G6 • 13

53 2 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 13 •

Nag-ayos na ako ng gamit ko para bukas, grabi naman kasi, bukas agad? Di ba pwedeng next week nalang? Tsk. Kaso bukas na talaga eh, wala na akong magagawa dun.

Nang matapos na akong mag-ayos, pupunta na sana ako ng kwarto ni Ate Kara kaso nakita ko na sya na padaan sa kwarto ko.

"Ate..”

"Yes Nicca?"

"Sorry po Ate kanina, di ko po kasi alam eh."

"Ano ka ba Nicca, ok lang yun, pero you have to face the punishment of the school para fair sa lahat."

"Ok lang po yun, pero Ate Sorry po talaga." Ate smiled at me then...

"Ok na yun, anyway, iprepare mo na yung mga gamit mo, 5am kaylangan nasa school na kayo, nandun na yung bus ng Richford University, okay na rin yung tutuluyan nyo sa Baguio, ienjoy mo lang ang Baguio, may mga nakahandang activities naman doon eh, kaya di ka maboboring."

"Talaga po?"

"Yes, so see ya tomorrow?"

"Ah, okay po, good night"

"Good night"

Hmmm... Okay, talagang tutuloy ako sa Baguio with G6 and my girl friends. Kung mababasa nyo parang bad influence yung mga girl friends ko noh? Pero sa totoo lang hindi, nadamay lang din sila sa kalokohan ng G6, first time lang nila Angela, Shuzette and Sharmaine yung mainvolved sa isang kalokohan ng G6. Ano ba kasing naisip ng G6 at nagpaparty sila? sa mismong old Library pa huh, malapit sa building ng HS. Ewan! Makatulog na nga lang.

!!!!!!!!!!

Anyway, morning na, madilim pa, 4:00am na kasi, nauna pa akong magising sa alarm ko, ahaha, early bird. Teka, may food kaya doon? Siguro naman meron noh? Pero maganda nang magdala ako ng snacks kahit yung pang foodtrip lang sa bus mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto ko, buti naman at tulog pa yung Mologs na Abnormal! Bumaba ako and dumiretso sa kusina, nakita ko naman na gising na yung ibang mga maids ganun din si Ate Delle, nagkakape sila.

"Good morning po Ms.Ica." Greet nung ibang katulong sa akin.

"Good Morning Ica" Greet naman ni Ate Delle sa akin.

"Good Morning din po sa inyo."

"Gusto mong magkape Ica?"

"Naku, di na po."

"Gatas nalang? Maaga pa oh, kaylangang mainitan yung sikmura mo."

"Ganun po ba yun?"

"Oo, teka't ipagtitimpla kita, maupo ka muna."

"Salamat po Ate Delle."

"Ms.Nicca, ano pong gusto nyo sa almusal?" tanong naman nung isang maid.

"Kahit ano nalang. Teka, pandesal ba yan?"

"Aah, Opo, gusto nyo po."

"Okay yan, penge pwede?"

"Kumuha lang po kayo Ms.Nicca, marami pa po dyan."

"Thanks."

My Gee! I missed it! Yung Pandesal sa almusal hindi cereals, taz gatas, Wooo! Natakam naman akoo dun. I enjoyed my breakfast with them, sarap kaya ng may kasalo no, kasi nakakapagkwento sila, di kagaya ni Jiro na puro insulto habang kumakain kami.

Then dumating si Jiro and Ate Kara dito sa kusina…

"*Yawn* Good Morning sa inyo.." greet ni Ate Kara sa amin.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon