"Ahahah, oo, ganyan sila mag-ailabyuhan eh." Dad said.

"What are you talking about Dad? Mom?" I asked.

"Nothing, ahaha, Let's Go inside." Mom said.

"Okay." I said saka kami pumasok sa loob, maya-maya darating sila Mica and Hannah para sa ilang preparations for my Birthday tomorrow.

*Migs' POV*

Itinabi muna namin ni Ica sa fridge yung Cake na ginawa namin and started to cook Carbonara, Pizza, Cookies and Lasagna. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Ica kung bakit ako nagluluto ng mga ito. Marunong akong magluto pero mas marunong akong kumain, ahahaha.

Maya-maya, dumating na ang barkada. Ako ang nagbukas ng door, nagulat naman si Ica ng marinig nya ang sigawan nila Angela, Shuzette, Jun Sharmaine, Chris, Lance and Andrei na…

"HAPPY BIRTHDAY MIGS!" They said.

"Thanks Guys." I said.

"Yes naman, ang sarap nung naaamoy ko aah." Andrei said.

"Mukhang nagluto sya aah." Lance said.

"Ahahah, Oo nagluto ako, tara pasok kayo.." I said saka naman sila pumasok, nagulat naman sila ng makita nila si Ica dito sa loob.

"Ica? Ba't nandito ka?" Tanong naman ni Sharmaine.

"Don't tell me binigyan mo ng kakaibang birthday gift si Migs." Andrei said.

"Oy! Loko toh oh! Wala noh, nagpatulong lang akong magluto sa kanya." I said.

"Aah, kaya pala nagluto ka ng bongga Migs eh, birthday mo pala, hindi mo sinasabi sa akin." Ica said.

"Ahahaha, sana tinawagan mo kami Migs para natulungan namin kayong magluto ni Ica." Sharmaine said.

"Oo nga, pati sa pamimili nyo." Angela said.

"Ahahaha, No need, tatlo naman kaming namili eh."

"Tatlo? Sino yung isa?" Tanong naman ni Lance.

"Si Jiro." I said na kinagulat naman nila.

"What? Si Jiro?" They said.

"Sa pagkakaalam ko never naggrocery si Jiro aah." Chris said.

"Oo nga." Agree pa ni Shuzette.

"Ahahah, di ko alam kung bakit eh? Siguro kasi ayaw nyang iwan si Ica mag-isa sa akin habang nasa labas kami."

"Ahahaha, aba't nag-iiba na itong si Jiro aah." Andrei said.

"Ahahah, Oo nga noh, nakakatuwa, ang cute ayaw iwan si Ica." Angela said.

"Sus, tag-adik lang yun, wag nyo bigyan ng meaning." Ica said.

"Ahahah, nakakatuwa naman, inggit ako!" Sharmaine said.

"Ba't ka maiingit? Di ba ganyan si Jun?" I said taz biglang nag "Uyyyy" yung mga girls.

"Ahahaha, ang saya nito!" binago ko nalang yung topic.

"Ahahaha, Migs, tapos na itong salad oh." Ica said.

"Salamat Ica." I said.

"Sige na Guys, maupo na kayo. Ipapatikim ko sa inyo yung mga hinanda namin ni Ica para sa Birthday ko." dagdag ko pa.

"Sige-sige." Excited na sagot nila.

Masaya kaming nagkwentuhan at kumain dito sa Condo ko, masayang magcelebrate ng Birthday together with friends, pero mas sasaya pa sana ito, kung kahit minsan, maalala ng parents ko ang araw na ito.

Dumating si Jiro dito sa condo ng 8:00pm, mejo natagalan sya sa pagsundo sa parents nya aah. Pero ang mahalaga umabot sya sa Celebration ng Barkada sa Birthday ko.

Nakita ko namang ngumiti si Ica ng dumating si Jiro. Ahahah, sabi na eh, posible talagang magkaroon ng feelings itong si Ica kay Jiro. Okay lang yun, mahal na naman sya ni Jiro eh. Ayaw lang aminin ni Jiro vocally.

Masaya itong araw na ito! Ahahah, kasama ang G6, 3Princesses and the only commoner na naging Best Friend na namin lahat. First time toh.

*Nicca's POV*

Nandito pa rin ako sa Condo ni Migs, kung hindi pa nagsisisigaw itong mga kaibigan namin eh hindi ko malalaman na birthday pala nitong si Migs, loko eh. Kaya pala ang daming dinampot sa Hypermarket kanina, nako!

Late na dumating si Jiro dito, pero kahit ganun nakarating pa rin sya. Natuwa yung puso ko kasi kahit nalate sya, dumating pa rin sya. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kasi parang pag nandyan sya hindi ko maexplain yung happiness pero nayayamot ako at the same time pero kung wala naman sya saka naman ako nakakaramdam ng sadness, hindi ko talaga maintindihan yung nararamdaman ko. Napakagulo talaga.

Well anyway, bago pa dumating si Jiro dito, eh nakita ko si Shuzette na nasa balcony nitong condo. Nagpapahangin sya habang umiinom ng Juice.

"Zette." I said, napalingon naman sya.

"Hmm?"

"Sorry." I said.

"Sorry? Para saan?"

"Hindi ko kasi alam kung bakit ka nagalit sa akin pero sorry kung may nagawa man ako sayo na hindi ko maalala."

"Aah, yun ba, don't mind it. Dapat nga ako ang magsorry sayo eh, sorry lagi kitang natatarayan."

"Okay lang sakin yun, may nagawa kasi ako sayo na hindi ko maalala."

"Ano ka ba? Sa totoo lang wala kang nagawang mali. I'm sorry, bitter-bitteran pa kasi ako eh."

"Bitter? Bakit?"

"'Because of Jiro."

"Jiro?"

"Naiingit kasi ako sayo eh, kaya kita natatarayan. Kasi alam kong mahal ka ni Jiro."

"What? Niloloko mo ba ako?"

"Totoo ang sinasabi ko, alam mo, sa tagal na naming magkasama ni Jiro ni minsan hindi nya ako pinansin, he doesn't look at me the way he looked at you, iba yung aura nya kapag nandyan ka, minsan nga naiisip ko, bakit ka kaya nya nagustuhan?"

"Eeh?"

"Totoo, Ica. Hindi mo ba napapansin yun?"

"Eh kasi..."

"Hay Ica, open your eyes and You'll see what I mean." Shuzette said saka sya bumalik sa loob, naiwan ako dito sa balcony na iniisip yung mga sinabi nya.

Naalala ko tuloy yung mga sinabi ni Jiro sa akin nung nasa Baguio kami....

*Flashback*

"Gago! Hindi noh! Ano namang ikakaselos ko dyan? Eh ni hindi ko nga gusto yang babaeng yan, tignan mo, ang liit! Pandak, pimpulin, kala mo may niluluto sa mukha dahil sa oily face, yung buhok kala mo tambo, chappy lips, walang Butt, higit sa lahat... FLAT CHESTED!"

*End Of Flashback*

So, napakaimposible talagang magustuhan ako ni Jiro, yung mga binanggit nyang yun kabaligtaran nun ang Ideal Type nya. Bakit ba sinasabi nila sa akin ito?

Gorgeous Six Onde as histórias ganham vida. Descobre agora