G6 • 6

109 2 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 6 •

"Girlfriend? Huh? Kaya ko kumuha ng girlfriend anytime I want." pagmamayabang naman nito sa akin.

"Sus!"

"Okay Love Birds, stop it." Asar naman ni Tita sa amin.

"Love Birds ka dyan." inis na sabi ni Jiro.

"Jiro, silent please. Oo nga pala, darating na din si ate mo Jiro dito bukas with Mica."

"What! Bakit naman sya babalik dito?"

"Para may tagabantay sa mga kalokohan mo, Ahahahah!" sabi naman ni Tita.

"Tss." tinapos na ni Jiro ang pagkain nya saka naman sya dali daling umakyat sa taas papuntang kwarto nya.

"Uhm Tita"

"Yes?"

"Ano po pangalan ng ate ni Jiro?"

"Aah, sya si Kara, bully yun kay Jiro kaya ganun nalang yung reaction nya na parang ayaw nyang pabalikin dito ang Ate nya."

"E-eh?" bigla naman akong nakaramdam ng kaba, feeling ko mahihirapan ako sa Ate ni Jiro na pakisamahan, bully daw eh sabi ni Tita.

"Are you scared?"

"A-ah, E-eh."

"Dont worry, mabait naman sya, kay Jiro lang hindi masyado kasi puro kalokohan si Jiro eh." Wew, kinabahan ako dun aah.

"Oh, sige na, finish your food."

"Opo Tita." So may alam pala si tita sa kalokohan ni Jiro pero mukhang di nya alam yung level ng ginagawa ng anak nya.

Tinapos ko na yung pagkain ko, tinulungan ko na rin si Tita mag-ayos ng hapag saka na ako umakyat. Sarado ulit yung pinto ng kwarto ni Jiro (Syempre alangan namang nakabukas lagi di ba?). Nandito na ako sa harap ng pinto ng kwarto ko saka naman sya nagbukas ng pinto at nakita nya ako.

"E-eh?" yan lang nasabi ko, nang BIGLA NYA NA NAMAN SINARADO YUNG PINTO NG KWARTO NYA. Baliw talaga yun, inaano ko yun? lagi akong pinagsasarhan ng pinto, kala mo naman papasukin ko! Well yun naman yung ginagawa ko eh, ahahah nadala siguro. xD

Pumasok nalang ako sa kwarto ko, nagbasa nalang ulit ako ng mga libro at inayos yung mga gamit na di ko pa naaayos. Nakita ko itong mga note ko, dinikit ko na ito sa pader at inayos ko na rin yung ibang damit ko. Nang wala na akong magawa pumunta nalang ako sa kwarto ni Tita and naabutan ko syang nagaayos ng mga gamit nila ni Tito James.

"Tita, tulungan ko na po kayo."

"Oh sige." tinulungan ko na sya sa pag-aayos..

"Nicca, ikaw muna bahala sa Jiro ko huh, habang papunta dito si Kara."

"Ahehe, O-Okay po, ako na po bahala." bigla naman dumating yung isang maid dito sa kwarto ni Tita.

"Ma'am Suzy, nandito na po si Sir James and Sir Michael."

"Sige, susunod na kami."

"Sige po."

"Oh, tara na Nicca, ayos na yan :)"

"Okay po."

Bumaba na kami ni Tita sa sala, para salubungin sila Tito and Uncle...

"Oh, Honey, nandito na pala kayo."

"Yeah, nakita ko na si Michael sa street eh, kaya sinabay ko na sya."

"Yeah, naglakad na kasi ako, isinauli ko na yung company car."

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon