na lang natin pag-uusapan.” Aniya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now